Jason Abalos, masama ang loob na ginawang biro ng Pangulo ang COVID-19

by PEP Troika
Jul 24, 2020
Jason Abalos appeals to the government to provide concrete plans on how to cope with COVID-19 pandemic: "Sinukuan na ng iba ang COVID at naghihintay na lang ng vaccine pero walang maayos na plano na makakakalma ng mga tao."
PHOTO/S: Noel Orsal / Presidential Communications Facebook

NOEL FERRER

I reached out to Jason Abalos nang makita ko ang tweet niya nitong Hulyo 24, Biyernes ng 12:51 a.m.

"Namatay ang kaibigan kong pediatric surgeon dahil sa covid, tapos may panahon pa kayong mag joke??

"Pagbabago ang ginusto ko nong binoto kita hindi panggagago!"

Ramdam ko ang kanyang pinagdadaanan dahil marami rin akong mga kaibigang nagapi sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Hindi nagustuhan ni Jason ang balitang nagbibiro lamang si Pangulong Rodrigo Duterte nang magbitiw ito ng salita na maaaring gamiting pang-disinfect ng kamay at facemask ang gasolina.

Namutawi sa alaala ni Jason ang pagpanaw ng malapit niyang kaibigan dahil sa COVID-19.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sabi ni Jason, "Sir, isa siya sa tinamaan ng COVID no'ng March.

"Grabe nga, Sir, pero sana naman, ang leaders natin... e, yung iba, pinagkakakitaan pa ang COVID, e. Iyon ang nakakasama ng loob.

"Sa panahon ngayon, wala nang maasahan na iba. Sinukuan na ng iba ang COVID at naghihintay na lang ng vaccine pero walang maayos na plano na makakakalma ng mga tao."

Si Jason ay kasalukuyang nasa hometown niya sa Pantabangan, Nueva Ecija.

"Masarap sa probinsya ngayon, Sir. Simple at mabubuhay ka nang maayos at normal," saad ng Kapuso actor.

JERRY OLEA

May memes at paandar na nagpapangiti sa atin sa panahon ng pandemya.

Natawa ako sa meme kaugnay sa ikalabing-isang utos daw na 2020 A.D. Supplemental:

Continue reading below ↓

"Though shalt not covid thy neighbor’s life. Wear thy mask."


Pero ngayong parami nang parami ang nagkaka-COVID sa Pilipinas, nakakapanlumo ngang nakapagbitiw pa ng joke tungkol sa virus si Pangulong Rodrigo Duterte.

Makirot ang ganoong biro para sa mga namatayan ng mahal sa buhay, lalo na iyong mga lugmok sa pagdurusa at pagdarahop.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kahit ako man, napaka-emotional ko na ngayon pagdating sa kuwento ng mga sobrang naapektuhan ng COVID-19.

Ang daming hospital na napuno na ng COVID-19 patients at hindi na nila kayang tumanggap pa.

Kaya ibinabalita ngayon na kapag hindi na kaya ng hospitals sa NCR, iminumungkahing dalhin daw sa pinakamalapit na lalawigan.

Paano kung hindi naman kaya ng hospital ng lalawigang iyon? Ano pa ang puwedeng gawin ng Department of Health?

Taga-report na lang ba sila ng nadadagdag na COVID cases?

Hindi maramdaman ang aksiyon ni DOH Secretary Francisco Duque III sa gitna ng pandemya.

Ang latest pa ring balita, ang vaccine daw laban sa COVID-19 ang bibigyang prayoridad sa pondo para sa taong 2021.

Sana nga, doon mapunta ang pondo at mapapakinabangan ng taumbayan, ha, Secretary Duque?!

Bakit kasi ang mga anomalya diumano sa PhilHealth ang pinaiimbestigahan ngayon ni President Duterte.

Bakit hindi pansinin ang mga kapalpakan ng DOH?

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jason Abalos appeals to the government to provide concrete plans on how to cope with COVID-19 pandemic: "Sinukuan na ng iba ang COVID at naghihintay na lang ng vaccine pero walang maayos na plano na makakakalma ng mga tao."
PHOTO/S: Noel Orsal / Presidential Communications Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results