Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Si Kris Aquino pa rin ba ang may hawak ng titulong Queen of All Media?

by PEP Troika
3 days ago
Bakit Love Life With Kris ang title ng show ni Kris Aquino? Sagot ng nagbabalik na TV host, “Gusto ko. I love life! I’m so grateful to be alive! And sinabi ko nga, let’s not limit God, di ba? Malay natin, baka mabiyayaan pa ng true na love life!”
PHOTO/S: Screen grab from Cornerstone

JERRY OLEA

“Hindi na po ako atribida ngayon.”

Sabi iyan ni Kris Aquino sa video interview na ni-release ng management team niyang Cornerstone Entertainment, Inc., nitong Hulyo 31, Biyernes, nang usisain kung ano ang timeslot ng talk show niyang Love Life With Kris (LLWK) sa TV5.

Ipinaubaya niya raw sa TV5 ang pag-a-announce ng timeslot.

Teka! Kaya na ba uli ng katawan niya ang buhay-production/studio?

Napangiti si Kris, “Where there’s a will, there’s a way. Kakayanin.”

Physically, mentally, and emotionally ready na siyang sumabak muli sa TV work?

“Even if Cornerstone is my management, the schedule master is Bimb!” natawang sambit ni Kris, na ang tinutukoy ay ang bunsong si Bimby.

“Kasi, naka-speaker phone na nag-uusap si Alvin at si Tin ng schedule, at ipinaalala ni Bimb yung mga binilin ng doktor.

“Na for any x amount of days na nagtatrabaho, may x amount of days na kailangang magpahinga ang mama niya."

Ang Alvin na binanggit ay si Alvin Gagui, ang long-time chief of staff ni Kris; ang Tin ay si Tin Calawod, handler ni Kris mula Cornerstone.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni Kris, “So, everything was taken into consideration. But Bimb also said that he knows that this is what will make me happy and this is what...

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“He said, I was born for this. And so he wants me to also be inspired to be at my healthiest.

“So... and of course, sinabi niya na he’s excited for the income! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Anu-ano ang layunin ng LLWK, na nakakumbinsi sa kanyang magbalik-TV?

“Marami tayong dinadaanan bilang bansa, at ayokong dumagdag sa problema ninyo. Gusto ko kayong bigyan ng pag-asa,” matamang lahad ni Kris.

“Siguro, ako yung living proof of that. Hindi ako sumuko. At eto na ‘yon.

"So, kahit papaano, kahit konti man lang sana, pag napapanood ninyo ako, maiisip ninyo... na dapat hindi rin kayo sumuko.”

Bakit Love Life With Kris ang title ng show?

“Gusto ko,” paghagikgik ni Kris.

“I love life! I’m so grateful to be alive! And sinabi ko nga, let’s not limit God, di ba? Malay natin, baka mabiyayaan pa ng true na love life!”

Continue reading below ↓

Queen of All Media pa rin ba ang title na pinanghahawakan niya?

Napabuntong-hininga si Kris, na tila tanggap na wala na sa kanya ang titulo.

Aniya, “I don’t need the title because I already know who I am.

"But ang kaya kong ibigay sa kanila... I think, I’ve grown a lot wiser.

“I know na... nakita ko kasi, e, in the two and a half months na kami lang ang nasa Puerto Galera, nakita ko kung... with my own eyes, and with our own experience... how important it is na every family is assured na hindi sila mauubusan ng pagkakakitaan, ng pag-asa.

“The very basics of life.

"So, there’s a part of me na ayokong ma-feel ito ng mga tao, na nanonood sila ng Sunday Mass, or Sunday worship.

“Because your relationship with your God—I’m not going to force mine with you, but I’m going to show you, na kaya siguro nabibiyayaan ako, dahil kailangang maibahagi ko ang blessings na ‘yon with all of you.

Continue reading below ↓

“So, this time around, the tiding that I will do, will be done through this show. But I also want you to hear opinions, not just coming from me.

“Kasi, minsan, nagsasawa na rin ako sa boses ko. So, gusto ko, merong mga matapang na makakatapat ako, na kaya rin akong barahin.”

GORGY RULA

Sa mahabang panahong hindi natin napapanood si Kris, panahon na rin siguro para makabalik siya sa isang talk show dahil teritoryo niya iyan.

