Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Nadia at Aster, nagbukas ng bank account para sa mga donasyon kay John Regala

by PEP Troika
3 days ago
Binisita nina Nadia Montenegro, Aster Amoyo, at FDCP Chairperson Liza Diño ang aktor na si John Regala sa tinutuluyan nitong pasilidad kahapon, July 30.
PHOTO/S: Chuckie Dreyfus Facebook / Liza Dino Facebook

GORGY RULA

Tuluy-tuloy ang tulong na dumarating sa aktor na si John Regala.

Ito ang dahilan kaya tinitiyak ng ilang malalapit niyang kaibigan na mapunta sa kanyang pagpapagamot ang dumarating na financial assistance.

Noong Huwebes, July 30, inayos ng aktres na si Nadia Montenegro at ng showbiz columnist/talent manager na si Aster Amoyo ang bank account ni John.

Hirap nang maglakad ang aktor at hindi na raw niya kayang pumunta sa bangko para sa bank transactions.

Sa mga gusto pang magpadala ng tulong, puwede itong ideposito sa binuksan nilang account sa BDO: 002030228830.

Joint account ito nina Tita Aster at Nadia. Si Nadia ang may hawak ng passbook, pati ang breakdown ng donations.

Bahagi ng text ni Tita Aster sa PEP Troika, “Nag-joint account na para lang may check and balance.

“Yung ibang tutulong, paki-provide yung BDO account number para mahawakang mabuti yung pera ni John.

“Hirap siyang maglakad para pumunta sa bank at baka pagkainteresan ng pamilya, although hiwalay na sila ng wife niya.

Continue reading below ↓

"Mag-isa lang ngayon si John at walang kasama sa bahay.

“Hinahanapan namin ng male alalay na marunong sanang mag-drive para may kasama siya sa bahay.”

Hindi pa ganoon ka-okay ang kalagayan ng aktor.

Hindi niya kayang kumain ng solid food dahil isinusuka niya, kaya kailangan siyang i-IV fluid nang twice o thrice a week.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“May nakuha na kaming doctor na gagawa nito plus check-ups on minimal fee.

“Lahat kasi na kinakain niya ay sinusuka niya na may kasamang dugo,” dagdag na text sa akin ni Tita Aster.

May ilang pulitiko nang nagparating ng tulong, pati ang mga artista at producers na nakatrabaho ni John.

Bukod kina Nadia at Tita Aster, tumutulong din kay John sina Chuckie Dreyfus, Dranreb Belleza, Azenith Briones, at Liza Diño.

JERRY OLEA

Ipinost nina Chuckie Dreyfus, Dranreb Belleza, at Manay Aster Amoyo ang update kay John Regala sa kani-kanilang Facebook account nitong Hulyo 30, Huwebes ng gabi:

Continue reading below ↓

“According to Dra. Melissa Sinchongco who did a preliminary checkup on John yesterday afternoon, John cannot eat anything due to swelling of his spleen and liver. He has been vomiting all solid food and has not eaten anything for 2 weeks already.

“He will undergo pain management and hydration via IV starting tomorrow (July 31, 2020).

“John also needs to have his blood, liver function, and creatinine levels tested first before anything else can be administered to him apart from IV.

“We ask for your continued prayers of healing and restoration.”

Sa mga magdo-donate sa BDO bank account na binuksan nina NADINE MARIE INEZ M. PLA (Nadia) at ASTERIA A. AMOYO (Manay Aster), magpadala kayo ng kopya ng deposit slip kay Manay Aster o Nadia via Private Message (PM) upang maayos ang accounting sa donasyon.

Si Dranreb Belleza ang kumontak kay Liza Diño-Seguerra ng FDCP upang tulungan si John.

Nagkita-kita sina Nadia, Manay Aster, at Liza sa pagbisita sa beteranong character actor.

Continue reading below ↓

Bahagi ng FB post ni Chair Liza, “It's so incredible to see industry people come together to help one another in times like these.

“Kahit may kanya-kanyang priorities, basta sa panahon ng krisis, nandyan tayo para sa isa't isa...

“There was an outpour of support coming from fellow actors in the industry to make sure he is well taken care of. Being a witness to all these, I can't help but say to myself, ‘there's hope.’

“This experience has been truly humbling. I'm almost four years in as head of FDCP, and since day one, we never stopped working to serve the film industry and the country.

“But while the agency has done so much as it is, it's still not enough.

“Ang dami pa ring kailangang gawin at sistema na dapat iimplement para matulungan ang LAHAT ng sector at workers.

“Ang daming kailangan ayusin. Sanay pa rin ang lahat sa kanya-kanya at paghihilahan pababa.

Continue reading below ↓

“Despite the divisiveness, I hope we can find common ground so we can work together.

“The film industry is an ecosystem, and we need all the sectors working together to thrive.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binisita nina Nadia Montenegro, Aster Amoyo, at FDCP Chairperson Liza Diño ang aktor na si John Regala sa tinutuluyan nitong pasilidad kahapon, July 30.
PHOTO/S: Chuckie Dreyfus Facebook / Liza Dino Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results