All-Out Sundays, balik-ere na; winner sa commercial load

by PEP Troika
Jul 12, 2020
Matapos ang apat na buwang hindi pag-ere dahil sa COVID-19, live na ulit ang All-Out Sundays ngayong araw, July 12, 2020.
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

"All-Out Sundays... mabubusog ka sa saya!”

Matapos ang apat na buwang pamamahinga, live na muli ang AOS sa Kapuso Network.

Ayos na ayos ang opening na nagsayaw si Alden Richards sa saliw ng TikTok music na "Siren Beats," na sinundan ni Julie Anne San Jose sa pag-awit ng TikTok song na "Say So."

Tuluy-tuloy ang sayawan at surpresa sa pag-indayog nina Rayver Cruz at Miguel Tanfelix, pag-awit nina Gabbi Garcia at Kyline Alcantara, at pag-sing and dance nina Mark Bautista, Christian Bautista, Jeremiah Tiangco, at Garrett Bolden.

Ang ganda-ganda ng duet nina Ken Chan at Rita Daniela ng "Day-O (The Banana Boat Song)."

Napakatamis ng ngiti ni Alden sa pag-intro, “Finally, mga Kapuso, we’re back on air! Sobrang na-miss namin kayong makasama sa telebisyon!”

Sampung (10) televiewers ang magkakamit ng GMA Affordabox. Mag-register lang sa website ng pakontes at ipadala ang selfie habang nanonood ng All-Out Sundays.

Streaming ang programa sa Facebook at YouTube. Trending sa Twitter. Winner na winner ang commercial load.

Continue reading below ↓

Sa first gap, labing-isa (11) ang patalastas na may bayad, at dalawa lamang ang in-house commercials (GMA Affordabox at Amazing Earth, na parehong tampok si Dingdong Dantes).

NOEL FERRER

Welcome back on air, All-Out Sundays!

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dahil ang GMA-7 ang may approved na prangkisa, inaasahang magle-level up ito sa mga ipapalabas lalo pa’t ito ang kumikita sa advertising load ngayon.

Iba talaga ang live singing at totoong magkakasama sa isang stage instead of a virtual background. We look forward to that.

Kasi, nagagawa iyan ng ASAP Natin ‘To kahit wala silang franchise at nasa cable lang.

At this point, abang-abang tayo sa pagle-level up ng lahat dahil ang alam ko, pati TV5, naghahanda nang mag-level up din.

Kapag ganito, audience ang panalo.

HOT STORIES

GORGY RULA

Feeling ng mga taga-AOS, parang nag-pilot sila nitong pagbalik nila sa TV kahit naka-Zoom, isang video communications platform.

Malaki ang adjustment dahil iba ang approach kapag naka-Zoom. Hindi lahat na segments na ginagawa nila sa live ay puwede sa Zoom kaya pinagkasya nila ang mga puwede nilang gawin.

Continue reading below ↓

Pero sabi ni Rita Daniela, mas gusto niya sana sa studio, dahil iba ang feeling kapag live na nagpi-perform ka sa studio.

“Nakaka-miss po talaga sa studio, e. Pero dahil sa tumataas pa rin ang cases ng COVID, parang hindi po siya wise na lumabas muna,” pakli ni Rita nang nakapanayam namin sila sa presscon via Zoom nung Biyernes, July 10.

“Pero sa akin po, mas nakakatipid po sana ako sa studio. Kasi, sa akin po kasi, wala pa po akong wifi. So doon lang po ako napapagastos sa internet po. Saka, nakaka-miss din iyong pressure na nasa studio nang live, e.

“Pero tama rin yung mas malaki talaga ang reach niya, kasi siyempre po, sa panahon ngayon na hindi naman lahat may internet,” sabi pa ni Rita.

Ganundin ang naramdaman ni Ken Chan na na-enjoy rin ang Zoom, pero na-miss niya iyong normal na trabaho sa GMA studio.

“Gusto ko na po talaga magtrabaho sa GMA… iyong nakakasama mo mga staff, mga co-artists. Nakaka-miss naman po talaga kasi.

Continue reading below ↓

"Pero yung buong production po ng GMA-7, mga executives ng GMA-7, sila po talaga ang ayaw muna kasi, mas iniisip po nila ang safety namin at ng mga nakakarami.

“Saka kapag ginawa namin nang live sa studio… mas better siguro na gawin namin sa aming bahay para mas marami pa kaming ma-explore at walang pangamba.

“Yung hindi ka nagwu-worry kung magkaka-virus ka ba o hindi,” pahayag ni Ken.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ang apat na buwang hindi pag-ere dahil sa COVID-19, live na ulit ang All-Out Sundays ngayong araw, July 12, 2020.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results