Vice Ganda, Angel Locsin, Karla Estrada, Alex Calleja naghayag ng suporta sa ABS-CBN employees

by PEP Troika
Jul 15, 2020
Pagkatapos ianunsiyo ng ABS-CBN management ang malawakang pagbabawas ng mga empleyado, naghayag ng kanilang saloobin sa social media ang Kapamilya stars na sina (mula kaliwa) Vice Ganda, Angel Locsin, Karla Estrada, at Alex Calleja.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Magbabawas na ng mga empleyado ang ABS-CBN simula Agosto 31, 2020.

Magkakaloob sila ng separation pay na naaayon sa batas at retirement benefits.

Tatlong broken heart emojis ang ipinost ni Angel Locsin sa Facebook nitong Hulyo 15, Miyerkules ng gabi, kalakip ang official statement ng ABS-CBN kaugnay sa pagtatanggal ng employees.

Continue reading below ↓

Tweet ni Vice Ganda: “Mahihirapan ngunit kakayanin. Madadapa ngunit babangong muli.”

Post ni Karla Estrada sa Instagram at Twitter:

“Mahigpit na Yakap Mga Kapamilya. Darating din ang Araw na tayo ay magkakasamang muli at hawak kamay nating hahaharapin ang bagong bukas na taas noo kahit Kanino. in GOD’s perfect time.”

Continue reading below ↓

Hinaing ng writer-comedian na si Alex Calleja sa Facebook:

“sinimulan ng mga patawang balita, tinapos ng isang nakakadurog ng pusong realidad! mahigpit na yakap sa mga kapamilyang mawawalan ng kabuhayan. kasama po kayo sa aking dasal...”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Hindi ko alam kung kailangang gawin pa ito ng mga bossing ng ABS-CBN.

Sana, makapagbigay sila ng report kung ilan ang matatanggal at ilan ang maiiwan.

May mga programa pa rin naman silang patuloy na ipinu-produce at ipinapalabas sa Kapamilya Channel.

Nakapagsimula na rin sila ng bagong teleseryeng Walang Hanggang Paalam, kaya may mga masuwerte pang maiiwan.

Pero definitely, mas marami ang mawawalan ng trabaho.

May pag-asa pa sa mga bagong pinu-produce para sa TV 5. Kaya kapit pa rin.

Kung tinanggal na nila ang kabuhayan—pati ang pagkatao ng mga apektado sa nangyaring ito sa ABS CBN—huwag nila payagang pati ang pananalig sa Diyos ay kukunin pa nila.

Laban pa rin!

NOEL FERRER

Nakausap ko ang ibang kasama sa HR/Human Resource department ng ABS-CBN na umiiyak dahil sa balitang retrenchment.

Sila ang maaatasang magsabi sa mga taong mawawalan ng trabaho kung anong benepisyo at puwedeng ibang tulong ng kumpanya.

Continue reading below ↓

Pero nandoon din ang posibilidad na pagkatapos nilang gampanan ang role na iyon, kahit sila ay maaalis sa trabaho.

My heart goes to the workers, really!

The ABS-CBN ecosystem thrives in all platforms at levels ng kultura, kaya kahit walang masyadong kita sa ABS-CBN Philharmonic Orchestra ay nakuha silang panatilihin at suportahan ng ABS-CBN.

Paano na kaya sila?

My heart goes out to them and their families, lalo na yung mga arawan at mga iba pang industry at businesses na nakadepende sa ABS-CBN.

Bakit hinayaang mangyari ito lalo na ngayong pandemic? Napakawalang puso, lalo na ang timing talaga!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ianunsiyo ng ABS-CBN management ang malawakang pagbabawas ng mga empleyado, naghayag ng kanilang saloobin sa social media ang Kapamilya stars na sina (mula kaliwa) Vice Ganda, Angel Locsin, Karla Estrada, at Alex Calleja.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results