Anak ng showbiz royalty at isang comedienne, tinamaan ng COVID-19

by PEP Troika
Aug 4, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

NOEL FERRER

Ngayong unang araw ng pagbabalik natin sa MECQ, takot akong lumabas. Hangga't maaari ay sa bahay lang ako namamalagi habang may pandemya.

Sa pag-a-update ko sa mga ganap sa show business, nalaman kong meron tayong mga kasamahan sa industriya na very quietly ay binuno ang COVID.

Meron akong nabalitaang anak ng showbiz royalty na papagaling na at nanatili lang with his family.

Tinamaan din daw ng virus ang comedienne na napasama sa isang box-office hit movie. Baka hindi siya naging maingat sa pagtanggap ng bisita sa bahay.

Of course, nasa news ang politikong si Mark Leviste na napapanood din natin sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang sidekick ni Richard Gutierrez. Buti na lang, naka-taping break din sila for two weeks nang malaman ito.

Ang leksyon dito: walang pinipili ang COVID kaya mag-ingat tayo nang husto.

And if ever ma-contract man natin ang sakit, let our immune system be strong para malabanan ito.

Continue reading below ↓

Ibayong ingat, ingat, ingat talaga, mga ka-Troika!

GORGY RULA

Hindi mo rin masisisi minsan ang ibang taong ayaw nang ipaalam na nagka-COVID sila dahil sa pagtrato ng ibang taong nakapaligid.

Di ba, binanggit ni Michael V. na dumaan din siya pati ang pamilya niya sa discrimination at harassment mula sa ibang tao?

Hindi niya iyon idinetalye sa kanyang vlog, pero inurirat ko uli ito nang nakapanayam namin siya sa DZRH noong Lunes, August 2.

Puwede raw niyang ikuwento sa akin, pero off the record. Ayaw na lang niyang ibahagi pa ito sa ere.

“Ang objective lang naman, para maprotektahan ang environment. Maganda naman ang intensiyon namin.

"Siguro, mali lang yung pagkakaintindi kaya naging iba yung reaksiyon ng ibang tao,” napapangiting sagot sa amin ni Bitoy.

Nakakatakot na talaga ngayon, lalo na’t padami nang padami ang mga kilala mong nakaranas ng nakakamatay na virus na ito.

Pero maganda ang sinabi ni Bitoy, huwag nang dagdagan pa ang stress. Mas mabuting i-focus mo ang isip mo sa ibang bagay.

Continue reading below ↓

Malaking bagay ang patuloy na pagdarasal at kapit lang talaga sa pananalig natin sa Diyos.

Napag-alaman kong totoo raw yung COVID ng anak ng isang showbiz royalty. Pero okay na raw siya ngayon.

Yung comedienne naman, napansin ko na four days ago pa ang post niya sa TikTok kung saan naka-mask siya.

Pero masayang-masaya naman ang boses niya nang sabihing "Kumusta kayong lahat? Miss na miss ko nang mag-TikTok."

Mukhang okay naman siya at ang sigla niya.

Basta, mag-ingat lang, kakayanin at malalagpasan nila iyan. Sana, wala nang madagdag pa.

JERRY OLEA

Nag-adjust ang isang TV program sa kanilang istorya matapos mabalitang nagka-COVID ang isang kilalang aktor na kasama sa cast nito.

Patuloy nating idinadalangin na magwakas ang pandemya sa lalong madaling panahon.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results