Allan K, binalikan ang huling pag-uusap nila ni Kim Idol

by PEP Troika
Jul 14, 2020
Allan K on Kim Idol (in photo): "Ang dami raw niyang na-realize sa buhay. Okay na raw siya sa ginagawa niya, na ganun daw talaga ang buhay. Masuwerte raw siya na buhay siya, na ang iba nga, tinatamaan ng COVID. E, siya, hindi."
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Naghihintay ang mga katrabaho at kaibigan ni Kim Idol sa announcement ng kanyang pamilya pagdating sa kanyang burol.

Pumanaw si Kim kahapon, July 13.

Sabi ni Allan K nang nakapanayam namin sa DZRH noong Lunes, July 13, definitely daw ay mayroong burol.

“Inaalam pa, kasi hindi siya puwedeng i-cremate. Kasi, Iglesia ni Cristo siya, e... parang hindi yata puwede.

“At the same time, bawal naman ang mass gathering. So, hinihintay pa namin kung ano ang desisyon ng family, kasi hindi rin kami makapunta.

“Nag-uusap-usap kami kung paano. Kasi, baka hindi naman kami makapunta. Basta one thing for sure, magkakaroon ng lamay,” pahayag ni Allan K.

Ayon sa Eat Bulaga! host, masaya pa raw silang nag-usap ni Kim noong isang Sabado.

Sinabi raw ni Kim na masaya ito sa ginagawa niya.

Naging active si Kim sa INC, kung saan isa siya sa volunteers sa Bureau of Quarantine ng Department of Health.

Continue reading below ↓

Ayon kay Allan K, “Nag-usap pa kami na sabi niya, happy naman daw siya sa ginagawa niya ngayon, e.

"Ang dami raw niyang na-realize sa buhay. Okay na raw siya sa ginagawa niya, na ganun daw talaga ang buhay.

“Masuwerte raw siya na buhay siya, na ang iba nga, tinatamaan ng COVID. E, siya, hindi.

“Kahit na andun siya sa areas na delikado na, feeling niya, ginagabayan siya ni Lord, pinuprotektahan siya.”

NOEL FERRER

Nakikiisa tayo sa industriya sa pakikidalamhati sa pagyao ni Kim Idol.

We’ve lost quite a number of people na malapit din sa atin ngayong pandemya. At ngayon, tumataas na naman ang kaso ng Covid sa ating bansa.

We are so distracted as a nation... naghalu-halo na ang pulitika, ekonomiya, kahit isyung pang-mass media.

Parang pumapalpak tayo bilang bansa?

Kasama sa pagdadalamhati natin kay Kim, parang nakakalungkot talaga ang ating bansa ngayon.

Sorry, pero iyan ang pakiramdam ko ngayon. Parang on a lot of levels, tayo ay pinapatay at namamatayan.

Paano na kaya?

JERRY OLEA

Parami nang parami ang COVID-19 cases sa bansa. Konting indayog na lang at aabot na sa 60K ang kabuuang bilang ng mga kaso.

Sa Hulyo 18, Sabado, 8:00 P.M., may bagong episode na ang Magpakailanman anthology ng GMA-7. Itatampok dito ang life story ni DJ Loonyo.

“Makikilala ninyo ako sa likod ng aking mga viral dance videos. Ipasisilip namin sa inyo ang buhay ko bilang Rhemuel Lunio,” paanyaya ni DJ Loonyo nitong Hulyo 14, Martes, sa Twitter at Facebook account ng Magpakailanman.

Continue reading below ↓

Na-inspire kaya ang Magpakailanman na isadula ang buhay ni DJ Loonyo dahil sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sasayawan natin ang COVID-19?

Bahagi kaya ng kuwento rito ang mga paandar at pasiklab ni DJ Loonyo kaugnay sa coronavirus testing?

Ewan kung excited si Lauren Young na mapanood ang nasabing episode.

Continue reading below ↓

Wish ko lang na itampok din sa Magpakailanman ang life story ni Kim Idol, na isa sa mga frontliner noon ng quarantine facility sa Philippine Arena.

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allan K on Kim Idol (in photo): "Ang dami raw niyang na-realize sa buhay. Okay na raw siya sa ginagawa niya, na ganun daw talaga ang buhay. Masuwerte raw siya na buhay siya, na ang iba nga, tinatamaan ng COVID. E, siya, hindi."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results