Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Kapamilya, Kapatid, at Kapuso shows tuloy ang ratsada ngayong new normal

by PEP Troika
4 days ago

JERRY OLEA

At this writing ay wala pa tayong balita kung kailan ang grand launch ng Vice Ganda Network.

Dapat ay noong nakaraang Biyernes, Hulyo 24, ang paglulunsad ng network ni Vice. Pero dahil sa online traffic, nag-crash ang website na nakatakdang mamudmod ng P100,000 nang gabing iyon.

Simula Agosto 1, Sabado, raratsada araw-araw ang Kapamilya Online shows sa YouTube channel na ABSCBN Entertainment, at Facebook page na ABSCBN News.

Continue reading below ↓

Nagbabadya naman ang bagong entertainment programs ng TV5.

Kabilang dito ang talk show ni Kris Aquino na Love Life With Kris; fitness show ni Jessy Mendiola na Fit For Life; reality show na Bangon Talentadong Pinoy na ihu-host ni Ryan Agoncillo...

Morning show na Rise and Shine nina Pokwang, Pauleen Luna, at Ria Atayde; ang Pinoy BL series na My Extraordinary, among others.

Continue reading below ↓
Recommended Videos


Continue reading below ↓

Siyempre, hindi magpakakabog ang GMA 7, lalo pa’t mabenta ang GMA Affordabox.

Namamayagpag pa rin ang Eat Bulaga, na nagdiwang ng ika-41 anibersaryo; Wowowin: Tutok To Win, na tuluy-tuloy ang pamimigay ng biyaya; at ang newscast na 24 Oras.

Sa katapusan ng buwan, Hulyo 31, Biyernes... beauty and brains ang magtatagisan sa word guessing game na Quiz Beh — 3:00 PM sa Facebook page ng GMA Network, at YouTube channel ng GMA Artist Center.


Continue reading below ↓

Magkakampi sina Miss World Philippines 2019 Michelle Dee at Miss World Philippines 2018 First Princess Chanel Morales laban kina Miss Eco International 2018 Thia Tomalia at Miss Multinational 2017 Sophia Senoron.

Ang host ay si Betong Sumaya.

Magpapakilig naman sina Janine Gutierrez, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, at Dianne Medina sa Kapuso ArtisTambayan ngayong Biyernes ng 6:00 P.M., sa FB page ng GMA Network.

Sa Agosto 2, Linggo, bagong episode na ang mapapanood sa environmental and wildlife Kapuso program na Born To Be Wild, kasama sina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato.


Continue reading below ↓

Nitong July 30, Thursday night, nag-tweet ang GMA Artist Center na magkasama sa set ng isang Kapuso show sina Katrina Halili at Luis Hontiveros. Anong palabas kaya iyon?

NOEL FERRER

Nakaka-touch ang gesture ni Vice Ganda at producers nitong ia-absorb ang ibang retrenched workers ng ABS-CBN sa kanyang bagong network/programs.

Continue reading below ↓

Sa panahon ngayon, marami na ang nag-apply ng work sa blocktimers ng TV5. Open din ang network sa pitches ng producers.

At least, may mga bagong trabaho silang io-offer sa mga tao.

Kumusta naman ang GMA-7? At least, may Facebook and YouTube shows.

Pero ang tanong ng ilang nagtatrabaho sa network, kailan kaya magkakaroon ng pambayad sa cash advance ng network kung limitado pa ang trabaho at kakaunti pa lang ang naibabalik na bagong episodes sa programming?

GORGY RULA

Sa mga natigil na Kapuso drama series, so far, ang Bilangin ang Bituin sa Langit ang talagang naghahanda na sa kanilang pagbabalik-taping.


Continue reading below ↓

Sabi ng direktor ng teleserye na si Laurice Guillen, halos araw-araw ay nagsu-Zoom meeting sila para ayusin ang script sa taping.

Pahayag ni Direk Laurice nang nakapanayam namin sa DZRH noong Miyerkules, July 29 ng gabi, “Linggu-linggo, nagmi-meet kami on the script. Kasi, usapan namin, once we resume, tuluy-tuloy iyan.

“Kailangan yung script, magmula doon sa kung saan kami tumigil hanggang sa huli, kailangang kumpleto lahat yun.

“Pinag-aaralang mabuti, kasi once we resume work, naka-lock in kami sa isang location.

"Yung aming tinitirhan, iisang lugar lang yun. Wala nang lipat-lipat. May sistema lahat yun."

Pinag-aralan na rin nila ang safety guidelines na inihanda ng GMA-7.

Ayon kay Direk Laurice, "Yung GMA kasi, naglabas na rin ng sarili nilang safety guidelines and protocols para matupad yun.

"Kailangan, hindi basta-basta yung… taping ngayon, tapos hindi pa pala tapos ang script.

“Kailangang tapusin ang requirements. Nandun lahat ng cast, etcetera. So, malaking operations.

Continue reading below ↓

“Kailangang hindi magkamali, first of all, because of safety, and because of expense. Dahil mukhang magkakaroon ng 30-percent increase of budget because of the safety protocols.

"Sisikapin nilang walang magkakasakit sa loob ng taping para hindi sila matigil. Kaya kailangang sundin ang mga ipapatupad na guidelines.

“There is going to be a safety officer who will make sure that the protocols and guidelines will be followed to the letter. Walang uwian iyun,” dagdag niyang pahayag.

JERRY OLEA

Record high ang 3,954 bagong COVID-19 cases na iniulat ng DOH ngayong Thursday night—maging ang 38,075 new recoveries.

Ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 89,374. Bale 1,983 na ang pumanaw, at 65,064 ang naka-recover.


Continue reading below ↓

Kaya nakakatakot pa ring mag-taping ang mga teleserye, lalo pa’t mga kabataan ang bida sa Prima Donnas.

Makabuluhan ang mga bagong show ng GMA News TV na bumubuo sa New Normal: The Survival Guide. Napapanood ang mga ito gabi-gabi pagkatapos ng simulcast ng 24 Oras.

Seryoso man ang topic ni Mareng Winnie sa Newsmakers kapag Lunes, binabawi niya ito sa aliw segment niyang “Tita Winnie Tries.”

Kapag Tuesday, light pero minsa’y may kurot sa puso ang hatid ni Kara David sa Bright Side.

Kahit kuwela ang atake ni Susan Enriquez sa Pera Paraan kung Wednesday night, seryosong usapan ang paghawak ng pera these days.

Makaka-relate kina Tonipet Gaba at Rovilson Fernandez, tuwing Thursday sa Home Work, ang viewers trying to run households on their own,

At may katuwang ang parents sa "new normal" dahil sa Family Time ni Drew Arellano every Friday.


Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results