Rita Daniela na-depress noong ECQ; happy sa balik-ere ng AOS

by PEP Troika
Jul 11, 2020
Inamin ni Rita Daniela na na-depress ito noong ECQ dahil sa kawalan ng trabaho. Malaking tulong kasi ang ang kanyang suweldo sa pagpapagamot sa ina na isang taon nang nakikipaglaban sa breast cancer.
PHOTO/S: @missritadaniela on Instagram

GORGY RULA

Kinarir ng mga Kapuso stars ang mga production number na gagawin nila sa All-Out Sundays na babalik na sa GMA, sa July 12, Linggo, 12:45 ng tanghali.

Naka-zoom pa kasi at hindi muna sila magpi-perform sa studio kaya abangan daw ang dance number na gagawin ni Rayver kahit naka-Zoom lang ito.

Siyempre, may ibang segments na ginagawa nila sa studio dahil medyo mahirap gawin sa Zoom.

Ang pakli ni Rayver Cruz nang nakapanayam siya ng PEP Troika via Zoom nung Biyernes, July 10, "Siguro, best effort ng lahat na pagkasyahin sa online zoom iyong mga prod numbers na kakayanin. Pero siyempre… like yung ibang segments, hindi talaga kayang ipilit.

"Ang maganda kasi rito, gumawa kami ng panibagong style ng pag-production number na bagay po doon sa stay-home party this Sunday sa All-Out Sundays. So ibang version naman siya."

Napansin din namin kahapon na medyo pumayat na si Rita Daniela at pa-sexy na sa kanyang bagong kulay na hair. Noong naka-ECQ ang Luzon, nagtitingin raw siya sa YouTube ng mga exercises at meron daw nag-sponsor sa kanya ng naka-pack na diet food. Kaya natutuwa siya na nabawasan na siya ng timbang.

Continue reading below ↓

Rita Daniela

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero nitong naka-ECQ tayo, inamin ni Rita na dumaan siya talaga sa depression, lalo na’t ipinapa-chemotherapy pa raw nila ang kanilang inang si Rosanna, na halos isang taon nang nakikipaglaban sa breast cancer.

Ani Rita, “Isa po ako sa masasabing nahihirapan po ako sa season na ito. Kasi, umabot sa time na yung anxiety po, sobrang lakas po na bigla na lang po…out of nowhere, iiyak na lang ako.

Continue reading below ↓

"Nagtatanong ako na ano ang mangyayari, kung totoo ba ito.”

Ang concern raw nilang magkakapatid ay mapagaan ang pakiramdam ng kanilang ina. Mabuti na lang at babalik na siya sa trabaho dito sa AOS.

“Ayokong makikitang nahihirapan po yung nanay namin. Kung sana… kung walang COVID at tuluy-tuloy yung work, mas mapapagaan namin ang buhay, e.

"Pero gawa sa COVID, nalimitahan yung kakayahan naming magkakapatid…. parang mapagaan po sana,” malungkot na pahayag ng Kapuso singer-actress.

JERRY OLEA

Mabuti at babalik na ang All-Out Sundays ngayong ipinagdiriwang ng GMA 7 ang ika-70 anibersaryo nito.

Matapos patayin ng 70 congressmen ang ABS-CBN franchise, meron pa bang ASAP Natin ‘To bukas ng 11:45 a.m.?

Samantala, tungkol sa ina ni Rita Daniela, matagal naging sekretarya ito ni Rico J. Puno. Magiliw niya akong inasikaso sa lamay ni Rico J noong Nobyembre 2018, sa Santuario de San Antonio Parish Church, McKinley Road, Makati City. Dalangin ko na malagpasan ng ina ni Rita ang pagsubok na pinagdaraanan nito.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Pag-amin ni Rita, “Isa po sa struggle ko kung papano po kami mag-survive. But then again, lagi pong ganun.

"Kapag inatake po ako ng anxiety ko, I really try my best na kumausap sa mga friends ko po.

"Especially po talaga mag-pray, kasi malaking bagay po talaga ang nagdadasal po kasi sobrang naniniwala po [ako], only God can take away all our anxieties and worries po talaga.

"Kapag nagdadasal po ako, kumakalma naman po ako. Yun po talaga, tiwala na lang po kay Lord.

"Siya na lang po talaga ang bahala kung paano ka maka-revive, at kung paano niya ma-provide ang needs and wants mo."

NOEL FERRER

Bagong episode din ang ASAP Natin ‘To bukas na sa mismong ASAP stage kinunan. Marahil, nabalitaan na ng lahat ang nangyari kay Ogie Alcasid na binuno ang paiba-ibang resulta ng rapid test, at nagbalik siya sa Facebook saying na siya ay safe na at negative na sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Maganda na fresh episodes na ang magkatapat na Sunday noontime shows—isang back to studio at ang isa ay from-home version. At least, may magandang pagpipilian ang mga tao. At tuloy ang kanilang suweldo!

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inamin ni Rita Daniela na na-depress ito noong ECQ dahil sa kawalan ng trabaho. Malaking tulong kasi ang ang kanyang suweldo sa pagpapagamot sa ina na isang taon nang nakikipaglaban sa breast cancer.
PHOTO/S: @missritadaniela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results