Michael V, tinamaan pa rin ng COVID-19 kahit sobra ang pag-iingat

by PEP Troika
Jul 20, 2020
Michael V.: “For the past few months na talagang nagsimula itong pandemic, we’ve been very strict about the safety. Iyong social distancing, pina-practice namin ‘yan. Iyong PPEs, everytime we go out and interact with other people..."
PHOTO/S: Screen grab from #BitoyStory YouTube

GORGY RULA

Ang Bubble Gang at Pepito Manaloto ang ilan lamang sa mga programa ng GMA-7 na magbabalik-taping na.

Si Michael V ang headwriter at lead star sa dalawang programang ito.

Ngunit ngayon lang Lunes ng umaga, Hulyo 20, in-announce ni Bitoy sa kanyang YouTube channel na positibo siya sa COVID-19.

Kaya hindi pa alam kung kailan magri-resume ang mga programa niya.

Meron siya dapat live streaming sa GMA-7 noong Huwebes, July 16, pero kinansela na iyon.

Sa totoo lang, ayaw pa talagang bumalik sa taping ni Bitoy dahil natatakot pa siyang lumabas.

Takot siyang bumalik sa trabaho dahil mahirap nang magkahawa-hawa.

Nagtataka ang mga katrabaho ng comedian-director kung bakit nahawa ito ng COVID-19 gayong hindi talaga ito lumalabas.

Kasama ni Bitoy na nagpa-swab test ang asawa niyang si Carol, pero napag-alamang negatibo ito sa COVID-19. Buti na lang!

Lalo tuloy natakot ang mga taga-TV dahil sa tumataas ang datos ng COVID-19. Kahit sobrang nag-iingat ang lahat, hindi mo talaga masabi, puwede kang mahawa.

Continue reading below ↓

Samantala, totoo kayang pinaghahandaan na ngayon ang pagbabalik-taping ng FPJ’s Ang Probinsyano?

Pinagsimula na rin daw mag-quarantine ang mga artistang involved.

JERRY OLEA

Bandang 10:40 A.M. in-upload ni Michael V nitong Lunes sa kanyang eponymous YouTube channel ang vlog entitled “#BitoyStory 29: POSITIVE.”

May 15 minutes at 28 seconds ang video, kung saan dokumentado ang pinagdaanan niya mula nang makaramdam siya ng symptoms hanggang makumpirmang positibo siya sa COVID-19.

Hulyo 11, Sabado, sa kanyang vlog sinabing may flu-like symptoms si Bitoy. Paubu-ubo siya.

“Siyempre, nag-isolate na agad ako. Nag-quarantine na agad ako. I took medicine,” salaysay ni Bitoy noong Hulyo 14, Martes ng gabi.

“Nagpa-check up na ako sa doctor online. I got better the following day, Monday.

“Hindi naman tumaas nang todo yung temperature ko. I mean, the highest was 37.1 as of kanina, pero may flu-like symptoms talaga.

“And a few hours ago, parang merong weird na sensation dito sa may nasal area ko,” pagmuwestra ni Bitoy sa kanyang ilong.

Continue reading below ↓

“Isa sa symptoms daw ng COVID is yung loss of smell at saka ng taste. It could be something like that.

“Kaya trinay ko and, apparently, ang weird... wala akong maamoy ngayon...”

Natawang sambit pa ni Bitoy, “Ang hirap din ng sobrang positive sa buhay. Ha! Ha! Relax lang kayo, BSS. We don’t know until we really find out.

“So, sit tight. And your prayers are really appreciated.”

Magse-set up sana si Bitoy noong Martes para mag-shoot ng commercial sa kanyang studio sa bahay, kung saan siya naka-quarantine, pero ipinagpaliban iyon.

Ipinagdiinan ni Bitoy, “For the past few months na talagang nagsimula itong pandemic, we’ve been very strict about the safety.

“Iyong social distancing, pina-practice namin ‘yan. Iyong PPEs, everytime we go out and interact with other people.

“And pagka lumalabas kami, ano nga, normally nga, halos wala kaming labas, e. Ahh... very, very minimal yung times na lumabas kami."

Continue reading below ↓

Hulyo 15, Miyerkules, below 37 ang temperature ni Bitoy.

Andoon pa rin ang flu-like symptoms at very slight body pains na hindi naman nakakaapekto sa galaw o pakiramdam niya.

“Nakakapraning dahil feeling ko, ahh... dahil nandidito siya sa nasal area, kung may virus diyan, baka ang lapit sa utak,” lahad ni Bitoy.

“So, ang hirap. Baka... sabi pa naman ng iba, masustansiya yung utak ko. Mataba yung utak ko. Baka pagpiyestahan nung mga virus, e...”

Nagpa-swab test sila ng kanyang asawa sa ER.

Hulyo 18, Sabado ng gabi, nakumpirma ni Bitoy na positibo siya sa COVID-19.

NOEL FERRER

Nang ibigay ni Vice President Leni Robredo sa ating gobyerno ang kanyang comprehensive recommendation sa patuloy na laban natin sa COVID, may parunggit si Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pinoproblema lang daw ng bise presidente ay COVID.

Opo, Spox Harry, hindi ba’t mas mainam kung focused muna tayo sa usaping COVID para mapaghusayan pa ninyong lalo ang aksyon ng gobyerno laban dito?

Continue reading below ↓

Buhay at kamatayan na po ng tao ang nakasalalay sa isyu ng COVID.

As of July 19, Sunday, 4 p.m., ay umabot na po sa 67,456 ang kumpirmadong kaso ng COVID sa ating bansa.

Siguro, hindi naman po marami ang mamamatay kung ipinagpaliban muna ang pag-uusap sa Anti-Terror Law, ABS-CBN franchise, at ngayon, ang napipintong Charter Change.

Para kay Bitoy at sa kanyang pamilya, ipinagdarasal namin kayo. Nandito lang kaming mga kaibigan ninyo para sa inyo.

Para sa ating mga kababayan, dobleng ingat talaga, lalo pa’t tayo rin lang talaga ang bahala sa ating sarili.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V.: “For the past few months na talagang nagsimula itong pandemic, we’ve been very strict about the safety. Iyong social distancing, pina-practice namin ‘yan. Iyong PPEs, everytime we go out and interact with other people..."
PHOTO/S: Screen grab from #BitoyStory YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results