Paolo Contis, aware na si Empoy Marquez ang first choice sa Through Night and Day

by PEP Troika
Jul 24, 2020
Paolo Contis (left) on replacing Empoy Marquez (right) in Through Night And Day: “Ako naman, I just did my job the best way I could especially sa ganitong klaseng opportunity na pelikula. Masaya ako na hindi sila nagsisi."

GORGY RULA

Isang malakas na tawa ang sagot ni Paolo Contis nang tawagin ko siyang "Pandemic Superstar."

Pagkatapos mag-hit sa Netflix ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na Through Night and Day, sunud-sunod na ang movie offers sa kanya.

Merong mula sa Viva, mula sa isang independent producer, at gusto rin siyang gawan ng dalawang pelikula ng producer ng Through Night and Day.

May ilang script nang nakarating kay Paolo, at binabasa na niya ang mga ito ngayon.

Pinag-aaralan pa raw niya kung tatanggapin. Pero susundin daw niya ang desisyon ni Manay Lolit Solis at ng GMA Artist Center.

Wala raw sa hinagap niyang mangyayari itong success ng Through Night and Day, na sumemplang sa takilya noong 2018.

Aware din daw siyang kay Empoy Marquez talaga ang project na ito, na balik-tambalan sana nila ni Alessandra pagkatapos ng Kita Kita (2017).

“Ako naman, siyempre sa industriya naman natin, hindi laging ikaw ang first choice, di ba?

Continue reading below ↓

"Pero kung talagang sa ‘yo, gagawa ng paraan si God na mapunta sa ‘yo 'yan. Napunta siya sa akin.

“Ako naman, I just did my job the best way I could especially sa ganitong klaseng opportunity na pelikula.

"Masaya ako na hindi sila nagsisi," saad ni Paolo nang nakausap ko siya sa telepono noong Miyerkules ng hapon, July 22.

Dagdag niya, “Siguro kung natuloy si Empoy, baka maaaring nung time na ipinalabas sa sine, mas tinangkilik. Kasi, kumbaga, follow up ng pelikula nila.

“Pero feeling ko naman, nabigyan ko ng justice yung karakter ni Ben. Happy ako dun.”

JERRY OLEA

Netflix King na, Pandemic Superstar pa! Ikaw na, Paolo Contis!

Kasama pa rin sa Top 10 Trending in the Philippines sa Netflix ang pelikulang Through Night and Day.

Nang ma-phone patch si Paolo recently sa DZRH, andaming gustong magpa-shout out sa kanya.

Ang galing naman talaga ni Paolo sa TNAD. Nominado siyang best actor sa 3rd Eddys ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors) para sa pagganap niya roon.

Continue reading below ↓

Tinalo si Paolo ng kaibigan niyang si Dingdong Dantes, na bidang lalaki para sa pelikulang Sid and Aya: Not A Love Story.

Pero mas umarangkada sa Netflix ang TNAD kesa sa Sid and Aya, ha?! Kaya ayan, lima ang movie offers kay Paolo.

Kung ano man, hindi niya agad-agad magagawa ang mga iyan.

In demand si Paolo sa pagho-host niya sa All-Out Sundays, kung saan bentang-benta ang mga kapilyuhan niya. Andiyan pa ang Bubble Gang.

Bawal maglagare sa mga set, di ba? Tapos, kailangang mag-quarantine ka before and after a lock-in shoot.

Aba! Kung sunud-sunod ang paggawa ni Paolo ng movies ngayong panahon ng pandemya, paano na ang kanyang buhay-pamilya?

Kung ano’t ano man, mabuhay ang Pandemic Superstar!!!

NOEL FERRER

Congratulations kina Paolo Contis at Alessandra de Rossi sa kanilang pelikula. Noon pa lang napanood ko sa sinehan, iyak talaga ako nang iyak sa Through Night And Day, lalo na noong inaawit nila yung paborito kong "I Will Be Here."

Continue reading below ↓

Nang nakausap si Alex about the movie, masaya ito at nabigyan ng second chance ang pelikulang mas mapanood ng maraming tao through streaming.

Pabading niyang sinabi na, “Sana man lang, na-experience namin ang financial returns nito. Chika!”

At least daw ay may dagdag na revenue stream ang Viva through Netflix, pero waley silang gain financially dito sa iba pang revenue streams.

“Okey lang yun,” sabi ni Alex, “basta next time, susugalan pa rin nila ang ganitong kakaibang klaseng pelikula at hindi na isi-secret at ipu-promote na nang maayos.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis (left) on replacing Empoy Marquez (right) in Through Night And Day: “Ako naman, I just did my job the best way I could especially sa ganitong klaseng opportunity na pelikula. Masaya ako na hindi sila nagsisi."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results