Aktor, di malayong bumalik sa dating raket kapag nagipit

by PEP Troika
Jul 28, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Hindi lang sa mga mahihirap o nawalan ng trabaho nararamdaman ang gutom, kundi maging sa ilang artista na ilang buwan nang walang trabaho.

Ang ilan sa kanila ay nagsimula nang magnegosyo at pinasok na ang farming, dahil mas kailangan ngayon ng mga tao ang pagkain.

Ang ilan ay sinasabing kapit na sa patalim at kung anu-ano na ang ibinebenta.

Ayon sa isang magaling na aktor, na nakilala sa kanyang sexy image, kung may taglay pa sana siyang kasariwaan, hindi malayong bumalik siya sa dating raket na pagbebenta ng laman.

Pero marami nang mas bata, guwapo, at willing din sa ganoong kalakaran kaya out na siya sa ganoong raket.

Mabuti at marami siyang trabaho dahil magaling siyang aktor, kaya nakakapag-ipon kahit paano.

Pero malapit nang masaid ang ipon ng aktor dahil medyo malaki ang kanyang pamilya.

Mahilig siya sa gadgets gaya ng bagong modelong cell phone, tablets, bluetooth speaker, at kung anik-anik pa.

Continue reading below ↓

Iniipon na niya ngayon ang ilang gamit at unti-unti niyang ibinebenta sa mga kaibigan at kakilala.

Napagtanto ng aktor na iilan na lang ang puwede niyang gamitin, at dapat nang idispatsa ang iba.

Marami siyang kaibigan at katsikahan kaya madaling nai-dispose ng aktor ang gadgets na hindi na niya gaanong kailangan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

NOEL FERRER

Talagang back-to-basics ang mga tao ngayon.

Hindi nakakagulat na yung savings natin ay nagagalaw na, lalo pa’t standstill ang trabaho ngayon.

Hindi kaya ma-in love pa rin ang ating kaibigang senior director sa fortysomething stud actor na ito?

Mayroon silang masayang nakaraan at, malamang, kapag tinanong natin si Direk, ang reaksiyon niya lang sa atin ay isang ismid o impit na ngiti.

JERRY OLEA

Panalo ang taray ni Directed By kapag inuurirat ang nakalipas nila ng barakong aktor na ikinalupasay ng kanyang puso sa kanilang paghihiwalay.

Wagas ang sakripisyo ni Directed By, na ang pagkalinga ay sadyang dalisay, kahit kulang sa dilig ang kanyang kanturay.

Continue reading below ↓

Madiskarte ang aktor sa buhay. Napagtapos niya ng pag-aaral ang panganay.

Marunong siyang makisama noong panahon ng hayahay, kaya andiyan pa ang mga sirena at kaibigan upang sa kanya ay umagapay.

MORE PEP TROIKA ARTICLES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results