Marami siyang natutunan sa mga pinagdaanan niya. Sa dami ng mga librong nabasa niya at mga K-drama na napanood, marami siyang maibahagi sa televiewers.

Ang curious lang ako, mabenta pa rin kaya siya ngayon sa advertisers? May babalik kayang produktong dati niyang ini-endorse?

Walang duda na marami pa rin siyang fans na todo pa rin ang suporta sa kanya. Pero dito magkakaalaman kung dadagsain ng ads ang kanyang programa.

JERRY OLEA

Mapapanood ang Love Life With Kris umpisa Agosto 15, Sabado, 5:00-6:00 P.M., sa TV5.

Continue reading below ↓

May digital episodes ang LLWK sa official Facebook nito four times a week. Kaya bale limang (5) fresh episodes ng LLWK ang mapapanood kada linggo.

Creative head ng programa si Kris. Mas may creative control siya sa laman ng palabas.

Ani Kris, “I gave a lot of input kung sa ano ang mangyayari sa Love Life With Kris. So, i-double meaning na ninyo iyong ‘Love Life.’”

Ayaw sabihin ni Kris kung sinu-sino ang gusto niyang mainterbyu sa LLWK dahil baka unahan siya ng iba.

Ano ang maaasahan sa LLWK?

“Fun. I want you to have fun.

"I want you to have that moment na lahat ng mga nagba-burden sa inyo, if at least for only that moment while you’re watching me, you feel you have a friend."

Mag-a-adjust pa ba si Kris sa pag-host muli ng talk show sa TV?

“Sa bahay namin kasi, parang every day, nagto-talk show kami ni Bimb, so there’s no adjustment at all!” natatawang sambit ni Kris.

Continue reading below ↓

“And doon na lang sa... meron kami kasing thread ng mga kapatid ko, sinabi raw nila na why is it not possible for me to just answer with a yes or no.

“Bakit parating ang haba ng opinion ko? So, there’s no adjustment.”

Ayaw raw ni Kris na maging copycat ng mga talk show na umaariba sa Amerika.

Paliwanag niya, “So, I’ve been watching a lot of Ellen. I’ve been watching a lot of Kelly Clarkson. I’ve been watching a lot of Kelly and Ryan.

“Parang... I don’t want people to feel na, ‘Nanood lang iyan ng YouTube at ito na ang ginawa.’

“So, para rin hindi ako masyadong kabahan, wala akong ginawa kundi manood ng K-drama.

“And ayoko rin naman na ma-feel nilang, ‘Ano bang mga pinag-uusapan nitong babaeng ‘to?!’

“Kasi, for the longest time, ang mga ano ko talaga is... I’ve been so into the world of world politics.

Continue reading below ↓

"So, sinabi ko, ‘Stop ka muna diyan. Kailangan, ready ako to discuss.’

“So, yun. Normally in two to three days, natatapos ko [ang panonood ng isang season ng isang K-drama].

"Katatapos ko nga lang ng ano... Money Flower. “May bago na akong crush!”

Bida sa Money Flower (2017) sina Jang Hyuk at Park Se Young.

NOEL FERRER

Welcome back, Kris, sa mundo ng telebisyon! At aabangan natin ang kanyang pilot episode.

Sino kaya ang pwede niyang pilot-episode guest na may premium din, at katulad niya ay maaaring magdala ng maraming commercials sa very first telecast at mataas ang public interest as a pilot episode guest?

I’d venture on a guess—possibly, since pareho silang Cornerstone artist—it would be good to see Kris interviewing our Miss Universe 2018 Catriona Gray... in a no-holds-barred, tell-all interview.

With Catriona also a top endorser now, at medyo hindi pa siya nakakausap tungkol sa issue ng ex niya na naging laman ng mga balita, she would make a good pilot guest, don’t you think?

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bakit Love Life With Kris ang title ng show ni Kris Aquino? Sagot ng nagbabalik na TV host, “Gusto ko. I love life! I’m so grateful to be alive! And sinabi ko nga, let’s not limit God, di ba? Malay natin, baka mabiyayaan pa ng true na love life!”
PHOTO/S: Screen grab from Cornerstone
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results