JERRY OLEA
Nakakaaliw ang guesting ng Kapamilya comedian na si Empoy Marquez sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga nitong Hulyo 17, Biyernes, sa GMA-7.
"Judgmental ka ba?" tanong ni Bossing Vic Sotto via Zoom.
Sagot ni Empoy, "Sometimes po. Pagka every Wednesday."
Natawa sina Maine Mendoza at Bossing Vic.
Sabi ni Bossing, "May araw, ha? Ang problema, Friday ngayon. Pero okey lang, bawal kasi ang padalus-dalos. Bawal ang magkasakit, at bawal judgmental."
Tawang-tawa pa rin sina Maine at Alden Richards, at umayon si Empoy, "Totoo naman. Sige po..."
Hirit ni Bossing Vic, "Akala mo, Tuesday. Friday ngayon!"
Taped kasi ang nasabing episode ng Eat Bulaga.
"Friday pala ngayon! Oo nga! Sana, mahulaan ko ‘yan!” bulalas ni Empoy.
Umokey na ang natatawang si Bossing, at pangiti-ngiti pa rin sina Maine at Alden.
Pitong babaeng atleta ang kinilatis ni Empoy kung sinu-sino ang sumali sa 2019 Southeast Asian Games para sa first round, sinu-suno ang mga naging model para sa second round, at kung sinu-sino ang mahigit limang taon nang sports trainer.
Pinagsabihan ng Eat Bulaga! Dabarkads na sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros si Empoy na bawal lumapit sa pitong babae dahil sa social distancing.
Biro pa nila, bawal ding kunin ang Facebook account at bawal iuwi ang sinuman sa female contestants.
Pakuwela rin si Empoy na nagsabing, "Thank you nga pala sa make-up artist ko. Medyo naidlip ako. Paggising ko... Cynthia Luster na!"
Nakakatawa at nakakatuwa ang reasons ni Empoy sa kanyang choices. Pakiwari ni Empoy ay wrestling ang larangan sa sports ng isang choice niya.
May paandar din si Empoy na feeling niya ay model ng shampoo ng pampawala ng balakubak ang isang choice niya. Naging running joke tuloy ang balakubak sa buong segment.
Sa huli, nanalo si Empoy ng PHP35,000, na paghahatian nila ng kanyang home partner.
Bago si Empoy, naglaro na rin sa "Bawal Judgmental" ang Kapamilya stars na sina Pokwang, Meg Imperial, Louise de los Reyes, Kim Molina, at Richard Yap.
Sa commercial gap ng "Bawal Judgmental," tiyempo na umere sa GMA-7 ang mga patalastas featuring Regine Velasquez, Kathryn Bernardo, Sarah Geronimo, Jodi Sta. Maria, Luis Manzano, James Reid, Coco Martin, Aga Muhlach, at Pia Wurtzbach.
Puwede kayang maglaro ang mga Kapamilya stars na iyan sa "Bawal Judgmental"?
GORGY RULA
Maingat ang mga taga-Eat Bulaga sa pagkuha ng maglalaro sa "Bawal Judgmental," lalo na kapag galing sa karibal na istasyon.
Hangga't maari, ayaw nila ng may network contract. Umiiwas na lang siguro sila sa marami pang pagpapaalaman.
Di ba, marami ang nagsa-suggest na kunin nilang maglaro si Kim Chiu? Kero kung maaari lang, yung wala na sanang network contract.
Pero teka, totoo ba ang usap-usapang suspendido na raw ang kontrata ng Kapamilya talents? Kung totoo iyan, ibig bang sabihin ay puwede na silang lumipat kahit saang network sila pumunta?
Totoo bang marami nang inaayos na Kapamilya talents na magkaroon ng show sa TV5?
Ang isa pa raw na posibleng palalakasin ay ang IBC 13.
Totoo bang lilipat doon ang Dreamscape, ang ABS-CBN content provider na nagpu-produce ng mga teleserye ni Coco Martin?
NOEL FERRER
Eat Bulaga! has always been a safe ground para sa guest stars mula sa anumang TV network.
The more people na nabibigyan ng trabaho, at nagsasama-sama, ay makakabuti sa ating industriya.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)