Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Mas "humble" na nga ba si Kris Aquino?

by PEP Troika
2 days ago
After roughly seven months of negotiations, matutuloy na ang Love Life with Kris, ang comeback ni Kris Aquino sa telebisyon na ipapalabas sa TV5.
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Gustong makatambal ni Kris Aquino si Piolo Pascual sa isang pelikula na siya mismo ang magpoprodyus at magsusulat ng script.

Ibinunyag ito ni Kris sa video interview na ini-release ng management team niyang Cornerstone Entertaiment, Inc., nitong Agosto 1, 2020, Sabado ng umaga.

“The reason I’m with Cornerstone is because I still have one dream left,” matamang pahayag ni Kris.

“I want to produce a horror movie kasi, naudlot iyon.”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang (K)AMPON project na pagtatambalan sana nila ni Derek Ramsay para sa MMFF 2019.

Nag-back out si Derek sa project, at late na naisumite ng producers ang liham sa MMFF ExeComm kaugnay sa pagpapalit ng leading man. Hindi pumayag ang MMFF ExeComm kaya na-shelve ang pelikula, at ni-replace ang slot nito sa filmfest ng Sunod, na pinagbidahan ni Carmina Villarroel.

Dagdag ni Kris, “And... I want a mature take that everybody can identify with about what married couples who are splitting up and what their children go through.

Continue reading below ↓

“I want to produce that movie and write that script. And I want Piolo Pascual to be my leading man.

“Hindi masamang mangarap. And I want the two sons there to be Iñigo and Bimb. May casting na! May synopsis na.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Natatawang pagpapatuloy ni Kris, “Sa kakanood ng K-drama, kung anu-ano nang naisip. Pero, for a change, ayoko na may cheating involved. Yun lang.

“Kasi, sometimes, marriages do break up not because of a third party. So... and I want this told from the point of view of a child in his early teens, and one in his early 20s. “Because we deserve to see it—from their point of view dahil sila talaga ang nagsa-suffer.

“Wag niyong agawin ang idea ko, ha?!”

GORGY RULA

Huwag talaga agawin ang idea niya, e, kinuha rin niya sa mga Koreanovela na napanood niya, di ba?!

Pero sa totoo lang, marami ang umaasa na maging maganda ang resulta ng kanyang talk show na Love Life with Kris para tuluy-tuloy na ang pagiging active niya sa showbiz.

Continue reading below ↓

Mag-uumpisa ito sa Agosto 15, Sabado, 5:00-6:00 p.m. sa TV5.

Maganda ring matuloy ang pagpo-produce niya ng pelikula, at magandang ideya iyon lalo na kung matuloy si Papa P.

Isang taong malapit kay Kris ang nakausap ko na kamakailan lang ay mahigit dalawang oras daw silang nagkausap, at tinanggap daw ng actress/TV host ang lahat ng payo niya.

Malaki raw ang ipinagbago ni Kris, na mas tahimik na ngayon at hindi na idinadaldal lahat.

JERRY OLEA

Ang nakatawang sagot ni Kris sa tanong kung confident ba siyang siya pa rin ang Queen of All Media.

“No, because I’m now humble!”

Pagpapatuloy ni Kris, “Wait, sandali! Hahahaha. Klaruhin ko lang iyan, ha, dahil pinagalitan ako ni Bimb noong sinabi ko na, 'I’m humble.'

"Sabi niya, ‘Mama, when you have to tell people that you’re humble, you’re actually not humble.’

"But I also think it’s wrong to label myself as the Queen. So, I’m... I’m making a comeback, I’m being honest. So, it will be up to the people to decide.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Kapag sabihan siya ng isang young girl na gusto nitong maging next Kris Aquino, ano isasagot niya rito?

Napailing si Kris, “Don’t. Please don’t.”

Kanino siya humuhugot ng lakas at inspirasyon?

“I want my sons to be proud of me, because I’m all that they’ve got,” seryosong pahayag ni Kris.

“Gusto ko na... hindi mapilitan si Bimb na makipagsuntukan dahil sa ginawa ng nanay niya. Gusto ko rin na nakangiti ang mommy ko sa heaven.

“And... I love my sisters very much, but my Ate [Ballsy Aquino-Cruz] and I have a very special relationship. My Ate will turn 65 this August. She’s for me the embodiment of my mom.

“So I want my Ate to also feel that their baby is so deserving of their love.

“At I think para sa ating lahat na mga Pilipino, e... At our core, importante talaga sa atin ang mga anak natin, ang magulang natin, ang mga kapatid natin.

Continue reading below ↓

“Sa dami ng problema na naibigay ko sa pamilya namin, alam ko naman na napapatawa ko rin sila.

“So, ngayon, quota na ako sa problema.

"This time around, wala na silang ibang gagawin kundi ipagmalaki na nag-mature na yung baby nila.”

Humigit-kumulang pitong buwan ang negotiations bago maikasa ang bagong talk show niyang Love Life With Kris.

“It’s destiny, I guess,” saad ni Kris.

“It’s fated. Kasi, nangyari, e. It fell into place. So, that means... kung gusto... if the universe, di ba, conspires to make it happen, and if it’s God’s will for my life, it will happen.

“But if it was not meant for me, kahit anong luhod, dasal, pakiusap—hindi mangyayari.”

NOEL FERRER

Sabi nga ni Kris, hindi masamang mangarap, at kung mangangarap ka na rin lang, itodo na ito!

Ngayong August 1, na death anniversary ng nanay niyang dating Presidente Cory Aquino, plano pa rin ba ni Kris pasukin ang politika?

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After roughly seven months of negotiations, matutuloy na ang Love Life with Kris, ang comeback ni Kris Aquino sa telebisyon na ipapalabas sa TV5.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results