Sakristan finale, trending; Kokoy de Santos, balik-Oh, Mando!

by PEP Troika
Jul 20, 2020
(Top) Henry Villanueva (left) and Clifford Pusing in Sakristan; (bottom) Kokoy de Santos (left) and Alex Diaz in Oh, Mando!.

JERRY OLEA

Nagwakas ang Pinoy BL series na Sakristan na payapa at magkakasama sa loob ng simbahan sina Zach/Aquaman (Clifford Pusing), Christian/Superman (Henry Villanueva), at Wolf/Batman (Xavier Reyes).

“Amen” ang pamagat ng ikawalo at panghuling episode ng Sakristan, na in-upload nitong Hulyo 19, Linggo, 12:00 A.M., sa YouTube channel ng VinCentiments.

As expected, trending ang finale sa YouTube, maging sa Twitter kung saan tatlong hashtags ng Sakristan ang umarangkada.


Continue reading below ↓

Iyong Episode 1 (“Touch-Move”) ng Sakristan ay lumampas na sa 1M views.

Itutuon muna ng writer-director na si Darryl Yap ang kanyang panahon sa pag-e-edit ng Viva movie na Ang Babaeng Walang Pakiramdam, na pinagbibidahan nina Kim Molina at Jerald Napoles.

Ito ang follow-up sa sleeper hit last year na #Jowable, kung saan magka-tandem sina Kim at Direk Darryl, at may cameo si Jerald.

Next month pa mapapanood ang next series ni Direk Darryl sa VinCentiments channel, ang four-episode series na Ang Jowa Kong DDS.

Itong Sakristan ang ikalawang Pinoy BL series, sumunod sa Gameboys na pinagbibidahan nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

May dalawa pang episodes ang Gameboys, at kapana-panabik ang mga pasabog doon.

Noong Hulyo 17, Biyernes, nag-last shooting day si Kokoy sa Gameboys.

Nitong Hulyo 19, Linggo, ay nagkalat na sa socmed ang pagbabalik niya sa set ng Pinoy BL series na Oh, Mando!, kasama sina Alex Diaz, Barbie Imperial, at Migs Villasis, sa direksyon ni Eduardo Roy Jr.

Continue reading below ↓

Pinost ni Alex sa kanyang Instagram ang ilang pictures niya sa set ng Oh, Mando!

Ang hanash ni Alex: “Say hello to Barry Cruz. • Captain Ball • Bisexual — not that it matters but it matters”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Happy’ng-happy ang XavMi fans sa pagtatagpo nina Xavier (Tony Labrusca) at Mico (JC Alcantara) sa ending ng Episode 4 (“Happiness”) ng Hello Stranger, na in-upload nitong Hulyo 15, Miyerkules ng 8:30 P.M., sa YouTube channel at Facebook page ng Black Sheep.

Parehong naka-white shirt na may red heart design ang dalawa.

Ang puting jacket ni Mico ay may disenyo ng mga kulay ng bahaghari.


Continue reading below ↓

Nakakakilig man ang pagkikita ng dalawa, apprehensive ang iba na baka na-fast track ang istorya at tatapusin agad ang serye dahil sa pagkitil sa prangkisa ng ABS-CBN.

Bago ipinalabas ang Episode 4 noong Wednesday night, parehong lampas 1M views na sa YouTube ang Episode 1 (“Enemy”) at Episode 2 (“Feelings”) ng Hello Stranger.

Sa Episode 2, takaw-pansin sa split screen na habang naka-pinky promise si Mico, na-break ng laylayan ng polo niya ang “pader” na nakapagitan sa kanila ni Xavier.

Sa Episode 4 naman, habang split screen sa bed scene ang XavMi, na-penetrate ng unan ni Xavier ang “wall” sa pagitan nila ni Mico.

NOEL FERRER

Teka nga, Tito Jerry, bilang ikaw ang BL guru sa Troika, may nabanggit ang premyadong manunulat at musikerong si Vince de Jesus na meron siyang ginagawang musical project na LGBT-themed na pinamagatang My Extraordinary.

Kilala mo ba sina Enzo Santiago at Darwin Yu?

Siyempre, pasok sa cast ang kaibigan nating sina Jojit Lorenzo at Yayo Aguila.

Continue reading below ↓

Pakisiyasat ang BL na musical na iyan from AsterisK Digital Entertainment!

JERRY OLEA

Nasa cast din ng My Extraordinary sina Z Mejia, Karissa Toliongco, Catcat Sanchez, Samuel Cafranca, Philip Dulla, Kayden Soriano, Keijer Mesina, at John Cortez.

Ito’y sa direksyon ni Jolo Atienza, mula sa panulat ni Vincent de Jesus.

Ayon sa publicist na si Byx Almacen nang maka-chat ko nitong Hulyo 19, Linggo ng hapon, via Messenger, “Sa Hulyo 22, Miyerkules ang first shooting day ng My Extraordinary sa Antipolo. School scenes ang kukunan.

“Second shooting day kinabukasan. House scenes sa Antipolo.

“And then, lilipat na ang produksyon sa next location, sa Meycauayan, Bulacan.”

Hopefully, maipalabas ang BL series na ito next month sa TV5.


Continue reading below ↓

Si Z Mejia ay kasama rin sa cast ng A Kiss To Remember, ang pangalawang BL series na ipoprodyus ng AsterisK.

Siyanga pala, ibinalita sa amin ni Direk Briliant Juan na two-part na rin ang mga susunod na episode ng BL series na In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam.

Sa Episode 3 na ia-upload sa Hulyo 25, Sabado, 8:00 P.M., sa YouTube channel ng USPH TV, matutunghayan ang flashback noong bago pa lang sina Taurus (Migs Villasis) at Otep (Genesis Redido).


Continue reading below ↓

Boom, harot!!!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) Henry Villanueva (left) and Clifford Pusing in Sakristan; (bottom) Kokoy de Santos (left) and Alex Diaz in Oh, Mando!.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results