Gladys Reyes, sinagot ang bashers ng asawang si Christopher Roxas

by PEP Troika
Jul 17, 2020
Gladys Reyes: "Nagtanong lang si Chris. Para bang, ‘Broooo, really?? Effective na yung lay off?' Something like that. Pero yung iba, high blood agad.”
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Ngayon lang daw napatunayan ni Gladys Reyes kung gaano kasama magbitaw ng pahayag ang haters at bashers.

Hindi na nakapagpigil si Gladys kaya pinatulan niya ang mga namba-bash sa asawa niyang si Christopher Roxas, na nag-comment lang sa Instagram post ni Carlo Aquino noong Miyerkules, July 15.

Ni-repost ni Carlo Aquino ang announcement ng ABS-CBN na magkakaroon ng malawakang retrenchment sa kanilang mga empleyado simula sa August 31.

Caption ni Carlo: “Nasaan ang konsensya? Napakaraming Pilipino ang walang-wala at mas lalong mawawalan pa. Paano mo maipagmamalaki ang ganitong bagay?”

Ito ay bunsod ng pagbasura ng Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Nag-comment sa post ni Carlo si Christopher: “Brooo really??”

Hindi ito nagustuhan ng ilang followers ni Carlo, at katakut-takot na pang-aalipusta ang inabot ni Christopher.

Sarcastic daw ang komento niya, at pinapalabas pang walang utang na loob si Christopher, pati na rin si Gladys, gayong sa ABS-CBN daw sila nakilala.

Sina Gladys at Christopher ay unang nagkatambal sa dating drama series ng ABS-CBN na Mara Clara.

Dagdag pa ng bashers, palibhasa ay maka-Duterte raw ang mag-asawa na miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Malumanay ang sagot ni Christopher sa mga nang-bash sa kanya, maliban sa isa na hinamon niyang sabihin sa kanya nang harapan ang komento nito.

Pero si Gladys ay hindi nakapagpigil. Diretsa niyang sinagot ang basher ng asawa.

Lalong lumala ang balitaktakan sa post na iyon ni Carlo.

Pinapalabas ng ibang mga nagkomento na walang concern ang mag-asawa sa nangyari sa mga dating kasamahan sa ABS-CBN.

Sabi ni Gladys sa isang basher: “Who are you to say that!! Alam mo ba ang ibig sabihin sa really?? Kapal mo rin to talk to my husband like that!”

Continue reading below ↓

Nagtataka raw si Gladys kung bakit nanggagalaiti sa galit ang mga hindi naintindihan ang komentong "really" ni Christopher.

“Hindi ko naman puwedeng palagpasin lang yun, Kuya Gorgs.

"Kasi, dahil lang sa ‘really’ hinamak na ang pagkatao ng asawa ko. Hindi ako papayag,” text sa akin ni Gladys nang tinanong ko tungkol dito kaninang umaga, July 17.

Sabi pa niya, “Personal na kaibigan ni Christopher si Carlo.

"Yung ‘brooo really??’ para sa pinost na statement na lay off, hindi sa caption ni Carlo.

"Nagtanong lang si Chris. Para bang, ‘Broooo, really?? Effective na yung lay off?' Something like that.

“Pero yung iba, high blood agad.”

Noong kasagsagan ng isyu tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN, sumusuporta raw sina Gladys sa ipinaglalaban ng mga Kapamilya.

Sabi ng Kapuso actress, “Hindi ba puwedeng silent sympathizer lang kami?

“Nag-exchange message pa kami ni Ninang Cory Vidanes.”

Hanggang ngayon ay patuloy ang sagutan ng mga bashers at ng mga sumusuporta sa mag-asawang Christopher at Gladys sa Instagram ni Carlo.

Continue reading below ↓

Ang layo na ng mga isyung pinagtatalunan nila.

JERRY OLEA

Ang masasabi ko lang kay Gladys, “Siiis really??”

NOEL FERRER

Puwede namang magkaiba ng paniniwala, pero hindi kailangang humantong sa ganito.

Hindi naman public official sina Gladys and Christopher para papanagutin sa kanilang stand.

Pero katulad ng mga pumapatol sa bashers, na hindi pananaig ang rason kundi pera dahil bawat engagement sa paid trolls ay bayad, magtataka ka na lang talaga.

May pera talagang pinapaikot para palawigin ang ating pag-aaway at pagkakahati-hati? Nakakalungkot, di ba?

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes: "Nagtanong lang si Chris. Para bang, ‘Broooo, really?? Effective na yung lay off?' Something like that. Pero yung iba, high blood agad.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results