Kapamilya stars, nagluluksa sa pagpatay ng Kongreso sa ABS-CBN franchise

by PEP Troika
Jul 11, 2020
Ipinahayag ng Kapamilya stars na sina (mula kaliwa) Alex Calleja, Liza Soberano, at Martin Nievera ang kanilang pagdadalamhati sa pagbasura ng Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Tumutusok sa puso ang taghoy ng Kapamilya writer-comedian na si Alex Calleja sa kalaliman ng gabi ilang oras makalipas paslangin sa Kongreso ang kanyang mother studio.

Facebook post ni Alex pagkalampas ng hatinggabi at haharap sa unang bukang-liwayway ng pagluluksa:

“para sa lahat ng makakabasa nito,

“ngayong sarado na ang ABS-CBN, tama na, tantanan niyo na, napasara na eh...

“sa boxing, kapag napabagsak, umaawat ang referee, kapag bagsak, hindi na sinusuntok... ganun din sa MMA

“wala po kayong narinig na masamang sinasabi ang management, walang naghimagsik, walang nanggulo!

“kaya hayaan niyo kaming magdalamhati...

“at kapag nakabasa ako ng medyo wala kayo sa hulog, makakatanggap din kayo ng wala sa hulog...

“pumasok kayo sa page ko para kayong pumasok sa lamay, namatayan kami ng isang kumpanya, nasunugan ng bahay! magsalita kayo ng bastos, mababastos ko rin kayo... ang tinatanggap ko lang ngayon ay pakikiramay!

“wala akong oras makipagplatikan ngayon! “salamat [tatlong praying emojis]”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

NOEL FERRER

Markado ang mga kongresista-artista na nagkanulo sa ating industriya—ALFRED VARGAS, DAN FERNANDEZ, PRECIOUS HIPOLITO, at YUL SERVO.

Hindi ko lubos-maisip na tinalikdan ninyo ang sektor na sumuporta sa inyo nang kayo’y tumatakbo sa mga posisyon ninyo ngayon.

Nagsisisi kami at nakaya ninyong talikuran ang 11,000 na manggagawa—at ang kani-kanyang pamilya—ngayong may pandemya para sa sarili ninyong kapakanan.

Continue reading below ↓

Sa mga kasamahan natin sa industriya, ito ay pagkakataon para magkaisa.

ANG LUNGKOT, GAWIN NATING TAPANG! MANINDIGAN. TATANDAAN. PAGHAHANDAAN. TATAYAAN. MAGKAKAISA TAYO PAPUNTANG 2022!!!

Kasihan nawa ng Diyos ang industriya natin, ang bansa natin!

JERRY OLEA

Dahil sa pagpatay sa franchise renewal ng ABS-CBN, ipinagpaliban ni Liza Soberano ang paglulunsad ng kanyang YouTube channel.

Bahagi ng tweet ni Liza nitong Hulyo 11, Sabado ng umaga, “I would like to grieve with my fellow kapamilya and reflect on the recent happenings.

“Thank you for being patient and understanding. God bless!”

Continue reading below ↓

Ipinagpaliban din ni Martin Nievera ang Quarantwin concert niya sana sa Facebook ngayong Sabado ng gabi.

Hinaing ni Martin sa FB, “I feel so empty inside. My heart breaks for my kapamilya. All 11,000 plus! #kapamilyaforever the chance to be better was not given to us. What a sad sad shame...”

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinahayag ng Kapamilya stars na sina (mula kaliwa) Alex Calleja, Liza Soberano, at Martin Nievera ang kanilang pagdadalamhati sa pagbasura ng Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results