Mga isyung mas higit pa sa Isabel Rivas vs Vivian Velez word war

by PEP Troika
Jul 12, 2020
Mas naging intense ang sagutan sa social media ng dalawang veteran actresses, sina Vivian Velez (kanan) at Isabel Rivas (kaliwa), tungkol sa pagkitil sa ABS-CBN franchise.
PHOTO/S: File; https://www.facebook.com/vivianvelez888

JERRY OLEA

Nagdadalamhati ang stand-up comedians sa pagpanaw ng colleague nilang si Petra K, a.k.a. Jhenna Cruz, ngayong Hulyo 12, Linggo ng umaga.

Jayson de la Cruz ang totoong pangalan ni Petra K, na magdiriwang sana ng ika-39 kaarawan sa Hulyo 25.

Nalagutan si Petra K ng hininga nitong hating-gabi ng Sabado at Linggo, eksaktong 12 a.m., matapos ang labinlimang (15) araw na pagkaratay sa Rizal Medical Center sa Pasig City.

Labis ang pighati ng kaibigan ni Petra K na si Joel Ontong sa Facebook post nito:

“Sabi mo lalaban ka.... Bakit? Jhenna Cruz sabi ko walang bibitaw na aswang te... lahat dapat palaban... grabe ka naman petra.”

Sandamukal na crying and broken heart emojis ang kaakibat ng kanyang post.

Ike-cremate agad ang mga labi ni Petra K, at ihihimlay ang cremains sa Garden of Life Park ng Mandaluyong City.

Jhenna Cruz

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Maraming ini-impersonate si Petra K, pero ang pinakapaborito niya sa lahat ay ang idolo niyang si Isabel Rivas.

Kuhang-kuha ni Petra K ang nuances ni Isabel, ang mga ismid at ngisi nito, maging ang panlilisik ng mga mata.

Hihingan ko pa sana si Petra K ng pananaw sa pasaring ni Isabel kay Vivian Velez, na director general ng Film Academy of the Philippines.

Tinuligsa ni Isabel ang pagbubunyi ni Vivian sa pagpatay ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN noong Hulyo 10, Biyernes ng hapon.

Sa Facebook post ni Isabel nitong Hulyo 11, Sabado ng hapon, sinabihan niyang walang kuwentang tao si Vivian, walang kahihiyan, at ingrata.

Kapagkuwan ay agad nag-shout-out si Vivian sa FB, “Dating 'ingiterang' actress friend, putak ng putak at minumura ako dahil DDS daw ako. Tumitira ka pa rin palaka? #maTOKHANGkaSANA”

GORGY RULA

Sa gitna ng gulong ito, nakakadagdag ng lungkot itong may mga pumanaw, gaya nitong si Petra K, na puwede pa sanang magbigay-aliw sa hirap na pinagdaraanan natin ngayon.

Continue reading below ↓

Nakikiramay po kami sa pamilyang naiwan ni Petra K.

Dumagdag din sa lungkot ang kalagayan ngayon ni Kim Idol na nakikipaglaban pa sa kanyang buhay. Kaya tulung-tulong din ang mga kapwa komedyante sa pagdarasal at pag-iipon ng financial assistance sa kanyang pagpapa-ospital.

Dito naman sa isyung awayan nina Vivian at Isabel, nagdamay-damay na rin ang mga kaibigan na kumakampi sa kanilang dalawa.

Sa huling post ni Isabel sa kanyang Facebook account, nagpapasalamat siya sa lahat ng kaibigang nakiisa sa kanya.

May quote card siya tungkol sa kahalagahan ng isang tunay na kaibigan. At ang nasa caption nito, “Friends who will empathize w/ you when your down & the underdog..(3 hearts emoji) thank you to my friends who’s standing by me at this time…God bless you all (pray emoji).”

Hindi ko rin matanggap ang mga ipinu-post ni Vivian na pinuri ang 70 congressmen. May post pa siyang “Thank you Congress. You did good for the country.”

Continue reading below ↓

Hindi ko talaga makita ang kabutihan sa bansa na nadagdagan pa ang mga nawalan ng trabaho. Hindi ko maubos-maisip na sa gitna ng hirap ng pinagdaanan natin, may ipinapasara pang isang malaking kumpanya.

