TV landscape sa Pilipinas, malaki ang pagbabago sa pagkawala ng ABS-CBN sa free TV

by PEP Troika
Jul 13, 2020
Sa pagbasura ng Kongreso sa franchise application ng ABS-CBN, limitado na ang pagpapalabasan ng mga programa nina Coco Martin (dulong kaliwa) at Vice Ganda (pangalawa sa kaliwa). Samantala, hindi pa nagti-taping muli ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes (pangalawa sa kanan) para sa Descendants of the Sun; habang araw-araw nang napapanood si Alden Richards (dulong kanan).
PHOTO/S: Instagram / Facebook

JERRY OLEA

Malaking pagbabago sa local TV landscape ang pagkitil ng pitumpong (70) congressman sa prangkisa ng ABS-CBN noong Hulyo 10, Biyernes.

Tinagurian si Coco Martin na Hari ng Telebisyon at Primetime King.

Ngayon ay ang hirap nang hanapin kung saan palabas ang teleserye niyang FPJ’s Ang Probinsyano.

Sakaling umere na muli ang Pinoy version ng Descendants of the Sun, masasabi ba nating si Dingdong Dantes na ang Primetime King ng local TV?

Noon, Lunes hanggang Sabado ay nagrereyna si Vice Ganda sa It’s Showtime. Kung Linggo ay meron siyang Gandang Gabi, Vice.

Tinigok ang GGV. May kapalit na sana itong programa na Everybody, Sing.

Sa tingin ninyo, saan iyon ngayon?

Siyempre, kagaya ng teleserye ni Coco, ang hirap ding hagilapin kung nasaan ang noontime show ng Kapamilya Channel.

Ito na ba ang pagkakataon upang gumawa si Vice ng makubuluhang pelikula?

Bidang-bida ngayon sa telebisyon tuwing hapon si Alden Richards—Lunes hanggang Sabado sa Eat Bulaga, Linggo sa All-Out Sundays.

Continue reading below ↓

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ng GMA-7 ang kanilang ika-70 anibersaryo.

Hindi sila kailangang magmadaling mag-taping ng bagong episodes ng mga teleserye. Mas mabuting isaalang-alang nila ang kaligtasan ng kanilang mga artista at staff.

Panay-panay ang pa-promo, paayuda o papremyo ng GMA 7 para sa mga Kapuso.

Kani-kanya ng selfie contest ang Eat Bulaga; Wowowin: Tutok to Win; All-Out Sundays; at Kapuso Mo, Jessica Soho.

Nagbalik na ang Wish Ko Lang, at kaabang-abang ang quarantine stories na itatampok nila.

Balik-studio na ang hosts ng Unang Hirit. Siyempre, inoobserbahan nila ang social distancing.

Naulinigan nating may feelers ang isang Kapamilya actor kung puwedeng bumalik ito sa Kapuso station, na pinagmulan nito.

Hindi po produkto ng StarStruck ang nasabing aktor, na ang misis ay artista rin.

Inaasahan nating bobongga ang TV5. Lilipat na ba rito ang Kapamilya actress na mahusay sa scripted hosting, maging sa pagko-comedy? Ang naturang aktres ay dating Kapuso.

NOEL FERRER

Continue reading below ↓

Sa ngalan ng survival, titingnan natin ang magiging movements ng mga tao.

Mamarkahan din natin yung mga kikilos not out of convenience, kundi maninindigan at makikipaglaban pa rin para sa ipinasarang istasyon.

Significant ang nai-post ni Nikki Valdez sa mga kapwa niya Kapamilya:

“Sa mga kapwa ko artista... Bakit ngayon lang po? Napasara na ang ABSCBN...

“Takot kayo mabash? Takot kayo sa imahe niyo? ANO????! Nakakapikon!”

Ngunit alam ninyo kung saan ako excited? Sa mga bagong prospects sa mga content creators.

Kasi, mas lalaki ang demand for good, quality content.

At masaya ako na kasama na riyan ang mga artists mismo. Kasama sila sa brainstorming, at tumataya sila sa mga proyektong gusto nilang gawin.

Iyan din ang magandang bagong posibilidad para sa TV5. For it to become the hub for content creators na magpi-pitch ng magagandang concepts, na sila mismo ang tataya at magpo-produce na talagang parang blocktimers.

Mas pag-uusapan pa natin iyan in the coming days, at iyan ang nakaka-excite na prospect... habang nagdadalamhati pa tayo sa sinapit ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ang narinig ko lang, si Billy Crawford daw ang Kapamilya na nakipag-usap sa mga big boss ng GMA-7.

Pero wala pang sagot ang dalawang kampo.

Kahit sa GMA Artist Center ay wala ring sinasabi sa tsikang may ilang Kapamilya talents na gustong magpa-handle sa kanila.

So far, si Luis Hontiveros pa lang ang kumpirmadong lumipat sa kanila.

Siyanga pala, napapanood ang mga programa ng ABS-CBN sa iWant TV. I-click lang ang Kapamilya channel, napapanood na doon ang mga programang patuloy pa rin nilang ginagawa.

Sa katunayan, ngayong linggo na nila sisimulan ang taping ng bagong teleseryeng Walang Hanggang Paalam, at magla-lock in sila sa Zambales.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagbasura ng Kongreso sa franchise application ng ABS-CBN, limitado na ang pagpapalabasan ng mga programa nina Coco Martin (dulong kaliwa) at Vice Ganda (pangalawa sa kaliwa). Samantala, hindi pa nagti-taping muli ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes (pangalawa sa kanan) para sa Descendants of the Sun; habang araw-araw nang napapanood si Alden Richards (dulong kanan).
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results