Aljur Abrenica, insensitive ang pahayag tungkol sa ABS-CBN?

by PEP Troika
Jul 25, 2020
Marami ang nag-react sa naging pahayag ng Kapamilya actor na si Aljur Abrenica tungkol sa pagbasura ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

NOEL FERRER

Utterly insensitive.

Iyan ang unang reaksyon ko nang makita ko dito sa PEP.ph ang pinagsasabi ni Aljur Abrenica sa July 24 presscon ng bago niyang pelikula ukol sa Mamasapano.

Aniya tungkol sa nangyari sa ABS-CBN, “It’s beyond me... their fight is their fight.”

Sinabi niya ito sa kabila ng pakikipaglaban ng maraming Kapamilya stars and employees na ibalik sa ere ang ABS-CBN at ang nakaambang malawakang retrenchment sa broadcast giant.

Tuloy, ang kaibigan kong si Jet Valle na taga-ABS-CBN ay nakapagbitaw ng ganitong salita tungkol kay Aljur:

"Guwapo sana kaya lang.....

"a) bobo

"b) makasarili

"c) masama ang ugali

"d) all of the above"

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang leksyon kay Aljur Abrenica ay ito: You don’t bite the hands that feed you.

Consistent siya. Ginawa na niya ito sa GMA-7 noong 2014.

Nag-file siya ng reklamo sa korte upang ikansela ang exclusive contract niya sa Kapuso Network, na nagpasikat sa kanya. Pagkatapos nito ay lumipat siya sa ABS-CBN.

Heto pa ang dagdag na asin sa sugat ng mga tao sa ABS-CBN.

I can imagine ang hirap i-damage control nito ng namamahala ng career niya.

I’m sure, hindi ikatutuwa ang ganitong mga uncalled-for remarks. Breeding at character ang lumalabas dito.

I also wonder if his management knows about this project (Escape From Mamasapano) at all. Medyo nakakapaso bilang talent.

Truly, a little knowledge is dangerous. Ang saklap.

JERRY OLEA

Noong Mayo 5 na tumigil ang pag-ere ng ABS-CBN, nag-post si Vin Abrenica, kapatid ni Aljur, sa Instagram ng logo ng Kapamilya Network with a black background.

Continue reading below ↓

A few days later, kagaya ng ibang Kapamilya ay nag-post si Vin ng litrato na ang kanyang kanang kamao ay nakatapat sa dibdib.

Ang kuya ni Vin na si Aljur, walang ganitong paandar sa socmed.

DDS o Diehard Duterte Supporter na ba si Aljur kagaya ng biyenan niyang si Robin Padilla?

Continue reading below ↓

If so, naiintindihan ko kung bakit tahimik lang ang 30-anyos na si Aljur sa laban ng mga Kapamilya.

Isa siyang ama sa dalawang anak, at asawa kay Kylie Padilla. May pamilya siyang isinasaalang-alang.

Naguguwapuhan pa rin ako kay Aljur, na huli kong nakaharap sa 50th birthday bash ni Ogie Diaz noong Enero 5, 2020. Nababaitan ako sa kanya.

Bet kaya ng mga pulis-pangkalawakan na sumalang si Aljur sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga?

GORGY RULA

Mainit pa rin ang nararamdaman ng bawat isa dahil sa isyu ng ABS-CBN, lalo na’t humaharap tayo sa napakahirap na kalagayan.

Kaya mas mabuting huwag na lang sanang magsalita o magkomento ang isang artista, at baka iba pa ang maging interpretasyon at kung anu-ano ang masabi sa kanya sa social media.

Pero mas mabuti ring palawakin natin ang ating isip at pakalmahin ang damdamin.

Iniintindi ko ang kalagayan ni Aljur.

Naniniwala akong hindi siya masaya sa nangyari sa kanyang mother studio, pero may sarili siyang laban ngayon dahil may pamilya siya at malilit na mga anak.

Continue reading below ↓

Ito ang priority at focus ni Aljur sa ngayon. Maaring iba lang ang pagkasabi niya kung ano ang nasa puso niya.

Si Aljur siya, hindi siya si Vin Abrenica. Lalo nang hindi siya si Jet Valle na iba ang nasa isip at nasa puso.

Wala namang sinasabi si Aljur laban sa ABS-CBN.

Kagaya ng magkaibigang Angel Locsin at Alessandra de Rossi, magkakaiba sila ng paraan ng pakikipaglaban. Hindi sila nadadala ng sulsol ng bashers dahil nagkakaintindihan sila at nirerespeto ang isa’t isa.

Sa panahon ngayon, mas mabuti ang pagkakaunawaan ng bawat isa, hindi magkahati-hati.

Iwasan sanang magkomento ng nakakasakit ng damdamin ng kapwa dahil mas may masakit pa tayong pinagdadaanan.

May kani-kanya lang paraan ng pakikipaglaban at magkakaiba ang nararamdaman sa isyung ipinaglalaban.

Huwag nating asahang kung ano ang nasa isip natin, at kung paano tayo lumaban, ay ganun din ang lahat. Huwag po sanang bratinella.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami ang nag-react sa naging pahayag ng Kapamilya actor na si Aljur Abrenica tungkol sa pagbasura ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results