ABS-CBN shows, mapapanood sa Kapamilya Online Live; 5,000 ABS-CBN employees, na-retrench

by PEP Troika
Jul 31, 2020
Ang programming ng Kapamilya Online Live ay parang kombinasyon ng Kapamilya Channel at Jeepney TV. Ibig sabihin, may bago at lumang mga palabas ng ABS-CBN na masusubaybayan dito.
PHOTO/S: ABS-CBN

JERRY OLEA

Mahigit 5,000 empleyado ng ABS-CBN ang agad na-retrench matapos ipagkait ng Kongreso ang bagong prangkisa nito noong Hulyo 10.

"Sa December ang second wave ng retrenchment," malungkot na pahayag ng source ng PEP Troika nitong Hulyo 31, Biyernes.

Ganoon pa man, hindi tuluyang mawawala ang ABS-CBN. Para itong phoenix na muling mabubuhay sa online world kung saan hindi kailangan ang prangkisa.

Magsisimula ang Kapamilya Online Live ngayong Agosto 1, Sabado, sa online platforms—sa YouTube channel na ABS-CBN Entertainment at Facebook page na ABSCBN News.

Araw-araw ang livestream. Libre ito at walang subscription fee.

Ang programming ng Kapamilya Online Live ay parang kombinasyon ng Kapamilya Channel at Jeepney TV. Ibig sabihin, may bago at lumang mga palabas ng ABS-CBN na masusubaybayan dito.

Sa YouTube, ang streaming ng Kapamilya Online Live ay simula 7:40 a.m. at tatagal hanggang 10 p.m.

Sa Facebook, mapapanood ng viewers ang mga paborito nilang programa sa regular timeslots—with scheduled breaks between timeblocks.

Continue reading below ↓

Exclusive sa Pilipinas ang livestream sa YouTube at Facebook ng mga nasabing palabas.

Kung SABADO, naka-line up sa umaga ang Halik at It’s Showtime.

Panghapon ang Wansapanataym Presents at I Feel U.

Panggabi ang Paano Kita Mapasasalamatan ni Judy Ann Santos-Agoncillo, at ang It’s Showtime sa primetime slot.

Continue reading below ↓

Kung LINGGO, hatid ng Kapamilya Online Live ang Pangako Sa ‘Yo, ASAP Natin ‘To, Ipaglaban Mo, Iba ‘Yan ni Angel Locsin, at replay ng Be Careful With My Heart.

Kung WEEKDAYS (Lunes hanggang Biyernes), nasa morning block ang Magandang Buhay, Magpahanggang Wakas, at Maalala Mo Kaya.

Pantanghali ang It’s Showtime, at nasa afternoon block ang Love Thy Woman at replay ng The General’s Daughter.

Continue reading below ↓

Sa prime time, ire-replay muna ng Kapamilya Online Live ang first three weeks ng FPJ’s Ang Probinsyano episodes na ipinalabas sa Kapamilya Channel (cable at satellite TV). Sa ikaapat na linggo, bagong episodes na ang ipalalabas.

Ang iba pang evening shows sa Kapamilya Online Live ay replay ng mga teleseryeng 100 Days to Heaven, Forevermore, at Los Bastardos. Siyempre, kasama ang ongoing primetime series na A Soldier’s Heart.

Kapag nakasalang ang TV Patrol at The World Tonight, ire-redirect ang viewers sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN News.

GORGY RULA

Nakausap ko ang isang Kapamilya artist na may sariling show sa ABS-CBN. Nalulungkot siya sa nangyari sa production staff na kasama sa kanyang show.

Ang pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang isa-isang pagtawag sa production staff para kumustahin—mula sa production manager at executive producer, hanggang sa production assistant at utility.

Tinatanong niya isa-isa kung ano ang kailangan, at kahit paano ay may naibibigay siyang tulong.

Continue reading below ↓

Nagpapasalamat ang Kapamilya artist na okay pa siya at marami pa siyang pinagkakaabalahan kaya may sapat siyang naibibigay na tulong sa dating mga nakatrabaho.

Sa ngayon ay tulung-tulong na lang muna na malagpasan nila ito.

Inaasahang makakakita sila ng bagong trabaho lalo na’t maraming shows na sisimulan sa TV5.

NOEL FERRER

Nakakaawa talaga ang mga taga-ABS-CBN na nawalan ng trabaho.

Ang iba sa kanila, may mga produkto nang tinitinda at, parang kooperatiba, nagsusuportahan ang mga magkakapamilya.

Iba-iba rin ang estado ng mga artista. May ibang makakalipat. May ibang naghahanap ng ibang industriya, tulad ng real estate at property selling.

At this point, hindi long term ang kunsiderasyon nila. Hindi career, kundi survival muna.

Ang punto ng marami kong nakausap, lampasan muna natin ang COVID-19.

Umabot na sa 93,354 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Kailangang pag-ingatan natin ang ating buhay at kabuhayan sa panahon na patuloy ang paglaganap ng pandemya.

Continue reading below ↓

At hindi iyan natatamo sa joke-joke!!!

HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang programming ng Kapamilya Online Live ay parang kombinasyon ng Kapamilya Channel at Jeepney TV. Ibig sabihin, may bago at lumang mga palabas ng ABS-CBN na masusubaybayan dito.
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results