Last three episodes ng Gameboys, iuurong dahil sa MECQ

by PEP Troika
Aug 4, 2020
Mauurong ng dalawang linggo ang pagpapalabas ng natitirang tatlong episodes ng highly popular BL series na Gameboys dahil sa ipinatutupad na MECQ. Ang Gameboys ay pinagbibidahan nina Kokoy de Santos (kaliwa) at Eljah Canlas (kanan).

JERRY OLEA

Apektado ng MECQ sa Metro Manila at mga kalapit-lalawigan ang extension ng Pinoy BL series na Gameboys, na pinagbibidahan nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas, sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal.

Narito ang official statement na pinost ni Direk Perci Intalan, executive producer ng The IdeaFirst Company, sa Facebook nitong Agosto 4, Martes ng umaga:

“When we started GAMEBOYS we vowed two things: that we will always be extremely mindful of safety and that we will not allow any limitations resulting from this to compromise the quality of our story and how it will be told.

“As Metro Manila goes under modified enhanced community quarantine for the next 15 days, we decided to delay the release of GAMEBOYS episodes 11, 12, and 13 by two weeks as well.

“I know this will disappoint many fans around the world and I am heartbroken that we have to do this. But it will help us keep everyone on the team safe and at the same time we will not be limited in our storytelling.

Continue reading below ↓

“Ultimately, the episodes that we will release will be much better because of this.

“To our dear global GAMEBOYS community, we look forward to seeing you again in two weeks’ time. Until then, stay safe and strong, you will always remain in our hearts and minds.”

Ipinagpaliban pareho ang premiere streaming ng mga Pinoy BL series na Better Days at Boys’ Lockdown. Sa Oktubre na mapapanood ang mga ito.

Continue reading below ↓

Bahagi ng post ng Unframed sa FB nitong Agosto 3, Lunes ng gabi:

“In full support of the nation’s fight against COVID-19, the Better Days Team has decided to move our airing date on October 2020 to strictly follow the government’s directives on safety protocols and community quarantine...”

Bida sa six-episode Better Days ang vloggers/influencers na sina Chester Chua at Benedix Ramos, sa direksyon ni Carlo Obispo.


Continue reading below ↓

Benedix Ramos (left) and Chester Chua

Pinost ng Ticket2Me Events nitong Lunes ang announcement ng Boys’ Lockdown producer na si Darwin Mariano.

Bahagi ng official statement, “In solidarity with the urgent plea of our brave health frontliners, we have made the decision to postpone all scheduled production work on Boys’ Lockdown until after the MECQ...

“Our series premiere will also be pushed back to October 2020, not in September 2020 as we had originally planned.

“Everyone’s safety remains the priority — that of our health workers on the frontlines, but also those of our cast and crew.”

Bida sa Boys’ Lockdown sina Ali King at Alec Kevin, sa direksyon ni Jade Castro.


Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kung apektado ang Gameboys, mas apektado yung mga nagsisimula pa lang bumalik ang kanilang negosyo.

Si Arnell Ignacio, na may mga bago sanang i-introduce sa kanyang Creative Hair System, naudlot dahil sa pagbabalik ng MECQ. Kaya sumakit daw ang ulo niya at parang gusto na niyang sabunutan ang suot na wig.

Iibahin daw muna niya ang focus niya ngayon. Meron siyang sabon na ibinebenta na merong panlaba at pang-disinfect. Pwede niyang ibenta iyan ngayon dahil kasama ang mga ito sa essentials.

Si Gladys Reyes din, kaa-announce lang sa kanyang social media account na pwede na ang dine-in sa kanilang Estela Restaurant sa Cainta.

Pero biglang in-announce itong MECQ, kaya hanggang food delivery na lang sila uli ng kanyang Sommereux Catering.

Mabuti na lang, may pinagkakaabalahan si Gladys na OA (Online Acting) Workshop na pwede nilang gawin kahit naka-lockdown muna.

Kaya pati ang entertainment natin sa bahay ay naudlot din dahil magri-replay uli ang “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga.

Continue reading below ↓

At itong kinagigilawan nating Gameboys ay pansamantalang ititigil muna.

Pero okay na ako sa Episode 10 (“Pass or Play 2”) ng Gameboys kung saan nagkita na sina Gavreel at Cairo sa Emerald Avenue, Ortigas Center.

May fans na nag-pilgrimage sa nasabing location noong Agosto 3, Lunes—the day before mag-start ang two-week MECQ sa Metro Manila.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Grabe talaga ang adjustment ng mga tao sa pagbabalik natin sa MECQ.

OK naman sa atin ito bilang tugon sa kahilingan ng healthcare workers para mag-time out. Ngunit habang sumusunod ang mga tao, sana naman ay maayos na ng health sector at ng pamahalaan ang sistema, at magkaisa sa plano para labanan ang COVID.

In the meantime, heto ang mga katanungan ukol sa entertainment:

No. 1: Tulad ng Wowowin: Tutok to Win ni Willie Revillame, ano pa kayang entertainment show ang magli-live airing?

No. 2: Meron pa bang TV program o pelikula na magsu-shoot habang may ECQ?

No. 3: Tuloy ba ang launch ng bagong TV5 programming ngayong Agosto, partikular ang Love Life With Kris ni Kris Aquino at Fit For Life ni Jessy Mendiola?

Adjust, adjust, adjust! Iyan na lang lagi ang ginagawa nating mamamayan.

OK lang naman. Pero sana, sa susunod, pasulong na ang usad natin bilang bayan!

Continue reading below ↓

Pray, pray, and more prayers talaga!

JERRY OLEA

Matapos ang Episode 4 (“Greg & Harold”) na tinampukan nina Joel Saracho at Ross Pesigan, bida sina Gold Aceron at Evelyn Vargas bilang mag-ina sa Episode 5 (“Ivan & Jack”) ng Unlocked anthology na nilikha ni Direk Adolf Alix Jr.

Mapapanood ang short film na ito sa Agosto 6, Huwebes, sa Gagaoolala.


Continue reading below ↓

“It’s an interesting episode about a young boy na nagbebenta ng sarili online para makauwi ang kanyang ina na OFW,” lahad ni Direk Adolf nang maka-chat namin nitong Tuesday morning via Messenger.

“A bold performance by Cinema One Best Actor Gold Aceron (Metamorphosis), with Evelyn Vargas who’s based in Switzerland.”

Tuloy rin ang premiere streaming ng Pinoy BL series na My Day sa Agosto 8, Sabado ng 9:00 P.M., sa YouTube channel ng Oxin Films.

“Tapos na kami sa mga shoot for the entire season. More on editing na lang,” sabi ng director-executive producer na si Xion Lim.

Sumang-ayon ng producer na si Carlo Morris Galang, “Yes po, tuloy na tuloy ang My Day sa Sabado. Tapos na po ang post prod ng Episode 1. Nasa one hour po ang running time niya.

“OK na rin po ang Episode 2. Matatapos na po ang pag-e-edit.”

Bida sa 12-episode My Day si Aki Torres at ang BidaMan finalist na si Miko Gallardo.

Continue reading below ↓


Aki Torres (left) and Miko Gallardo

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mauurong ng dalawang linggo ang pagpapalabas ng natitirang tatlong episodes ng highly popular BL series na Gameboys dahil sa ipinatutupad na MECQ. Ang Gameboys ay pinagbibidahan nina Kokoy de Santos (kaliwa) at Eljah Canlas (kanan).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results