Pagkitil sa ABS-CBN franchise, hot topic pa rin; ano ang posts ng kilalang DDS?

by PEP Troika
Jul 12, 2020
Hot topic pa rin sa social media ang pagkitil sa ABS-CBN franchise. Narito ang ilang FB posts mula kina Robin Padilla, Elizabeth Oropesa, at Suzette Doctolero--mga kilalang taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: Facebook, Instagram

JERRY OLEA

Matalinhaga ang Facebook post ni Robin Padilla nitong Hunyo 12, Linggo ng umaga.

Aniya, “Ang buhay ay parang halaman. Pagkatapos ng unos, ang kasunod ay pagsibol. Mapagpalang araw ng Linggo!”

Nauna niyang ipinost ito sa Instagram a week ago.

Pero, tungkol lang ba ito sa agrikultura?

Ang shout-out ni Elizabeth Oropesa nitong Linggo ng madaling-araw sa Facebook, “Personal opinion. Sana hwag mag bunyi sa pagkatalo ng iba kahit kakampi ka ng nanalo. Parepareho kasi tayong Pilipino. Kasalanan ng nasa itaas, Nagbabayad ang nasa ibaba, kawawa naman ang mga nasa ilalim palagi.”

Continue reading below ↓

Elizabeth Oropesa

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Masugid na supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte si La Oropesa, pero nagtataglay siya ng empathy at compassion, di ba, Isabel Rivas?

Ang nag-iisang district representative ng Malabon City na si Jaye Lacson-Noel, tinawag na fascist ng anak na si Kito Noel, dahil isa ito sa pitumpong (70) nag-YES sa Kongreso upang paslangin ang prangkisa ng ABS-CBN noong July 10.

Continue reading below ↓

Kino Noel

Kinastigo naman sa Facebook ng Kapuso writer na si Suzette Doctolero si Kito.

Narito ang bahagi ng "galit na galit" na post ni Doctolero, na kilala ring supporter ni Pangulong Duterte,

“Dear Kito,

“Proud ka ba talaga sa sarili mo at sa ginawa mo? Ok lang na magalit ka at mainis sa political choice at desisyun ng nanay mong Congresswoman.

Continue reading below ↓

“Awayin mo siya, paliwanagan, educate her o ihayag mong saloobin mo, in private, sa loob ng bahay ninyo, huwag in public. Akala mo ba ay cool ka?

“Kaya mo ba ginawa iyan ay dahil matalino at mulat ka? O kaya mo ginawa ang pagdi-disown sa nanay mo kasi isinasalba mo ang sarili mo?

“Naghuhugas kamay ka ba? Para hindi ka mapahiya sa mga classmates, jowa, o nililigawan, friends o mga barkada mong woke o mulat? Para cool ka?"

Magulo naman mag-isip itong si Doctolero! Galit, hindi galit kay Ogie Diaz. Galit, hindi galit sa ABS-CBN. Galit, mamaya hindi galit uli kay Kito?

Continue reading below ↓

HOT STORIES

NOEL FERRER

Mariin pa rin ang indignation ng mga taong nasagasaan ng desisyon ng Kongreso, lalo na iyong mga kasamahan natin sa industriya.

TREASON, iyan ang sabi ni Direk Joey Reyes. Treason wears a smile.

Ang sabi naman ni Direk Jeffrey Jeturian sa Facebook post nito, “Ang ganda ng mga ngiti nila. NGITING ASO.”

Continue reading below ↓

Ang sabi nga’y “napalagay sa pwesto dahil sa showbusiness pero walang pagpapahalaga sa mga kasamahan sa industriya.”

Marami pang mga salitang binitiwan. Masasakit. Ngunit wala nang mas sasakit pa na ang mga kasamahan mo sa industriya, iyong mga nagpasikat sa iyo, ay inalisan mo ng trabaho, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Tuloy, sari-saring memes ang naglabasan, bagay na kailangang harapin ng mga pulitikong nagtaksil sa kanilang mga nasasakupan. Hindi natin sila kakalimutan.

GORGY RULA

Linggo naman ngayon. Araw ng pahinga. Ipahinga muna natin ang matinding galit na nararamdaman natin.

Wala na tayong magagawa. Harapin na natin.

At kung ano man ang kahihinatnan nito, tanggapin na nating nadamay tayo sa desisyong ginawa ng labing-anim na milyong kababayan natin.

Ang daming nagsasabing abangan na lang sa 2022. Pero tiyak ko namang mananaig pa rin ang desisyon ng mas nakararami, base sa popularidad at kung ano ang naiabot ng kandidato.

Kaya ipahinga na lang muna natin ang araw na ito.

Continue reading below ↓

Puwede niyong abangan ngayon ang pagbabalik ng All-Out Sundays ngayong 12:45 p.m. sa GMA-7 matapos ang apat na buwang pamamahinga.

All-out saya, sayawan, at surpresa ang ihahatid nina Miguel Tanfelix, Rayver Cruz, Alden Richards, Ken Chan, Ruru Madrid, Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Gabbi Garcia, Rita Daniela, Glaiza de Castro, at Lexi Gonzales.

Medyo challenging daw sa kanila dahil kuha via Zoom ang performances. Pero kahit naka-Zoom, tiniyak ng Kapuso artists na maganda ang quality dahil na-provide sila ng mga maayos na gamit, magandang pailaw, at lahat ng kailangan sa teknikal aspect para maganda ang ating pinapanood.

Ang isa pang alternative natin ay ang iWant TV na marami ring pagpipiliang mga programa at pelikula.

Bahagi ng Pride month celebration, marami silang naka-line up na mga gay-themed movies gaya ng Ang Dalawang Mrs. Reyes, The Third Party, 2 Cool to be Forgotten, Die Beautiful, Fluid, Baka Bukas, pati ang Thai BL series na 2gether.

Continue reading below ↓

Tinututukan ko naman mula Lunes hanggang Biyernes ang isa sa big hits na Koreanovelang The World of a Married Couple.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hot topic pa rin sa social media ang pagkitil sa ABS-CBN franchise. Narito ang ilang FB posts mula kina Robin Padilla, Elizabeth Oropesa, at Suzette Doctolero--mga kilalang taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: Facebook, Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results