Maine Mendoza, harapang inamin kay Geoff Eigenmann na "childhood crush" niya ang aktor

by PEP Troika
Jul 24, 2020
Maine Mendoza on Geoff Eigenmann: "Grabe, Geoff! Ang galing mo kumanta!"
PHOTO/S: @mainedcm Instagram / Eat Bulaga Facebook

JERRY OLEA

Napakatamis ng ngiti ni Maine Mendoza nang ipakilala ang celebrity guest judge sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! nitong Hulyo 24, Biyernes—ang childhood crush niyang si Geoff Eigenmann.

Nang tanungin ni Vic Sotto kung sino ang guest judge, excited si Maine na ipinakilala si Geoff sa show.

"Bossing, ang guest po natin today, TV and movie actor, my childhood crush—sinabi ko talaga—Geoff Eigenmann!" bulalas ni Maine.

Kumaway pa si Maine kay Geoff, na sumalang sa stage para sa isang song number.

Panay naman ang pan ng camera kay Maine na tuwang-tuwang pinanonood si Geoff.

Pagkatapos ng production number ni Geoff, komento ni Maine, "Grabe, Geoff! Ang galing mo kumanta! Welcome, Geoff!"

Todo naman ang panunukso ni Alden Richards kay Maine.


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Maya-maya pa ay kinumusta ni Bossing Vic ang pagiging family man ni Geoff.

"Mabuti naman ho. Happy. Staying at home with the kids during this quarantine time,” tugon ng Kapamilya actor, na nakatambal ni Maja Salvador sa teleseryeng The Killer Bride.

"Masayang-masaya, enjoying. Kasi, buhay-artista, laging wala sa bahay, e.

"So ngayon, getting to spend time with them. Sobrang nag-e-enjoy. Enjoying fatherhood."

Dalawa na ang anak ni Geoff at asawang si Maya Flores. Sa Nobyembre isisilang ni Maya ang kanilang pangatlong supling.

Follow-up question ni Bossing, "Ikaw ba’y magaling mangilatis ng tao, Geoff?"

"As much as possible, I try not to be judgmental," sambit ng 35-anyos na aktor.

"Pero pag may nakilala akong tao, tapos, along the way, pag nakikilala mo siya lalo, ahh, naiisip ko na, 'Uy! Tama pala yung inisip ko tungkol sa kanya.'

"So sana, effective siya today. Magamit ko siya today."

Tigib ng drama ang "Bawal Judgmental" this Friday. Makadurog-puso ang mga istorya ng choices na namatayan ng mahal sa buhay.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Nakarating sa Eat Bulaga! na gusto ni Geoff maglaro sa "Bawal Judgmental."

Nagkamali pa ng tawag ang staffer ng Eat Bulaga! dahil ang una niyang kinontak ay ang nakatatandang kapatid ni Geoff na si Ryan Eigenmann.

Pero napag-alamang si Geoff ang interesadong maging guest judge.

Kaya nakipag-coordinate ang taga-Eat Bulaga! sa actress-director na si Gina Alajar, ang ina nina Geoff at Ryan.

Kay Direk Gina nakuha ng Eat Bulaga! ang contact details ni Geoff.

At least, nalaman nating childhood crush pala ni Maine si Geoff. Type pala talaga ni Menggay ang mga tisoy, ano?

NOEL FERRER

Okay iyan, mas maraming taong nagge-guest sa Eat Bulaga na bago, the better.

Sayang lang at noong nasa GMA-7 pa si Geoff ay hindi sila pinagtagpo ni Maine.

Sinu-sino pa kayang Kapamilya ang gustong maglaro sa "Bawal Judgmental"?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza on Geoff Eigenmann: "Grabe, Geoff! Ang galing mo kumanta!"
PHOTO/S: @mainedcm Instagram / Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results