After Cristine Reyes, mag-guest din kaya sa Eat Bulaga ang iba pang StarStruck alumni na Kapamilya na?

by PEP Troika
Jul 18, 2020
Cristine Reyes in Eat Bulaga's Bawal Judgmental July 18, 2020
Naging celebrity judge si Cristine Reyes (lower right) sa July 18 airing ng "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga.
PHOTO/S: Screengrab from Eat Bulaga

JERRY OLEA

Sa walong produkto ng StarStruck na lumipat sa ABS-CBN, si Cristine Reyes ang unang nag-guest sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga nitong Hulyo 18, Sabado sa GMA 7.

“Hello, dabarkads! Hello, Bossing! I miss you!” nakangiting pagbati ni Cristine, na leading lady ni Vic Sotto sa MMFF 2009 entry na Ang Darling Kong Aswang.

Magiliw na pagkaway ni Bossing, “Hi! Kumusta ka na, Cristine?”

“Mabuti po,” sagot ni Cristine.

Pinuri ni Bossing ang husay ni Cristine, na umawit ng kantang "Torn" (na pinasikat ni Natalie Imbruglia noong 1990s).

“Sa bahay lang,” natatawang patuloy ni Cristine.

“Ikaw ba, magaling kang kumilatis ng tao, Cristine?”

Napatango ang Kapamilya actress, “Ahhmm, medyo po... medyo po. Try natin, Bossing.”

“Judgmental ka ba?”

“Ahmm, sa isip lang po! Hi-hi-hi-hi!” paghagikgik ni Cristine.

Kinilatis ni Cristine ang mga bokalista ng banda. Ani Cristine, nadi-distract siya sa reaksyon ni Jose Manalo.

In the end, wagi si Cristine ng P35,000, na paghahatian nila ng kanyang home partner.

Continue reading below ↓

Ang tanong... magiging judge din kaya sa Bawal Judgmental ang StarStruck alumni na sina Arci Muñoz, Ryza Cenon, Paulo Avelino, Aljur Abrenica, Sarah Lahbati, Jewel Mische, at Enzo Pineda?

NOEL FERRER

Melting pot ang Eat Bulaga at bukas ang lahat na mag-guest sa kanila.

Ultimo ang dating co-host nila na talent ko na si Iza Calzado ay naimbitahan diyan the Saturday after the Friday non-renewal ng ABS-CBN franchise.

But Iza could not do it because she was locked in sa taping ng teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin.

It would be nice to see everyone in Eat Bulaga.

Let it be said lang that Enzo’s dad, Enrico Pineda ng 1-Pacman Partylist, voted against the renewal of the ABS-CBN Franchise.

Yun lang!

GORGY RULA

Naka-tape ang episode na ito ng Eat Bulaga.

Bago nagsimula ang "Bawal Judgmental," ipinost ni Cristine sa kanyang Instagram account ang guesting niyang iyun kung saan may mga kuha siya sa loob ng studio na katsikahan sina Paolo Ballesteros.

Continue reading below ↓

Pero karamihan sa mga litratong ipinost ay mag-isa lang siya sa kanyang dressing room.

Kakaiba raw ang guesting sa "Bawal Judgmental" dahil sobrang maingat ang mga staff doon, at aral na aral na raw nila kung ano ang gagawin.

Kuwento ni Andrea Torres noong mag-guest siya para sa "Bawal Judgmental," “Pagpasok pa lang namin, kumpleto sa pang-disinfect 'tapos mag-isa lang ako sa dressing room.

Continue reading below ↓

“Every time na may papasok na staff, talagang may alcohol sila, may face shield, may mask sila. Lahat ng pagkain and drinks, individually-packed.

“Kaunti lang ang taong nandoon, pero very fun pa rin at mapi-feel mo pa rin yung energy nina Bossing kahit nasa bahay lang siya.”

Parang at home na roon si Cristine dahil nakikita namang kumportable siya sa mga Dabarkads.

Hawak ng Viva si Cristine, kaya wala raw siyang network contract sa ABS-CBN 2.

Maingat din sila sa pagkuha sa mga Kapamilya artists.

Samantala, katapat ng "Bawal Judgmental" ang weekly finals ng "Tawag ng Tanghalan" ng It’s Showtime.

Sa iWant ko sila napapanood na madalas mag-buffering dahil mahina ang PLDT wifi namin.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging celebrity judge si Cristine Reyes (lower right) sa July 18 airing ng "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga.
PHOTO/S: Screengrab from Eat Bulaga
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results