Love The Way U Lie nina Alex, Xian, at Kylie magpi-premiere sa Netflix

by PEP Troika
Jul 25, 2020
Sa halip na sa mga sinehan unang ipalalabas ang pelikulang Love The Way U, magpi-premiere ito sa Netflix Asia simula sa August 19. Bida sa pelikula sina Alex Gonzaga, Xian Lim, at Kylie Verzosa.

JERRY OLEA

Ipapalabas na sa Netflix Asia ang pelikulang Love The Way U Lie simula Agosto 19, Miyerkules.

Ini-announce ito ng mga bidang sina Alex Gonzaga, Xian Lim, at Kylie Versoza sa social media nitong Hulyo 24, Biyernes.

Bahagi ng post ni Kylie sa Instagram, “I can’t wait for everyone to watch it! I had so much fun while filming this movie with my co-stars, and everything is a product of hard work from everyone in production.”

Continue reading below ↓

Napili ang Viva movie na ito bilang isa sa walong official entries ng 1st Summer MMFF, na magsisimula sana noong Sabado de Gloria, Abril 11.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dahil sa pandemya, ipinagpaliban ang 1st Summer MMFF. Pumayag ang ExeComm ng filmfest nang mag-request ang Viva na i-pull out dito ang movie.

Nakakaaliw ang trailer ng Love The Way U Lie, na humamig na ng 902K views mula nang i-upload noong Marso 6 sa YouTube channel ng Viva Films.

“Okay lang maloka, ‘wag lang magpaloko pagdating sa pag-ibig!” paandar ng wacky-kilig romance, na idinirek ni RC de los Reyes.

Ibinalita sa amin ni Direk Joel Lamangan na first week of August mag-i-streaming sa Netflix Asia ang Viva movie na Hindi Tayo Pwede starring Lovi Poe, Tony Labrusca, and Marco Gumabao.

Nag-commercial release noong Marso 4 ang pelikulang ito na dinirek niya.

Tweet ng TBA Studios, mapapanood sa Netflix Asia umpisa Agosto 27 ang pelikulang Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon (Us at the End of the Year) na pinagbidahan nina Nicco Manalo, Emmanuelle Vera, Anna Luna, at Alex Medina.

Continue reading below ↓

Ipinalabas ito sa mga sinehan noong Mayo 8, 2019.

Ang tanong... nanganganib ba ang titulo ni Paolo Contis bilang "Netflix King of the Philippines" kina Xian, Tony, Marco, Nicco, at Alex?

Aba! Nasa Top 10 Most Watched in Netflix Philippines pa rin ang Through Night and Day nina Paolo at Alessandra de Rossi, ha?!

NOEL FERRER

Bale Netflix Original itong Love The Way U Lie. Congratulations!

Test case ito kung kakagatin ng mass audience at makakakuha ng suporta na kasinlaki o hihigitan pa ang kita sa mga sinehan.

Nakaabang ang lahat dito, actually!

Naku, I wonder, ano ang magiging repercussion nito sa theater exhibitors natin.

Now, really, CONTENT is king! Nagkakaiba na lang sa mode at platform for distribution!

Good luck talaga!!!

GORGY RULA

Ang dami na ngang curious kung ano ang proseso sa pagbebenta ng pelikula sa Netflix.

Ngayon ko lang nalaman na kaya pala nilang bilhin ang isang local film ng US$500,000 kapag malaki ang pelikula at kung ipalalabas sa international. More or less ay P25 million iyan.

Continue reading below ↓

May ilang pelikula kasi natin na sa Netflix Asia lang napapanood. Pero ang napansin ko noong nasa Amerika ako last December 2019, napapanood pa hanggang doon ang karamihang pelikula ng Star Cinema.

Sa totoo lang, marami pang mga pelikula nating pang-Netflix ang quality.

Sana mabigyan sila ng pagkakataong mabili ng naturang online streaming service. Kasi, sa totoo lang, ang daming pelikula nating mas na-appreciate ko nang panoorin sa Netflix.

Hindi na kasi sabog ang kulay at ang ganda nang panoorin sa TV.

Sana, tangkilikin din itong Love The Way U Lie, at pag-isipan na rin ng producers na ibenta sa Netflix ang kanilang mga pelikula kesa matengga na lang at wala pang katiyakan kung kailan magbubukas ang mga sinehan.

JERRY OLEA

Nasa Netflix Asia na rin ang Untrue movie nina Xian at Cristine Reyes, na prinodyus din ng Viva. Noong Pebrero 19 ito ini-release sa local cinemas.

Ang isa pang recent Viva movie na streaming na rin sa Netflix Asia ay ang On Vodka, Beers and Regrets nina Bela Padilla at JC Santos, na noong Pebrero 5 ipinalabas sa mga sinehan.

Continue reading below ↓

Isa pang tanong... papasa kaya sa pamantayan ng Netflix Asia ang Viva movie na Sana All, starring Meg Imperial and Arvic Tan?

Noong Marso 25 sana ang playdate nito. E, nagsimula na ang community quarantine sa NCR noong Marso 15, at nagsara ang mga sinehan.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa halip na sa mga sinehan unang ipalalabas ang pelikulang Love The Way U, magpi-premiere ito sa Netflix Asia simula sa August 19. Bida sa pelikula sina Alex Gonzaga, Xian Lim, at Kylie Verzosa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results