Vice Ganda, tuloy ang pagpapasaya sa It's Showtime; ABS-CBN stars, napapanood sa Eat Bulaga

by PEP Troika
Jul 14, 2020
It's Showtime host Vice Ganda, nagpasalamat sa ABS-CBN supporters. Richard Yap, isa sa ABS-CBN stars na napanood sa Eat Bulaga.
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime / Eat Bulaga

GORGY RULA

Masigla na si Vice Ganda nang bumalik sa It’s Showtime nitong Hulyo 13, Lunes.

Hindi man ganoon ka-energetic kung ikumpara noon, pero masaya siyang nakipagbiruan sa co-hosts niyang sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.

Masaya niyang binanggit na nag-trending ang It’s Showtime sa Twitter. Number one ang hashtag na "#ShowtimeTuloyAngForever."

Mukhang kinarir ng team nila at ng fans na ipa-trending kaya nagpapasalamat silang lahat sa patuloy na suporta.

Meron pa silang pinapausong sayaw na "Kapamilya Forever."

Sa segment nilang "Tawag ng Tanghalan," nagpasalamat uli si Vice Ganda sa lahat na nagparating ng magagandang mensahe sa kanya noong nakaraang linggo.

"Sa mga nag-text sa akin, sa mga nag-tweet ng yakap at halik, maraming-maraming salamat sa inyo," pakli ni Vice Ganda.

Meron silang malaking kahon na parang cellphone na tinawag nilang "musikahon." Nagsasalita itong si "musikahon" na nagpasalamat sa labing-isang kongresistang bumoto para sa franchise ng ABS-CBN.

Tinawag nilang "loving isa" ang 11 congressmen na pumayag magka-franchise ang ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansing napakarami ring commercial ads ng It’s Showtime.

Marami rin ang commercial ads ng Kapuso blocktimer na Eat Bulaga.

Ngunit hindi apples to apples ang labanan sa alin ang mas maraming commercial ads dahil umeere sa free TV ang Eat Bulaga.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa kasalukuyan, ang ABS-CBN shows ay patuloy na napapanood lamang sa Kapamilya Channel via Sky Cable Channel 8 sa SH at Channel 167 sa HD. Mayroon din sa Channel 8 sa Cable Link at Channel 2 sa G Sat Direct TV.

Patuloy pa rin ang ABS-CBN sa iWant digital platform pati na sa TFC at TFC Online abroad.

Magkasabay na natapos ang dalawang noontime-variety show ng pasadong alas-dos y medya ng hapon.

JERRY OLEA

Aabot kaya ang It’s Showtime sa 11th anniversary nito sa Oktubre 24?

Huwag sanang magka-"onsehan" para tuluy-tuloy ang pagbibigay-saya nina Vice sa masusugid na mga Kapamilya.

Hanggang hopia at asado na lang ba ang negosasyon ng ABS-CBN with Cignal TV para maipalabas doon ang kanilang mga programa?

Continue reading below ↓

Tweet ng Cignal TV nitong Hulyo 12, Linggo ng hapon: "We do not carry the Kapamilya channel. Hope you can consider our exciting channel line up with entertainment channels like Fox, HBO, Celestial Movies and Pinoy Box Office."

Napapadalas naman ang Kapamilya stars bilang celebrity guests sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga.

Ilan sa mga ito ay sina Pokwang, Meg Imperial, Louise de los Reyes, Kim Molina, at Richard Yap.

Hindi maiwasang makatawag ng pansin ang ABS-CBN stars na napapanood sa GMA-7.

Abang-abang ako kung sinu-sino pang Kapamilya stars ang mangingilatis sa "Bawal Judgmental."

Puwede kayang sumalang sa "Bawal Judgmental" sina Billy Crawford, Daryl Ong, Jericho Rosales, Marco Gumabao, Xian Lim, Kim Chiu, Julia Barretto, Maja Salvador, Bea Alonzo, at Erich Gonzales?

NOEL FERRER

With or without franchise, parehong tumataya ang producers ng Eat Bulaga at It’s Showtime na patuloy na magpalabas ng live shows.

Hindi biro ang proseso para masigurong safe at talagang maayos ang technical na aspeto—sound, reception, music and all—while observing strict health protocols.

Continue reading below ↓

Dahil diyan, parang feeling ng audience, may pagpapahalaga sa kanila ang mga programa because they go the extra mile to showcase quality shows.

Tumataya! Sana all!!!

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime host Vice Ganda, nagpasalamat sa ABS-CBN supporters. Richard Yap, isa sa ABS-CBN stars na napanood sa Eat Bulaga.
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime / Eat Bulaga
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results