Vice Ganda, Richard Gomez, Karla Estrada may paalala sa pagbabalik ng MECQ

by PEP Troika
Aug 3, 2020
Actor-politician Richard Gomez (center) sa laban kontra COVID-19: “If we, Filipinos, do not understand the word DISCIPLINE, the numbers will definitely continue to rise." Vice Ganda at Karla Estrada, may tweets din tungkol sa MECQ sa Metro Manila.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Nanawagan ang mahigit walumpong (80) medical associations and societies noong Agosto 1, Sabado ng hapon, na isailalim muli sa ECQ (Enhanced Community Quarantine) ang Metro Manila sa loob ng dalawang linggo.

Ito’y upang makapagpahinga ang mga HCW (Health Care Workers), at mai-recalibrate ang strategies kontra sa pandemya.

Agad tumugon ang Simbahang Katoliko. Naglabas ng Pastoral Instruction si Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Manila.

Aniya, “All the churches and shrines in the Archdiocese of Manila will revert to the period of the ECQ protocols.

“We will not hold public religious activities from August 3 to August 14 but we continue our online activities.”

Agosto 2, Linggo, nag-announce ang diocese ng Cubao at Parañaque na suspendido rin ang kanilang mga Misa hanggang Agosto 14.

Umabot sa 103,185 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa.

Tweet ni Vice Ganda, “More love. More appreciation. More respect. Yan ang deserve ng mga FRONTLINERS ngayon. Bukod sa mas mataas na kompensasyon at benipisyo.

Continue reading below ↓

“Maraming salamat sa mga Frontliners na nasa Medical field!!! Di ko man matanggal ang mga pagod at hirap ninyo mapasalamatan ko man lang kayo. Iba ang sakripisyo ninyo. Mula sa puso ko, gusto kong sabihing God Bless You at MABUHAY kayo!”

Nang gabing iyon, idineklara ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na balik-MECQ (Modified ECQ) mula Agosto 4 hanggang 18 ang Metro Manila. Kasama rin ang mga kalapit-lalawigang Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal.

Continue reading below ↓

Agad ipinost ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa Facebook, “500,000 COVID infected people in the Philippines come early 2021 is possible. It can happen.

“Government and the medical society can’t do it alone.

“If we, Filipinos, do not understand the word DISCIPLINE, the numbers will definitely continue to rise.

“Let’s make it simple: Wear a mask. Physical distancing. Washing of hands frequently. Staying at home. DISCIPLINE.”

Continue reading below ↓

Agad ding nag-post sa Facebook si Pasig City Mayor Vico Sotto, “Narinig po natin ang announcement ni Pangulo Duterte na babalik tayo sa MECQ sa ika-4 ng Agosto, 2020.

“Pero iwasan muna natin ang pagkalat ng balita o mga detalye na hindi pa kumpirmado. Antayin natin ang pormal na guidelines mula sa IATF/nasyonal na pamahalaan. (dahil maaaring hindi ito eksaktong tulad nung naunang MECQ).

“Ano man ang mangyari, patuloy tayong umaasa sa kooperasyon ng bawat isa. Salamat po.”

Continue reading below ↓

Tweet ni Queen Mother Karla Estrada nitong Agosto 3, Lunes ng umaga, “Tulungan natin ang ating mga medical frontliners sa pamamagitan ng pagtulong din natin sa ating mga sarili na hindi tayo magkasakit.

“Manatili sa bahay at pagtibayin ang kalinisan umpisa sa tahanan. Kailangang magtiis muli, saglit, kapalit ng matagal na pagdurusa sa covid na ito.

“Hindi ito ang tamang panahon na nagkawatak-watak tayo dahil iisa lang naman ang ating mga layunin. Lahat tayo ay gusto nang makawala sa covid na ito.

“Bilang ina, abot langit ang takot ko para sa aking pamilya. Kung ano ang makakabuti at makakagaan sa buhay natin, gawin natin.

“TAMA NA ANG BANGAYAN. ISANTABI MO MUNA ANG GALIT. FOCUS TAYO SA TUNAY NA KALABAN NA NAMAMAYAGPAG HABANG DI TAYO NAGKAKAUNAWAAN.

“MAGDAMAYAN AT MAKIPAGTULUNGAN MUNA TAYO. DAHIL HIGIT SA LAHAT MAS KAILANGAN NANG MAKABANGON ANG BAYAN MULA SA PANDEMYA NA ITO.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sa usapang showbiz, legit ang tanong na ito ng isang producer at advertising executive: “Since allowed ang shoots at 50% capacity during MECQ, what individual passes do we have to secure to leave our houses? Quarantine pass? Travel pass? Tirad pass?”

Hindi ko alam kung kasama ito sa plano, dahil hindi ko lubos-maisip na nag-open pa ang ibang places, like gyms and other public utilities and venues, gayong dumarami ang mga kaso ng Covid.

Bakit hindi na lang nag-MECQ or ECQ agad? Dahil ba katulad ng Presidente, wala nang pang-ayuda?

May kaklase akong doktor sa Medical City at East Avenue Hospital ang nagsabi nito: “We have rising Covid cases but low mortality. Health Care Workers are in charge of controlling the mortality and government is in charge of controlling the rise of cases. Someone is not doing their job properly.”

At sabi rin ni Doc Tony Leachon, na isang tinanggal na adviser ng Covid Task Force, “Excellent leadership inspires others to have the courage to meet our collective challenges. Inspiration, not threats.

Continue reading below ↓

“Leadership requires empathy. It addresses criticisms clearly with a lot of understanding, wisdom and sobriety.”

Simpleng tanong: pagkatapos ng apat at kalahating buwan nating pagpirmi sa ating mga bahay, why don’t we still feel safe (like our other neighboring countries)?

