Pokwang, may game show rin sa TV5; Kristine, Danica, at Pauleen, magkakaroon ng talk show?

by PEP Troika
Jul 28, 2020
Bukod sa Rise and Shine, may hiwalay na TV shows sina Pokwang (leftmost)) at Pauleen Luna (second to the left) sa TV5. Under negotiation pa ang show kunsaan kasama ni Pauleen sina Kristine Hermosa (third) at Danica Sotto (fourth).
PHOTO/S: @itspokwang27 / @pauleenlunasotto / @osotto / @danicaspingris

GORGY RULA

Malapit nang magsimulang mag-taping sina Pokwang, Pauleen Luna, at Ria Atayde para sa bagong talk show ng TV5 na Rise and Shine.

Bukod dito, may isa pang programa sa TV5 si Pokwang—isang game show.

Hindi lang ang komedyana ang doble-doble ang gagawin sa network kundi baka pati na rin si Pauleen Luna.

May hiwalay na talk show si Pauleen sa TV5, pero iba ang format. Matagal na pala itong binubuong konsepto kung saan ang mga hosts ay Sotto girls—sina Pauleen, Kristine Hermosa-Sotto, at Danica Sotto-Pingris.

Ang tentative title daw ay Sotto Speak, pero hindi pa ito kumpirmado. Under negotiation pa ang show na maaaring sa TV5 din mapapanood.

Kung matutuloy ito, okay lang kay Pauleen ang isa pang talk show kung papayag ang istasyon. At least, magagamit na ang kadaldalan niya.

Basta maayos lang ang schedule ng taping, okay lang sa kanya, dahil hindi siya gaanong nagagamit ngayon sa Eat Bulaga.

Continue reading below ↓

Ang gusto lang niya ay may sapat pa rin siyang panahon sa pag-aalaga sa anak nila ni Vic Sotto na si Talitha.

NOEL FERRER

In fairness, interesting ang mga combination ng hosts sa talk shows ng TV5.

Ako mismo ay nakatanggap ng mga imbitasyon para sa talents ko na mag-guest sa Rise and Shine.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Maihahabol kaya ang new shows na ito sa launch ng bagong TV5 sa August? Parang nagsisimula pa rin lang sila ng taping.

Exciting!

JERRY OLEA

Kapana-panabik ang mga bagong programa na matutunghayan sa TV5 next month.

Nandiyan ang Bangon Talentadong Pinoy na iho-host ni Ryan Agoncillo.

Tapos na ang shoot ng BL series na My Extraordinary, tampok sina Darwin Yu, Enzo Santiago, Yayo Aguila, at Jojit Lorenzo. Walo ang episodes nito, at ito ang unang Pinoy BL series sa local TV.

Nakatakda sa Agosto 10 ang launch ng official poster ng My Extraordinary, at sa Agosto 15 ang launch ng official trailer. Pasok kaya sa Ghost Month (Agosto 19-Setyembre 16) ang pilot episode nito?

Continue reading below ↓

Teka! Babalik ba sa TV5 ang dati nilang prinsesa na si Alex Gonzaga? At isama pa niya ang ate niyang si Toni Gonzaga?

Aba! Sa August 19, aariba si Alex sa Netflix Original movie niya with Xian Lim na Love The Way U Lie. At may official entry pa sila ni Toni sa Metro Manila Film Festival 2020.

Kung si Paolo Contis ang Pandemic Superstar, si Alex Gonzaga ba ang Pandemic Megastar?!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa Rise and Shine, may hiwalay na TV shows sina Pokwang (leftmost)) at Pauleen Luna (second to the left) sa TV5. Under negotiation pa ang show kunsaan kasama ni Pauleen sina Kristine Hermosa (third) at Danica Sotto (fourth).
PHOTO/S: @itspokwang27 / @pauleenlunasotto / @osotto / @danicaspingris
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results