Senator Bong Revilla, di pa nakaka-move on sa pagpanaw ng amang si Ramon Revilla Sr.

by PEP Troika
Jul 26, 2020
Senator Bong Revilla: “Dumudugo pa rin ang puso ko. Hindi ako makapaniwala na wala na talaga ang tatay ko. I have to move on. Ganun yata talaga, e. Kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka agad-agad nakaka-move on.”
PHOTO/S: Facebook / PEP File

GORGY RULA

Hindi pa rin nakaka-move on si Senator Bong Revilla sa pagpanaw ng kanyang amang si dating Senator Ramon Revilla Sr.

Pumanaw si Don Ramon noong June 26, 2020 sa edad na 93.

Hindi napigilang maluha ni Senator Bong nang dumalaw siya sa rancho ng daddy niya noong Sabado, July 25.

Nag-Facebook Live si Senator Bong nang pumunta siya sa rancho, at iyon daw ang first time niyang bumalik doon pagkatapos pumanaw ng ama.

Medyo emotional siya nang nakita ang bahay ng daddy niya na tahimik, at wala na roon ang lagi niyang dinadalaw.

Ipinakita pa ni Senator Bong ang bintana kung saan sumisilip at pinapakaway niya minsan ang daddy niya kapag nagpi-Faceook Live siya.

“Ayan, nakasarado na. Wala na siya,” malungkot niyang pahayag.

Naalala rin ni Senator Bong na sa rancho siya nakagat ng aso habang kausap niya noon ang ama.

Malungkot na sabi niya, “Dumudugo pa rin ang puso ko. Hindi ako makapaniwala na wala na talaga ang tatay ko.

Continue reading below ↓

“I have to move on. Ganun yata talaga, e. Kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka agad-agad nakaka-move on.”

Pagpasok ni Senator Bong sa kuwarto ng kanyang daddy, ipinakita niya ang kamang hinihigaan ng ama, at ang mga tsinelas at sombrero na ginagamit nito kapag umaalis.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa wall ng kuwarto, maraming nakapaskil na litrato ni Senator Bong kasama ang kanyang daddy. Obvious na siya ang paboritong anak ni Don Ramon.

“Naalala ko, nung nila-Live ko siya dito sa kama. Sabi niya, 'Ingat kayo lagi. Stay safe. Stay healthy. Kailangan magpalakas kayo palagi.'"

Sabi pa ni Senator Bong, “Thank you very much sa suporta ninyo sa aking pamilya.

“Alam ko, mission accomplished na si Daddy. Masaya na siya sa langit.

“Tayo na nandito pa sa lupa, marami pa tayong pagsubok na pagdadaanan, kailangan nating maging matatag.

“Basta, lagi nating tatandaan iyong lagi niyang sinasabi... yung pagmamahal, huwag mawawala, yung pagmamahal sa kapwa, sa bayan.

Continue reading below ↓

“Ang mga kababaihan, nirerespeto, huwag nating saktan.

"Saka yung pagtulong, hangga’t kaya mo, tumulong. Iyon ang lagi niyang pangaral sa amin."

NOEL FERRER

Sa dami ng nagaganap sa bansa, sa pulitika man o sa showbiz na parehong ginagalawan ng mga Revilla, sila ang boses ng mga taga-industriya na nangangailangan ng tulong.

Sana, patuloy tayong ilapit ni Don Ramon sa Diyos para dumating na ang ipinapanalangin nating Divine Intervention sa ating mga pasakit, lalo na ngayong may COVID-19.

JERRY OLEA

Ngayon ang first monthsary ng pagpanaw ni Don Ramon.

Mananatiling buhay ang alaala ni Don Ramon bilang legendary action star and public servant.

Nawa’y maisapuso ng mga Pilipino ang mga pangaral ni Don Ramon—pagmamahal sa kapwa at sa bayan—lalo pa’t nasa gitna tayo ng pandemya.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla: “Dumudugo pa rin ang puso ko. Hindi ako makapaniwala na wala na talaga ang tatay ko. I have to move on. Ganun yata talaga, e. Kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka agad-agad nakaka-move on.”
PHOTO/S: Facebook / PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results