Kris Aquino gustong maging Presidente for one day dahil...

by PEP Troika
Aug 3, 2020
Kris Aquino on divorce: “For one day, I want to be President-–on the day na ira-ratify na magkakaroon ng divorce sa Philippines. Para pirmahan."
PHOTO/S: @krisaquino Instagram

JERRY OLEA

“Hindi ako tatakbo for anything in 2022.”

Ito ang diretsong sagot ni Kris Aquino kaugnay ng haka-hakang kaya balik-TV siya sa programang Love Life With Kris ay bilang paghahanda sa pagtakbo para senadora o mayor sa 2022 elections.

Bahagi iyan ng video interview kay Kris na ini-release ng management team niyang Cornerstone Entertaiment, Inc., noong Agosto 1, Sabado ng umaga.

Sinong personalidad ang gusto niyang maging siya sa loob ng isang araw? Bakit at paano niya susulitin ang pagkakataong iyon?

Pasintabi muna ni Kris, “I’m sorry, Catholic Church, please don’t get mad at me...”

Humugot ng malalim na buntong-hininga si Kris bago nagpatuloy, “For one day, I want to be President-–on the day na ira-ratify na magkakaroon ng divorce sa Philippines. Para pirmahan.

"My reason is simple—because you wouldn’t be annulled in the church. Your church marriage, it’s a different process.

"But, I believe that going through an annulment is a very difficult process, and it is expensive.

Continue reading below ↓

"I believe that women and men should have equal rights about this."

Uunahin daw niya ang pag-apruba ng divorce kaysa same-sex marriage na inilalaban ng lesbian, gay, bisexual, transgender (LGBT) community.

Ani Kris: "Uhm, I apologize sa mga LGBT, kasi alam kong malayung-malayo pa ang kailangan nating lakbayin bago magkaroon ng same-sex marriage.

“Pero ang divorce—sa sagot kong ‘yan, ha, alam niyo na! Hindi ako tatakbo for anything in 2022.

"Pero ayoko nang pagdaanan ever again ng kahit na sino man yung proseso ng pagpapa-annul.

"Kasi, pwede naman talaga ang divorce. And separation naman talaga ‘yan, e, of church and state.”

Sa panahon ng pandemya, sumagi ba sa kanyang isip na nais niyang paghandaan ang pagsabak sa pulitika?

If ever, sino sa apat na options ang role model niya-–Pasig City Mayor Vico Sotto, Ormoc City Mayor Richard Gomez, Congresswoman Vilma Santos, o Vice President Leni Robredo?

Matamang saad ni Kris, “If there’s one thing that I’ve learned, nanggaling ito sa dad ko—huwag mong ibunyag ang mga plano mo dahil paghahandaan ka nila!

Continue reading below ↓

“So, kung role model, bakit ako lalayo pa? Doon na ako sa mga magulang ko!"

Ang ina ni Kris na si Corazon "Cory" Aquino ay nagsilbing Pangulo ng Pilipinas mula 1986 hanggang 1992. Senador naman ang ama ni Kris na si Benigno "Ninoy" Aquino II mula 1967 hanggang 1972.

Pinaslang si Ninoy noong August 21, 1983. Namatay naman si Cory noong August 1, 2009 dahil sa colon cancer.

Pero sa huli, sabi ni Kris, “Pero… I don’t think 2022 is my time.”

NOEL FERRER

Part of Kris Aquino’s charm is her spontaneity. She may not say a lot now about her next moves, but that doesn’t mean that she is not planning ahead of time.

With Kris, we’ll just wait and see.

In the meantime, welcome back to Philippine TV, Kris!

HOT STORIES

GORGY RULA

Sa ngayong tumitindi ang pahirap dahil sa nakakatakot na pandemya, itong isyu ng divorce ay wala na muna sa kamalayan ng mga tao.

Continue reading below ↓

Kailangang may nailalaman muna sila sa kanilang kumakalam na sikmura bago nila isipin ang annulment at divorce.

