Offer ng TV5 kay Vice Ganda, fake news nga ba?; TV5, interesado kay Coco Martin?

by PEP Troika
Jul 24, 2020
Ayon sa usap-usapan, may mga producers na interesado kunin sina Vice Ganda at Coco Martin para sa ipu-produce nilang shows sa TV5. Pero ang malaking kunsiderasyon ay kung kakayanin ba ng producers ang budget ng dalawang big-time Kapamilya stars.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Fake news nga ba ang offer ng TV5 kay Vice Ganda na inatrasan umano ng network dahil sa laki ng asking talent fee ng comedian-TV host?

Ang narinig ko kasing usapan ng ilang nagpu-produce ng shows sa TV5 ay balak nilang alukin ang ilang Kapamilya stars pagkatapos ipasara ang ABS-CBN.

Napag-usapan nila kung sino sa Kapamilya stars ang posible nilang bigyan ng programa sa TV5.

Siyempre, big stars na ang nasa isip nila. Alangan namang unahin muna nila ang lesser stars?

Ang isa sa narinig kong pinag-usapan ay si Coco Martin.

Pero kaagad ding tanong nila: magkano ang kinikita ng Primetime King sa FPJ’s Ang Probinsyano? Bukod kasi na si Coco ang bida, siya rin ang direktor at headwriter.

Wala pa silang kinakausap, pero tinatantiya nilang milyun-milyon ang natatanggap ni Coco sa bawat linggo.

Pinag-usapan din si Vice Ganda, na may daily show at isa pang programa sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Narinig kong nag-inquire daw ang producers tungkol sa Unkabogable Star, at nagulat nga sila sa three-million-peso rate nito.

Hindi lang nilinaw kung isang linggong budget na ba ito o per appearance. Pero hindi raw nila kakayanin ang ganoon kalaking halaga, kaya atras agad sila.

Maaaring hindi na ito umabot kay Vice Ganda dahil sa stage pa lang ng inquiry kung kakayanin ba ang budget ay chugi na.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nasulat ito at pinik-ap ng vloggers at bloggers, na namimik-ap sa kuwento ng iba. Nagpasalin-salin na, at naiba na tuloy ang kuwento. "Fake news" ang kinalabasan.

Hindi mo rin masisisi si Vice Ganda na magulat sa isyung ito dahil maaaring ni hindi nakarating sa kanya na may ganitong offer.

Di ba, Sir Noel, bilang talent manager, marami namang nag-i-inquire sa mga artista mo na hindi na nakakarating sa kanila dahil pinag-uusapan pa lang naman?

NOEL FERRER

Tama ka roon, Tito Gorgy!

Maganda sigurong pangalanan ng vloggers kung sino ang nagturing ng ganoon kay Vice—and let the discussions begin.

Continue reading below ↓

Sa tingin ko, sa stature ni Vice, kayang-kaya naman niyang mag-produce ng sariling show kung gugustuhin niya talaga.

JERRY OLEA

Doble ang good vibes sa grand launch ng Vice Ganda Network ngayong Hulyo 24, Biyernes ng gabi.

Tweet ni Vice Ganda, P100,000 ang kabuuang cash prizes na mapapanalunan sa paglulunsad na ito. Chuguuuug!!!

“Arte ka pa ba?!!! Tiba tiba ang viewers!!! Kaya register na karakaraka!!!” sey ni Vice.

Continue reading below ↓

Sa loob ng dalawang araw ay mahigit 70,000 agad ang nagparehistro.

Wa echozzzz, mamayang 9:00 p.m. ang Prize Ganda: Ang Online Palarong Pambansa. Waging-wagi ang viewers!

10:00 p.m. naman ang Gabing-Gabi Na, Vice.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa usap-usapan, may mga producers na interesado kunin sina Vice Ganda at Coco Martin para sa ipu-produce nilang shows sa TV5. Pero ang malaking kunsiderasyon ay kung kakayanin ba ng producers ang budget ng dalawang big-time Kapamilya stars.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results