Anong ‘good for the country’ iyon, Ms. Velez?

Bahagi ba iyon ng trabaho ni Vivian bilang director general ng Film Academy of the Philippines? May hirit pa siya kay Isabel ng "‘#maTOKHANGkaSANA."

Continue reading below ↓

Ganun na talaga ang takbo ng utak ni Vivian?

Ayoko namang paniwalaang ganundin din ang takbo ng utak ng karamihang DDS, dahil may mga ilan din akong kaibigang napaka-fair nilang mag-isip. Hindi kasinluma o kasing-obsolete ng "betamax" ang takbo ng kanilang utak.

Samantala, sa aking pananaw naman, mas gusto kong pagtuunan ng pansin ang mga dumaraming nagugutom.

Sa mga taong may panahong makipaglaban sa pangyayaring ito, gawin na nila ang gusto nilang gawin. Kaya nila iyan, dahil maaaring busog sila at may sapat silang pagkain sa kanilang hapag-kainan.

Pero paano ang mga taong gutom at walang sapat na lakas makipaglaban, at kahit mag-isip man lang kung ano ang gagawin sa panahong ito? Busugin muna natin ang mga kumakalam nilang tiyan. Ano ang puwede nating gawin sa mga nakakalat sa lansangan at namamalimos?

Bukod pa ito sa mga walang nasisilungan at dagdag pa ang mga LSI o locally stranded individuals na nakakalat din sa kalye dahil hindi pa rin sila nakakauwi sa kanilang mga tahanan.

Continue reading below ↓

Ano ang immediate na tulong na puwede nating gawin para sa mga kababayan nating gutom?

NOEL FERRER

Nakakalungkot at nakakagalit lang talaga...Karirinig ko lang ang pahayag ng ating Bise Presidente Leni Robredo, at heto ang kanyang sabi:

“VP LENI ROBREDO On The Non-Renewal Of The ABS-CBN Franchise

“Nakakadurog ito ng puso. Hindi ito ang panahon ng personal na hinanakit, kasi, may interest na mas malaki tayong ipinaglalaban—yung mga taong umaasa sa trabaho.

“At hindi pumili ng panahon. Ito ang panahon na kailangang-kailangan natin ng hanapbuhay.

“May paraan naman para papanagutin ang mga may-ari nang hindi isinasakripisyo ang mga maliliit na trabahador na umaasa para sa kabuhayan nila lalo na ngayong may pandemya."

Naglabas ng bagong tula ang national artist na si Rio Alma bilang pagpupugay sa “Labing-Isang Konsyensya.”

Ngunit isang magandang lumabas dito, ultimo mga anak ng mga bumoto laban sa ABS-CBN, kumukontra sa kanilang mga magulang.

Si Kito ay anak ng lone district representative ng Malabon City na si Josephine Veronique "Jaye" Noel, at si Mikee, na anak ni Partylist Representative Mike Defensor. Bumoto sila para patayin na ang ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Buti na lang na may mga kabataang ipinaparinig ang kanilang boses.

At sa paglabas ng SWS Survey na 75 percent of Filipinos favor ABS-CBN franchise renewal, nasaan ang tunay na boses ng bayan na nire-represent dapat ng ating mga Kongresista? Nasaan ang sinasabi ni Harry Roque na the denial of ABS-CBN's franchise is the decision of the people?

Ngayon, babalik ako sa sinabi ni VP Leni—nasa kamay natin ang kapangyarihan.

Pag hindi tayo mag-iingay at magrereklamo, dine-deserve natin ito.

Kung hindi natin papanagutin ang mga representante natin, kung palalampasin na lang ang pagsasawalang-bahala ng ating kapakanan, dine-deserve natin ito.

Hindi talaga ito panahon ng pananahimik, at iyong mga nagpe-play safe at nananatiling bingi sa hinaing ng bayan, mananagot!!!

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mas naging intense ang sagutan sa social media ng dalawang veteran actresses, sina Vivian Velez (kanan) at Isabel Rivas (kaliwa), tungkol sa pagkitil sa ABS-CBN franchise.
PHOTO/S: File; https://www.facebook.com/vivianvelez888
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results