Willie Revillame, hindi tinamaan ng COVID-19; may mensahe para kay Donita Nose

by PEP Troika
Jul 28, 2020
Wowowin host Willie Revillame to Donita Nose: "Marami namang nagmamahal at tumutulong sa 'yo. Magpagaling ka diyan."
PHOTO/S: Screengrab from Wowoin / @donitanose Instagram

GORGY RULA

Ipinakita ni Willie Revillame sa kanyang programang "Tutok to Win" ng Wowowin ang resulta ng rapid test niya.

Negative ang TV host sa COVID-19.

Pagkatapos nakumpirmang positibo ang comedian na si Donita Nose sa COVID-19, marami ang nagtanong kung nakapag-test na ba ang lahat ng bahagi ng Wowowin at baka may nahawa sa kanila.

Nitong Hulyo 28, Martes, nilinaw ni Wilie na July 10 pa lang ay hindi na pumasok sa Wowowin si Donita Nose.

Ang rapid test na isinagawa kina Willie at iba pang staff ng programa ay noong July 17 pa raw, at lumabas na nga ang resulta na negative siya at lahat ng mga kasamahan.

Nagparating din si Willie ng mensahe kay Donita, na noong July 24 ay nasa emergency room ng isang ospital dahil sa pneumonia.

"Marami namang nagmamahal at tumutulong sa 'yo. Magpagaling ka diyan," ani Willie.

Naalala rin ni Willie ang kaibigang si Michael V na nagpositibo sa COVID-19 kamakailan.

Continue reading below ↓

Dugtong ni Willie, "Sa lahat po na pinagdadaanan ito, huwag kayong mag-alala.

"Kapit lang kayo at kayo po ay lumaban diyan. Alam naman naming kayang-kaya ninyo iyan."

Ipinalabas ni Willie sa programa ang "Puso Para sa Bayan," isang video tribute para sa frontliners.

Huwag daw kalimutan na ipagdasal at suportahan ang frontliners, lalo na't patuloy ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 patients sa mga ospital.

"Buhay po ang kanilang binubuwis dito sa bawat minuto, segundo… ito po ang pinaglalaanan nila ng pagserbisyo sa sinumpaan nila para sa ating mga kababayan,” saad ni Willie.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Hay... Hindi pa rin uubra na feeling safe tayo sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.

More than 83,000 na ang COVID-19 cases sa bansa, at tinatayang aabot ito ng 140,000 by the end of August, according to U.P. studies. Saan pa tayo lulugar?!

I feel for people like Donita Nose and Bitoy (Michael V), at lalo na sa mga ordinaryong tao na binubuno ang sakit na hindi nila ginusto.

Parang ang klaro lang na mensahe sa taumbayan: hintay-hintay lang tayo sa vaccine, at good luck sa atin!!!

JERRY OLEA

Matira ang matibay! Halina, umawit tayo at sumayaw ng "Stayin’ Alive" at "I Will Survive."

Ang isang dating sexy actor na nagtatrabaho sa Saudi, tinamaan ng coronavirus. Nalampasan niya ito at sa araw na ito ay nakalabas na siya ng ospital.

Ang isang lovable personality ng showbiz, nag-positive sa rapid test. Sa Hulyo 31, Biyernes, pa lalabas ang resulta ng swab test, pero labis-labis na ang kanyang stress.

Continue reading below ↓

PHP3,500 kasi ang bayad sa kuwarto niya sa ospital. E, sa panahon ng pandemya, hindi sapat ang mga natanggap niyang ayuda.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wowowin host Willie Revillame to Donita Nose: "Marami namang nagmamahal at tumutulong sa 'yo. Magpagaling ka diyan."
PHOTO/S: Screengrab from Wowoin / @donitanose Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results