Suzette Doctolero to Ogie Diaz: "peace na at yakap"

by PEP Troika
Jul 10, 2020
GMA-7 creative writer Suzette Doctolero posts a message for Kapamilya comedian-radio host Ogie Diaz after Congress rejected ABS-CBN's franchise renewal.
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Simula’t sapul ay Kapamilya ang talent manager-comedian na si Ogie Diaz.

Kapuso at supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte ang manunulat na si Suzette Doctolero.

Natural, ilang beses nagsalpukan ang dalawa sa kani-kanyang pananaw at paninindigan.

Nagparunggitan at nagpatutsadahan sila sa social media, partikular sa Facebook.

Nitong Hulyo 10, Biyernes ng 6:30 P.M., nag-post si Suzette sa FB ng mensahe niya kay Ogie.

Ito ay matapos lumabas ang desisyon ng Kongreso na huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Mensahe ni Suzette: “I think now is the right time for this: Ogie Diaz, peace na at yakap.

“Magkaiba man ang stand natin (i am for the granting of a new franchise pero may penalty sa violations).

“Isipin ninyo mang mema ako, pero ramdam ko ang lungkot ninyo. “Serious...”

Hindi kaya too little too late itong kay Suzette?


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

NOEL FERRER

‘Yan naman ang gusto nating mangyari... magkaisa ang mga tao ng mga network dahil pare-pareho ang ating mga concerns—malayang pamamahayag, maayos na pangkabuhayan, at ang may seguridad na karera.

Sana lang, magbuklod pa tayo at maging mas matapang sa gitna ng panggigipit at pagpapanahimik sa mga kritikal na mamamahayag.

Kapit lang!

JERRY OLEA

Kumukurot... humahaplos sa puso ang mensahe ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado para sa mga Kapamilya.

“Sa mga lumuha at nawalan, our prayers and hearts are with you,” post ni Jennylyn sa Facebook.

“Sa mga taong tuwang-tuwa sa mga pangyayari, huwag niyo sana danasin ang lumuha din at mawalan.

“Hindi ba na tinuruan tayo ng ating mga magulang na maging makatao sa kapwa?

“Rejoicing because of other people’s sorrow is not only wrong, but inhumane. You are cruel.”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Tapos na ang network war.

Kaya kailangan nang magdamayan at dito natin ipapakita ang tunay na puso para sa ating mga kapatid, dahil iisang pamilya lang tayo sa pamamahayag at pagbibigay ng aliw sa sambayanan.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 creative writer Suzette Doctolero posts a message for Kapamilya comedian-radio host Ogie Diaz after Congress rejected ABS-CBN's franchise renewal.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results