GORGY RULA

Nagti-trending ngayon sa Twitter ang "#OustDut (emoji ng turtle)" at ang hashtag na “LetLeniLead."


Continue reading below ↓

Ako man ay sobrang dismayado na sa nangyayari, at hindi pagre-resign ng ilang nanunungkulang may responsibilidad sa pagharap sa pandemyang ito.

Pero ang naiisip ko lang, kung sakaling mag-resign man ang ating pangulo, malaki kaya ang magagawa nito sa pagharap natin sa kahirapang ito? Ano ang immediate na pwede nating maitulong para maitawid natin ang kahirapang ito?

Ewan ko kung may maitutulong sa hirap na pinagdaanan natin ngayon ang pagpu-post ng kung anu-anong komento, at ang iba ay may pang-iinsulto pa sa kapwa.

Kasi, yung ibang mga pumupuna, tila gusto lang nilang patunayang magaling sila. Ang gagaling nilang mang-insulto sa kapwa.

Pero hindi naman ito ang sagot sa gutom na nararamdaman ng karamihang kababayan natin.

Mabuti pa ang iba, nakakapag-bake ng cake, cookies, at nakakapagluto at nakaka-bonding ang pamilya nila dahil naka-quarantine pa rin.

Pero nakikita kaya nila sa labas ang dumadaming namamalimos? Nakikita kaya nila ang mga natutulog lang sa kalye at naghahanap ng masisilungan para hindi mabasa kapag umulan nang malakas?

Continue reading below ↓

Nakikita kaya nila na ang iba ay may bitbit pang sanggol na hindi alam kung saan matutulog?

Dumudugo ang puso ko, kasi hindi sapat ang naiaabot ko sa kanila. Napabuntung-hininga na lang ako nang malalim at idinadasal ko na lang sa Diyos.

Itong ibang ang gagaling mam-bash, mag-post ng mga nakakainsultong komento, subukan ninyo kayang umikot sa buong Kamaynilaan para makita ninyo kung ano ang talagang kalagayan ng ating mamamayan na humihingi ng agarang tulong.

Hindi sila mabubusog sa mga ipinu-post na mga ipinaglalaban ninyo sa social media. Paulit-ulit ko na lang na sinasabi ito, kasi, sila pa rin ang nakikita ko sa kalye tuwing lumalabas ako.

JERRY OLEA

Bago pa nag-announce ng MECQ si Pangulong Digong, naghayag na si Cavite Governor Jonvic Remulla noong Sunday night sa Facebook:

“On Medical Frontliners & Health Workers asking for timeout: We can always regain the economy but we can never quantify the loss that so many families are going through.”

Continue reading below ↓

May pa-quotation pa si Governor Remulla, “If the choice is between health or the economy? I choose HEALTH.”

Paalala naman ni Laguna Governor Ramil Hernandez nitong Monday morning, August 3, sa Facebook: “Lalo pang pag-ingatan ang ating kalusugan at sumunod sa mga health protocols upang makaiwas tayo sa COVID-19.

“Sa MECQ ay magiging limitado ulit ang paglabas ng mga tao at ang operasyon ng mga negosyo at establisimyento.

“Hangga’t maaari ay manatili po tayo sa ating mga tahanan kung saan tayo ay higit na ligtas laban sa virus. Alamin at sundin po natin ang mga guidelines sa ilalim ng MECQ. Patuloy po tayong mag-ingat.”

Bahagi ng pabatid ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando para sa mga Bulakenyo nitong Lunes ng tanghali sa Facebook:

“Ang ating buhay at kabuhayan ay nakadugtong sa Metro Manila (epicenter ng virus) kung saan ang karamihan ng ating mga mamamayan ay labas-masok sa kanilang paghahanapbuhay, dagdag pa rito ang ating mga kababayan mula sa Norte na ang lalawigan ng Bulacan ay siyang gateway papasok at palabas ng National Capital Region.

Continue reading below ↓

“Nagtala ng mataas na kaso ng Covid-19 mula noong ilipat ang mga lalawigan sa GCQ at MGCQ. Sa kabila ng naitalang pagtaas ng active cases, nananatiling mas mababa ang kaso sa Bulacan kaysa ibang lalawigan. Ang lahat ng ito ay dahil sa ating mahigpit na pagtutulungan.

“Layunin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang suliraning ito sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng re-calibration at re-strategizing.

“Sa ganitong kalalagayan, ako ay nananawagan makipatulungan po tayo sa ating pamahalaan upang mapabagal ang pagkalat ng sakit, maibsan ang dalahin ng ating health care system at maisalba ang buhay ng ating mga kababayan.”

Ang COVID-19 Advisory ng Lalawigan ng Rizal nitong Lunes sa Facebook, “Ang Capitol Building ng Lalawigan ng Rizal ay isasara pansamantala sa loob ng isang linggo mula ngayong araw, Agosto 3, 2020 para magbigay-daan sa disinfection at sanitation activities.

“Ito ay matapos magpositibo ang 16 na empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan matapos ang isinagawang COVID-19 Testing. Patuloy din ang contact tracing at pag isolate sa mga na-expose na kababayan natin.

Continue reading below ↓

“Magkakaroon ng Skeletal Work Force ang lahat ng tanggapan ng Kapitolyo sa Ynares Center para sa patuloy na pagbibigay ng serbisyo-publiko.

“Ang mga hakbang na ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng virus at masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-politician Richard Gomez (center) sa laban kontra COVID-19: “If we, Filipinos, do not understand the word DISCIPLINE, the numbers will definitely continue to rise." Vice Ganda at Karla Estrada, may tweets din tungkol sa MECQ sa Metro Manila.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results