Grand launch ng Vice Ganda Network naudlot dahil sa dami ng subscribers; Donita Nose, nangangambang nahawa ng COVID-19

by PEP Troika
Jul 25, 2020
Nag-crash ang digital network ni Vice Ganda (kaliwa) sa mismong grand launch nito kagabi, July 24, dahil sa dami ng subsribers; Donita Rose (kanan), naghihintay ng resulta ng kanyang swab test upang malaman kung tinamaan siya ng COVID-19.
PHOTO/S: Twitter / Facebook

JERRY OLEA

Naudlot ang grand launch ng Vice Ganda Network (VGN) nitong Hulyo 24, Biyernes ng gabi.

Tweets ng Unkabogable Star nitong Friday night na raratsada na sana ang VGN online: “Having technical problems now! Kalurks!

“Kahit ako di makapasok! Di yata ako makilala kasi wala akong make up sa ID ko! Shit!

“Virgin ka ba?!!! Bat ang hirap makapasok! Grrrrrrrr!!!!

“Crash is real!!! Im so sorry!!!

“Di kineri ng website ang powers nyo! Ayun nagCrash Landing on You ang site ni betle!!! Sorry we decided to cancel and reschedule the #TheViceGandaNetworkLaunch”

Mahigit 100,000 netizens ang nag-register sa loob ng tatlong araw para sa chugug ng VGN launch, kung saan ipamumudmod ang one hundred thousand pesos (P100,000).

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Magpapa-good vibes sana sa Prize Ganda: Ang Online Palarong Pambansa (9:00 P.M.) ang Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri, at Francine Diaz.

Gold na, naging stone pa?!

Buena mano sana sina Bea Alonzo at Angel Locsin sa Gabing-Gabi na Vice (10:00 P.M.).

Panay-panay ang tweets ni Vice bilang paghingi ng paumanhin, “Pasensya na talaga!!!! Babawi kami ng extra chugug pramis!!!! Love you guys!

Continue reading below ↓

“Sayang pinaghandaan ko pa naman ng pangmalakasang blush on to si Andrea At Francine!!! heheh!!! Super thanks sa Gold Squad ha for ur patience. Bawi si meme next time.

“Super thanks kay Angel at Bea also!!! Pasensya na mga zizzzdt ha! Love u!

“Sa inyong lahat na nag abang, nagtyaga at sumuporta ngayong gabi Maraming maraming salamat. I am very sorry for the invonvenience. Babawi si Meme pramis!!! Love you guys! Love you Madlang people! Love you my Little Ponies!

“Andrea, Seth, Kyle and Francine super thank you!!!! Pati na din sa mga fans nyo!”

NOEL FERRER

Sayang at hindi natuloy itong effort ng online shows ni Vice Ganda. Pero, really, that’s a good problem.

Kailangan nilang maghanap ng better technical server para makayanan ang volume ng subscribers.

Grabe, everything is going online really! And kahit sa virtual space, Vice Ganda is unkabogable and phenomenal.

Now is the age of personal content creation. Sana talaga, these popular media personalities, like Vice Ganda, will serve the viewers better using this new platform!!!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Lalo pang dadami ang susubaybay sa VGN online chugug ni Vice Ganda. Marami ang gustong sumaya lang ngayong padami nang padami ang apektado ng COVID-19.

Kaya kahit inaalat ni Leah Navarro, deadma na lang ang Unkabogable Star dahil dapat mairaos natin ang pandemyang ito na masaya lang.

Samantala, alam kong hindi close si Vice Ganda sa komedyanteng si Donita Nose.

Pero maraming kapwa stand-up comedians ang tumutulong ngayon kay Donita, na naka-confine sa ospital dahil tingin niya ay nahawa siya ng COVID-19.

Hinihintay na lang ang resulta ng swab test, pero ramdam daw niyang nahawa siya ng nakakatakot na virus. Kaya ayaw na siyang palabasin ng hospital para ma-monitor ang kalagayan niya.

Si Teri Onor ang unang tumulong kay Donita.

Nag-update si Donita sa kanyang Facebook account habang nasa emergency room siya.

Baka maghintay pa raw siya ng ilang araw bago makakuha ng kuwarto dahil puno ang hospital na pinagdalhan sa kanya.

Continue reading below ↓

Nahihirapan si Donita sa kalagayan niya ngayon, pero positibo siyang malalagpasan niya ito dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan, lalo na ang mga komedyanteng dumamay sa kanya.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-crash ang digital network ni Vice Ganda (kaliwa) sa mismong grand launch nito kagabi, July 24, dahil sa dami ng subsribers; Donita Rose (kanan), naghihintay ng resulta ng kanyang swab test upang malaman kung tinamaan siya ng COVID-19.
PHOTO/S: Twitter / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results