Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Eat Bulaga, 41 years na; magbibigay ng scholarships sa future medical frontliners

by PEP Troika
4 days ago
Joey de Leon on 41st anniversary of Kapuso noontime show Eat Bulaga: “Akala namin, nagawa na namin lahat. Meron pa palang first, ito yung first sa new normal. Patawarin Niyo po kami, Diyos ko. Nauna pa kami sa Second Coming, ehehehe!"
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!

GORGY RULA

Kakaiba ang selebrasyon ng ika-41 anibersaryo ng Eat Bulaga! ngayong Hulyo 30, Huwebes.

Sa opening ay may VTR kung saan nagpasa-pasahan ng pagkain ang mga host at staff ng show, at mga Dabarkads mula Batanes hanggang Jolo at pati sa iba’t ibang bansa sa Amerika, Europe, Asia, at Middle East.

Sabi ni Joey de Leon, ito ang unang taong selebrasyon nila pagkatapos ng 40 taong pamamayagpag ng Kapuso noontime show.


Continue reading below ↓

“Akala namin, nagawa na namin lahat. Meron pa palang first, ito yung first sa new normal.

"Patawarin Niyo po kami, Diyos ko. Nauna pa kami sa Second Coming, ehehehe!

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Di bale, mga kaibigan, anniversary natin sa new normal, parang Book Two natin ng Eat Bulaga.

"At least, kahit naka-video call, nagkikita-kita tayo. Ang mahalaga ay napapanatili nating malakas at malusog ang ating pangangatawan.

"Mabuhay ang Eat Bulaga, Book Two na!” pahayag ni Tito Joey.

Sabi naman ni Senator Tito Sotto, “Kung hindi ninyo naitatanong, July 30 is the International Day of Friendship, according to United Nations.

“Pero dito sa atin, araw ng mga Dabarkads, araw para magpasalamat.

"Kasama natin ang mga Dabarkads all over the world. Meron sa UK, France, Italy, Singapore, Japan, UAE, Oman, America.

"Dito naman sa Pilipinas, mula Batanes hanggang Jolo, nakisalo."


Continue reading below ↓

Nagpasalamat si Vic Sotto sa lahat ng nakisaya sa Eat Bulaga ng 41 years.

Sabi ni Bossing Vic, “Iba ang panahon nating ngayon, sinusubok tayo. Pero challenge accepted.

“Sasabayan natin ang mga Dabarkads sa buong mundo sa pagharap sa new normal na may kasamang tuwa, saya, pag-asa, at panalangin.”


Continue reading below ↓

At magkakasabay-sabay silang nanalangin, nagpasalamat, at humiling ng awa sa Diyos na malagpasan itong pinagdadaanan ng buong mundo.

Bahagi ng kanilang panalangin sa pangunguna ni Joey:

“Lahat kaming nangangailangan ng awa Ninyo...

"Sa gitna ng mga pagsubok na ito, amin pa ring matagpuan ang kapayapaan, lakas ng loob, pagkakaisa, at pagmamahal sa aming puso.

“Ito po ay aming hinihiling sa Inyo, para sa aming mga pamilya, buong mag-anak, sa buong bansa at sa buong mundo. Amen.”


Continue reading below ↓

Sa segment nilang "Bawal Judgmental," naglaro ang dati nilang Dabarkad na si Julia Clarete.

Pero first question pa lang, tatlo na ang mali niya. Nagwagi siya ng P30,000 na paghahatian nila ng kanyang home partner.


NOEL FERRER

Sa katunayan, puwede nang mag-qualify sa Guinness Book of World Records ang Eat Bulaga! bilang may pinakamaraming broadcast days na programang pantelebisyon.

Continue reading below ↓

Nalagpasan na nito ang maraming sakuna, delubyo, galawang politikal, at iba pang mga krisis ng bayan. At ngayon, kahit na pandaigdigang pandemya.

Sabi nga nila, "Basta may bata, may Eat Bulaga."

At basta may Pilipino na umaasa sa mabuti at masayang buhay, nandyan ang Eat Bulaga!

Happy 41st anniversary, EB! Mahal natin ang mga bumubuo niyan!

JERRY OLEA

Sa New Normal, priority ng EBest (Eat Bulaga’s Excellent Students) scholarship ang mga susunod na medical frontliners.

“Sa gitna ng pandemyang ating hinaharap, nakita natin na ang isang mahalagang pangangailangan ng bansa ngayon... kaya minabuti naming unahin munang tugunan ang pangangailangang ito,” lahad ni Bossing Vic bago matapos ng 41st anniversary celebration ng Eat Bulaga! this Thursday afternoon.

“Ngayong New Normal, ang EBest scholars na aming sasamahang itawid ang pag-aaral ay ang mga nangangarap maging doktor at nars, na nasa huling hakbang na bago sila maging ganap na frontliners.

“Kumbaga, sila yung mga board exam na lang, e, pwede nang mag-practice. Kumbaga, ilang tumbling na lang, pwede nang manggamot sa mga hospital at sa mga kani-kanilang barangay at baryo.

Continue reading below ↓

“Sila ang makakatulong ng mga doktor natin ngayon para bantayan ang kalusugan ng mga Dabarkads sa bansa, hanggang sa panahong malampasan na natin ang pandemyang ito.

“Nakita kasi natin na marami pa sa kanila ang nahihirapan sa pag-aaral. Yung kunwari, bayad sa review center, panggastos pang-araw-araw, mga baon. At yung bayad pa sa board exam.”

Na-inspire ang Eat Bulaga! sa kuwento ni Joeffrey Solin-ay Mambucon aka Otit, na nakasama nila sa July 14 edition ng "Bawal Judgmental."

Siya ang unang member ng tribung Tigwahanon-Manobo sa Bukidnon na nakapagtapos ng kursong Medisina.

“Pinaiyak tayo nitong si Otit, e!” bulalas pa ni Bossing.

Nasa studio si Otit, na nagsabing masaya siya dahil maraming na-inspire sa mga istorya nilang cultural minorities.

Emosyonal na saad ni Otit, “Parang...hindi po ‘yon mababayaran po ng pera, Bossing.

"Hindi po mababayaran ng kahit ano yung pagtangkilik sa kuwento ko, at sa kuwento naming lahat na nabigyan po kami ng importansiya, kaming mga tribo, na hindi kami dapat maliitin dahil may ibubuga rin po kami.”

Continue reading below ↓


Magpo-post graduate internship for one year si Otit, at kapagkuwan ay magte-take ng board exam sa Setyembre 2021.

Lubos ang pasasalamat ni Otit sa Eat Bulaga.

Pahayag ni Bossing Vic, “Na-inspire kami sa kuwento mo. Kaya naman...kami ay naniniwala sa hangarin mong makapaglingkod sa mga dabarkads at maging next frontliner.

Continue reading below ↓

“At dahil diyan, ikaw, Otit... ang kauna-unahang New Normal EBest scholar!”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey de Leon on 41st anniversary of Kapuso noontime show Eat Bulaga: “Akala namin, nagawa na namin lahat. Meron pa palang first, ito yung first sa new normal. Patawarin Niyo po kami, Diyos ko. Nauna pa kami sa Second Coming, ehehehe!"
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results