Paolo Contis, natawa sa bansag na "Netflix King"

by PEP Troika
Jul 17, 2020
Paolo Contis on family life with LJ Reyes: "Very calm sa bahay, very relaxed. May Summer na kami, may Aki pa kami. So, relaxed na relaxed kami."
PHOTO/S: @paolo_contis Instagram

GORGY RULA

Natatawa si Paolo Contis nang tinagurian siyang "Netflix King" dahil sa magandang feedback sa pelikulang Through Night & Day, na pinagbidahan nila ni Alessandra de Rossi noong 2018.

Nasa Top 5 trending din ang isa pang pelikula ni Paolo na Pangarap Kong Holdap, na noon ding 2018 ipinalabas sa mga sinehan.

Continue reading below ↓

Kaya kahit hindi maganda ang kinalabasan ng mga ito sa takilya noon, nakakatuwa raw na nakabawi rin sa mainit na pagtanggap ng Netflix subscribers.

"Masaya ako siyempre, kasi sa Netflix, ang dami mong kalaban na hindi lang basta mga international, mga Korean na magaganda. Masaya ako na nakasabay tayo kahit papa'no.

Continue reading below ↓

"Nakakatuwa pa na maganda rin ang feedback sa mga tao," pakli ni Paolo nang nakapanayam namin sa DZRH noong Miyerkules ng gabi, July 15.

Malaki ang pasasalamat ni Paolo sa Diyos dahil kahit nasa gitna ng pandemya, umokay ang takbo ng career niya.

Malaki ang naitulong ng dalawang pelikulang nag-hit sa Netflix para maging visible si Paolo sa mga manonood, at kasabay nito ay unti-unti nang bumabalik ang programa niya sa GMA-7.

Nakabalik na sa TV ang Kapuso Sunday musical variety show na All-Out Sundays at inaayos na rin ang pagbabalik-taping ng Kapuso gag show na Bubble Gang.

Agree si Paolo sa opinyon ng manager niyang si Lolit Solis na malaking bagay ang magandang samahan nila ng real-life partner na si LJ Reyes, dahil naging positibo ang takbo ng personal na buhay pati na rin career ng aktor.

Tukoy ni Paolo kay LJ, "Siya yung pinaka-blessing na nangyari sa akin na, kumbaga, doon sa mga dating nangyari sa akin, during that time na tinanggap ako ni LJ nung nanligaw ako sa kanya, I think that started na makabawi ako muli.

Continue reading below ↓

"Siyempre, kung makakuha ka ng ganun sa buhay mo, siyempre you do everything to keep it, to take care of it.

"Maganda kasi ang give and take at saka teamwork namin ni LJ, e.

"So, she brings out the best in me. I hope I bring out the best in her, mukha naman," pahayag ni Paolo.

Smooth-sailing daw ang kanilang family life.

Hands-on parents sila Paolo at LJ sa anak nila na si Summer.

Anak din ang turing ni Paolo kay Aki, na anak ni LJ sa ex-boyfriend na si Paulo Avelino.

"Very calm sa bahay, very relaxed. May Summer na kami, may Aki pa kami.

"So, relaxed na relaxed kami. Ika nga, hindi kami pressured to succeed na parang karera, ika nga.

"Kung meron, meron. Basta ang importante okay lang kami sa bahay, walang away, walang pressure," ani Paolo.

Continue reading below ↓

Kaya sinundan namin ng tanong kung napapag-usapan na ba nila ni LJ ang magpakasal.

"Dun naman ang punta nun, e," sagot ni Paolo.

Pero hinihintay pa raw matapos ni Paolo ang annulment case nila ng estranged wife na si Lian Paz.

Seryosong sabi pa Paolo tungkol sa future nila ni LJ, "Mahirap naman magplano, e. Everyone knows na meron pa akong ongoing na kaso about it.

"Once na everything is fixed and final. Hopefully, we can settle down."

NOEL FERRER

Maganda naman talaga ang pelikulang Through Night & Day.

Buti na lang at kahit hindi ito masyadong tinao sa mga sinehan ay nakabawi ito sa online streaming.

Ako mismo, napanood ko ito sa eroplano, at iyak ako nang iyak lalo na sa part na nag-duet sina Paolo at Alessandra ng "I Will Be Here," na paborito ko ring kanta.

It also resonates with what's happening in our country now.

Sa panahon ng lungkot at kawalan ng pag-asa, kumakapit na lang tayo sa Diyos o kung sinumang makakapagsabi sa atin na, "I Will Be Here."

Continue reading below ↓

Salamat sa Netflix at tuloy na na-aappreciate ang mga obrang ganito, at naba-validate ang husay sa pag-arte ng mga katulad nina Paolo Contis at Alessandra da Rossi.

JERRY OLEA

Flop sa mga sinehan ang Through Night & Day, pero umarangkada ito sa Netflix.

Ilang araw nang #1 trending ito sa Pilipinas.

Noong ipalabas ang Charlize Theron-starrer na The Old Guard ay nag-number 1 ito, pero agad ding nalaglag at nagpatuloy ang pamamayagpag ng pelikula nina Paolo at Alessandra.

Maihahalintulad ito sa 2017 Spanish TV crime drama na La Casa de Papel. Flop ang original airing ng 15 episodes nito noong Mayo hanggang Nobyembre 2017 sa Spanish network na Antena 3.

Nakuha ng Netflix ang global streaming rights nito.

Ni-recut ang series sa 22 na mas maiikling episodes, at ginawang Money Heist ang pamagat.

Walang kaabug-abog na basta ipinalabas ito ng Netflix. Walang anumang promo.

Ayun! Phenomenal kung paano ito umarangkada worldwide. Bella ciao! Bella ciao!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis on family life with LJ Reyes: "Very calm sa bahay, very relaxed. May Summer na kami, may Aki pa kami. So, relaxed na relaxed kami."
PHOTO/S: @paolo_contis Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results