Isabel Rivas, pag-iisipan kung worth it sampahan ng kaso si Vivian Velez

by PEP Troika
Jul 14, 2020
Isabel Rivas (left) on Vivian Velez (right): “Wala akong planong pag-aksayahan siya ng pera at oras. Pero pag lumala, e, bahala na."
PHOTO/S: Instagram / Facebook

GORGY RULA

Nagpa-drug test si Isabel Rivas dahil sa patutsada sa kanya ni Vivian Velez, na may pa-hashtag pang "#maTokhangKaSana."

Gusto kasi ni Isabel na patunayang mali ang ibinibintang sa kanya ng director-general ng Film Academy of the Philippines (FAP).

May ilang kaibigan si Isabel na nagsasabi sa kanyang puwede niyang idemanda si Vivian dahil sa akusasyon nitong gumagamit siya ng droga, pero naisip daw niyang gagastos pa siya at aksaya lang ito ng oras.

Pero kung patuloy pa rin daw siyang aakusahan ni Vivian tungkol sa drug issue, pag-iisipan ni Isabel kung worth bang magsayang siya ng panahon para idemanda ito.

“Wala akong planong pag-aksayahan siya ng pera at oras. Pero pag lumala, e, bahala na.

“Basta ang hinaing ng puso ko ay na nalungkot ako para sa ating kaindustriya na nawalan ng hanapbuhay.

“Kahit kayo nga na press, affected din sa pandemic na ito. Wala kayong mga presscon.

Continue reading below ↓

“Lahat, affected. Tapos, aarte siya ng ganun?

“Presidente siya ng FAP, dapat umayos siya at hindi guluhin ang industriya… hatiin niya sa gobyerno at tayo sa industriya,” text ni Isabel sa PEP Troika kagabi, July 13.

Samantala, bahagi si Isabel ng afternoon drama series ng GMA-7 na Bilangin ang Bituin sa Langit.

Gusto na raw sana niyang makabalik sa trabaho, pero nasa GMA-7 daw ang desisyon kung puwede na.

Inaayos ng production staff ng Bilangin ang Bituin sa Langit ang kanilang pagbabalik-taping.

May nakita na raw silang location na puwedeng ma-lock in sila roon. Pero depende sa GMA-7 pagkatapos maaprubahan ang script.

Kapag umokay na lahat, baka puwede na raw silang mag-taping sa August.

Pero baka hindi naman daw pumuwede si Direk Laurice Guillen dahil magiging abala ito sa Cinemalaya for short films.

JERRY OLEA

Inaasam nating magkaayos sina Isabel at Vivian. Huwag sanang umabot sa tokhang ang kanilang hidwaan.

Continue reading below ↓

Sabik na tayong mapanood ang pagpapatuloy ng afternoon serye na Bilangin Ang Bituin Sa Langit, na winner sa ratings game bago naputol dahil sa COVID-19.

Pero naiintindihan nating isinasaalang-alang ng GMA Network ang kaligtasan ng mga artista at staff.

Waging-wagi sa ratings at commercial load ang Kapuso network kahit replays ang karamihan sa kanilang mga palabas.

Nagbabadyang umarangkada ang TV5.

Let’s cross the bridge when we get there, ika nga.

NOEL FERRER

Heto ang ating mga lider sa industriya...

Si Vivian Velez, na director general ng Film Academy of the Philippines, nagbunyi sa desisyong mapasara ang ABS-CBN.

Si FDCP Chair Liza Diño, tila nananatili namang tahimik sa mga isyung kailangan ng kanyang tulong at atensiyon?

Sino ang makikinig sa saloobin at hinaing ng mga manggagawa na nawalan ng trabaho ngayong pandemya?

Kawawa talaga tayo.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isabel Rivas (left) on Vivian Velez (right): “Wala akong planong pag-aksayahan siya ng pera at oras. Pero pag lumala, e, bahala na."
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results