John Regala, naglabas ng himutok tungkol sa pamilya at mga kamag-anak

by PEP Troika
Jul 29, 2020
John Regala: "Ganun pala ang buhay, pag wala ka nang pera, kahit may mabuti kang nagawa, wala na rin silang paggalang sa tao."

GORGY RULA

Iyak nang iyak si John Regala nang nakapanayam namin sa DZRH nitong Martes ng gabi, Hulyo 28.

Ito ay dahil sa patuloy na pagdating ng suporta sa kanya matapos kumalat sa social media ang kuwento tungkol sa pagtulong sa kanya ng isang Grab driver.

Ayon sa Grab driver, na nakausap ng Cabinet Files, humingi ng tulong sa kanya si John dahil nahilo ang aktor habang may hinihintay na tao sa may Pasay City noong Lunes, Juy 27.

Continue reading below ↓

Nagpapasalamat si John sa Diyos na hindi siya pinabayaan ng mga kaibigan at mga katrabaho sa entertainment industry, lalo na ngayong wala na raw siyang maasahan sa kanyang pamilya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ayon sa aktor, magmula nang hiniwalayan siya ng kanyang asawa, hindi na rin daw siya pinapansin ng mga anak niya.

“Ganun pala ang buhay, pag wala ka nang pera, kahit may mabuti kang nagawa, wala na rin silang paggalang sa tao,” himutok ni John.

“Yung mga anak ko sa puso, medyo nakalimot na dahil may kanya-kanyang buhay na.

"May sarili nang pinagkakakitaan, matigas na ang buto, hindi na nakakaalala sa kanilang ama. Hindi man lang nila ako maipagmaneho."

Umiiyak pang sabi ni John, “Wala na rin akong kamag-anak. Magmula nung mamatay yung nanay ko, itinakwil na rin ako ng mga kamag-anak ko. Dahil wala na silang mapapala sa akin.”

Pumanaw ang ina ni John na si Ruby Regala noong January 2020.

Continue reading below ↓

Mabuti raw at may taga-Iglesia ni Cristo na kumupkop sa aktor ngayon, dahil ayaw niyang magpa-confine sa hospital. May liver cirrhosis si John.

“Hindi ako nagpapa-hospital, alam mo naman, may COVID, di ba?

“Takot din ako sa COVID. Ayoko namang mamatay sa COVID.

"Gusto ko, mamatay naman ako sa…" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

Umaasa si John na gumaling siya dahil gusto niyang makabalik sa pagtatrabaho bilang artista.

“Gusto ko makabalik, yung makapaghanapbuhay.

“Hindi ako sanay na nanghihingi. Nakakahiya yung manghihingi ka.

“Sanay akong tumulong noon. E, ngayon, ang gusto ko, maghanapbuhay.

“Itong nalalabing buhay ko na gugugulin ko na lang sa paglilingkod sa Diyos, unang-una, at sa paghahanapbuhay para may magamit naman ako sa Iglesia at sa aking sarili.

“Sa ngayon mamahalin ko na ang aking sarili,” patuloy na pahayag ng 55-year-old actor.

NOEL FERRER

Ilan sa mga unang tumulong kay John Regala noong nagkasakit siya ay si dating President Joseph Estrada at si Rez Cortez.

Continue reading below ↓

Nangako naman ngayon sina Senator Bong Revilla Jr. at Vic Sotto na magpapadala ng tulong.

Iyan naman ang maganda sa ating industriya, nagtutulungan sa panahon ng kagipitan at pangangailangan.

JERRY OLEA

Umaksyon sina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, at Manay Aster Amoyo nang mabalitaan ang kahambal-hambal na kalagayan ni John.

Hinanap din ni Dranreb Belleza ang beteranong aktor. Maging si Raffy Tulfo, nagpaabot ng tulong.

Marami ang nagmamalasakit kay John, at dalangin nating makabangon siya sa pagsubok na ito sa buhay.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
John Regala, hardcore fans
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Regala: "Ganun pala ang buhay, pag wala ka nang pera, kahit may mabuti kang nagawa, wala na rin silang paggalang sa tao."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results