Sinu-sinong female and male celebrities ang "jojowain o totropahin" ni Teejay Marquez?

by PEP Troika
Aug 4, 2020
Sa isang vlog ni Teejay Marquez, sinagot niya ang naughty questions habang nagsa-shower. Pero pansin ng isang ka-Troika, hindi siya nakakapaligo nang maayos kaya sayang tuloy ang tubig.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

JERRY OLEA

Sumalang si Teejay Marquez sa “Jojowain or Totropahin?” challenge sa YouTube channel niyang Teejay Marquez World.

In-upload niya ito noong Hulyo 20, at umabot na ito sa 20K views.

Binunot niya sa isang bowl ang mga pangalan ng mga dilag na Kapamilya, Kapuso, at famous sa YouTube.

Disclaimer ni Teejay, “For the vlog lang ito, huwag niyo pong seryosohin. I’m just doing this para ma-entertain kayo.

“Kaya sana, ma-enjoy ninyo as much as I want you to enjoy this one.”

Buena mano si Michelle Dy na YouTube influencer. Ang verdict ni Teejay ay “totrowain” — totropahin at jojowain.

“Tropa muna, then, jowain mamaya. Tropa now, jowa later!” nakangiting bulalas niya.

Totrowain din niya sina Maine Mendoza, Maymay Entrata, at Kisses Delavin.

Kabilang pa sa mga kinilatis ni Teejay sina Rita Daniela, Janine Gutierrez, Gillian Vicencio, Mary Joy Apostol, Devon Seron, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Nadine Lustre, Joyce Ching, Barbie Forteza, Jane de Leon, Angel Locsin, at Kakai Bautista.

Continue reading below ↓

Sumabak kapagkuwan si Teejay sa “Jojowain o Totropahin BOYS LOVE EDITION.”

In-upload ito noong Hulyo 24, at mahigit 106K views na ito.

Dahil ang 2020 ay taon ng BL series... kinilatis ni Teejay ang mga ibi-BL (jojowain) niya if ever sa ganoong serye, at kung sinu-sino ang pwedeng best friend o kuya niya sa palabas.

“It’s just a game. Para sa vlog ito, guys. Katuwaan lang,” paalala ni Teejay.

Pagdidiin pa niya, “Huwag niyo po itong seryosohin! Katuwaan lang po ito, just for the vlog.”

Kung totrowain niya si Maine, si Alden Richards ay kanyang ibi-BL.

Paliwanag ni Teejay, “Of course, hindi na natin kailangang tanungin ‘yan. Versatile actor. He’s very charming. Wala nang tanung-tanong pa, kaya alam ko naman, you will agree... pam-BL ‘yang si Alden.”

Kabilang pa sa mga ibi-BL ni Teejay sina Royce Cabrera, Paolo Angeles, McCoy de Leon, Enchong Dee, Kiko Estrada, Enrique Gil, Sky Quizon, James Reid, Addy Raj, Sam Milby...

Continue reading below ↓

Nandiyan din sina Albie Casiño, Ricci Rivero, Benedict Cua, Mark Neumann, Marco Gumabao, Gerald Anderson, Kokoy de Santos, Jameson Blake, Alex Diaz, JC Alcantara...

Ibi-BL din daw niya sina Daniel Padilla, Paul Salas, Khalil Ramos, Donny Pangilinan, Ronnie Alonte, Dominic Roque, Jericho Rosales, Jak Roberto, Luke Conde, Argel Saycon...

Pati na sina Paulo Avelino, Tom Rodriguez, Enzo Pineda, Prince Clemente, Derrick Monasterio, Andrei Brouilette, Tony Labrusca, at Fino Herrera.

Pam-best friend, third party, tito, teacher o kapatid niya sina Miguel Ordon, RJ Padilla, Christian Bautista, Wacky Kiray, Awra Briguela, at Super Tekla.

Bukod-tangi si Yves Flores na pwedeng pam-BL at pwede ring best friend.

“Again, guys, this is just for fun. Katuwaan lang ito!” paalala muli ni Teejay sa huling bahagi ng vlog.

Siyanga pala, tampok si Teejay sa PEP Live ngayong Agosto 4, Martes, 8:00 P.M. sa Facebook page at Kumu account ng PEP.

NOEL FERRER

Gaano kaya ka-open si Teejay sa kanyang PEP Live? Abangan natin ang pagpapakatotoo niya mamaya.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Pinapalunok or pinapamukha?

Iyan ang panghuli sa mga mapangahas na tanong na sinagot ni Teejay habang nagsa-shower, at in-upload noong Hulyo 13, Lunes, sa kanyang YouTube.

Napangiti si Teejay habang sinasabon ang mga pisngi, “Ahh, wait... guys, eto, sige... To answer your question... ako kasi, hindi ako matapobreng tao.

Continue reading below ↓

“So, hindi ako marunong magpamukha.

"Ako, gusto ko, sulit lahat... O meron akong kasama na kailangang kumain, pinapalunok ko lahat. Pinapaubos ko.

“Kasi nga, sayang. O, nasagot ko ba?” mapanuksong pagngiti ni Teejay habang sinasabon ang kilikili.

Kapagkuwan ay kumanta si Teejay, “Nilunok kong lahat... ang mga sinabi ko...”

Tumalsik ang sabon na hawak ni Teejay. Pinulot niya iyon saka siya nagpasalamat sa mga nanood ng vlog.

Hirit pa ni Teejay, “At sana, nag-enjoy kayo. And sana, hindi naman nawala ang inyong respeto sa akin dahil kayo naman ang nagtanong niyan.

“Tinanong niyo ‘yan, so, eto ang sagot. Kaya naman sana, nag-enjoy kayo as much as I do. At sana, nalinis ko din lahat ang mga libag ko habang sinasagot ko lahat ‘yan.

“Kaya maraming-maraming salamat sa mga nanood. Again, this is Teejay Marquez, your boy next door hottie!”

Mahigit 309K na ang views sa nasabing video, na 14 minutes and 7 seconds ang running time.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ang daming naaliw sa vlog na yun ni Teejay Marquez kung saan sinagot niya ang daring questions habang nagsa-shower.

Kaya lang, hindi naman siya nakakapaligo nang maayos. Sayang tuloy ang tubig.

Mabuti nga, walang nagmahaderang nag-comment na sinasayang lang niya ang tubig, habang ang iba ay nawawalan ng tubig.

Mas okay sana kung sinagot niya ang mga tanong pagkatapos niyang maligo, naka-towel lang o naka-underwear habang naghahanap ng isusuot niya. Mas bongga yun, with matching pa-Felix Bakat.

Matagal ko na kasing napapansin sa TikTok posts ni Teejay na ang laki ng iginuwapo niya, at lalo siyang sumeksi.

Maganda rin itong ginagawa niyang may ganito siyang gimmick sa kanyang social media account para lalong ma-curious ang mga tao sa kanya.

Paghahanda kaya ito sa bonggang project para sa kanya?

Ang alam ko, may malaking pinaghahandaan ang ALV Talent Circuit na nagma-manage sa kanya. Kasali kaya roon si Teejay?

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa isang vlog ni Teejay Marquez, sinagot niya ang naughty questions habang nagsa-shower. Pero pansin ng isang ka-Troika, hindi siya nakakapaligo nang maayos kaya sayang tuloy ang tubig.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results