Lalo nang dumarami ang nagugutom. Keber ba nila sa ipinaglalabang same-sex marriage ng LGBTQIA. Ang daming bading na gutom na rin dahil nawalan ng raket.

Kaya nakakatuwa ang napanood ko sa Iba ‘Yan ni Angel Locsin kung saan tinulungan niya ang grupo ng drag queens.

Hindi pa relevant sa ngayon itong isyu ng pulitika, divorce, at kung anu-ano pang sinasagot ni Kris.

Paano kaya maitatawid ni Kris ang pilot episode ng Love Life with Kris ngayong naka-MECQ na uli ang Metro Manila at mga kalapit-lalawigang Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal mula Agosto 4, Martes, hanggang Agosto 18, Martes?

JERRY OLEA

MECQ pa sa Agosto 15, Sabado, 5:00-6:00 p.m., kung kailan mag-uumpisa ang Love Life With Kris. Nawa’y makabuluhan at napapanahon ang first live interview niya riyan.

Bet ko na magiging guest niya si Pasig City Mayor Vico Sotto!

Continue reading below ↓

Siyang apala, noong Hunyo 30 pa ipinadala ng media people ang questions for Kris. Di ba, Hulyo 25 ang napabalitang pilot episode ng bago niyang talk show sa TV5?

Dahil na-defer ang show, nitong Hulyo 31 at Agosto 1 lang ipinadala sa amin ang tatlong video kung saan sinagot ni Kris ang mga tanong ng showbiz media.

Natawa si Kris nang kumustahin ang kanyang love life.

“Habang nabubuhay, huwag mawalan ng pag-asa. Yun lang ang sagot ko. Hahaha!”

ON SUPPOSED SHOW WITH WILLIE

Whatever happened sa planong magkatrabaho sila ni Willie Revillame? Posible pa rin ba yun?

Sagot ni Kris, “You know, bilog ang mundo. Walang imposible! He’s one man that my children respect very much.

“He’s somebody who gains nothing from defending us, but he has continued to be our friend. So, I’m very grateful for that.”

LOVE OR AMBITION

Naka-relate ba siya sa karakter ni Go Hye Ryan sa 2018 Korean series na Misty? Alin ang pipiliin niya: pag-ibig o katuparan ng ambisyon?

Continue reading below ↓

Matamis ang ngiti ni Kris, “Kung ganun naman kaguwapo yung lawyer, at ganun lang naman ang hitsura ni golfer, dun na ako kay lawyer!"

Ang tinutukoy ni Kris na lawyer ay ginampanan ng Korean actor na si Ji Jin Hee, habang ang golfer naman ay si Go Jun.

Dagdag niya, “At kung ganun nga ang hitsura nung lawyer, at naging Chief Justice ng Korea, no questions asked, tatalikuran ko yung career!”

MISSING BUHAY-PROBINSYA

Masasabi ba niyang mas simple ang buhay niya ngayon? Paano niya matatanto kung sino ang pagkakatiwalaan at mamahalin?

Sagot ni Kris,“You know, simplicity is very relative. So, I may say I feel I’m so simple, 'tapos, the rest of you, pagtatawanan niyo ‘ko?

“Pero the one thing I truly miss, yung pandesal sa probinsiya! Sarap talaga! Kasi, freshly baked every day. Tapos, iba siya! Ang sarappp!

"Tapos, yung simoy ng hangin. Tapos, gustung-gusto ko talaga na ano... gusto ko talaga tumira near a lake…

Continue reading below ↓

“And yun nga, sabi ko, para naman productive citizen ako, meron akong fish pond or something…

"Or my dream actually—it’s always been a dream, and it can come true–is to own a beach resort!

“Oo, yun! Krissy’s Resort! Hahaha! Naloka sila. Bakit?

"Di ba, kayo rin naman, gugustuhin niyo na ako yung nagwe-welcome sa inyo?

“At once a week, may cooking session doon na ako ang nagtuturo.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino on divorce: “For one day, I want to be President-–on the day na ira-ratify na magkakaroon ng divorce sa Philippines. Para pirmahan."
PHOTO/S: @krisaquino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results