Talk show ni Kris Aquino sa TV5, mauurong na naman ang pilot telecast?

by PEP Troika
Aug 5, 2020
Pagkatapos magkaroon ng intensive publicity para sa bagong talk show ni Kris Aquino, mukhang hindi matutuloy sa August 15 ang pilot telecast ng Love Life With Kris sa TV5. Ang dahilan? May hindi raw pagkakaunaawan sa pagitan ni Kris at ng kanyang producers.
PHOTO/S: Kris Aquino Facebook

NOEL FERRER

Balitang hindi na muna ulit matutuloy ang pilot telecast ng talk show na Love Life With Kris, hindi dahil sa MECQ kundi dahil sa sinasabing falling-out between Kris Aquino and her orginal producers.

Aabot kaya ito sa nai-advertise nang pilot date, August 15, kung sasaluhin ito ng grupo ng manager ni Kris na Cornerstone?

Balita ko rin ay makikipagtulungan ang Cornerstone, na pinamamahalaan ni Erickson Raymundo, sa isang kilalang tao sa business at politika. Aabangan natin ‘yan!

Ngunit dahil na rin sa MECQ status hanggang August 18, parang mahihirapan ang mga studio-based productions na mag-tape.

Kasabay nito, mahirap din ang hand-to-mouth at for-airing episodes dahil nababago na ang oras at protocols ng production.

Kaya baka mas realistic kung iurong na sa September ang relaunch ng TV5.

Hindi rin tayo sigurado kung mai-ease na ang quarantine status natin by then.

That way, marami na rin sanang naibangkong episodes ang mga shows. At sana, nasa mood na sila ng kaunting pang-aliw. Kasi, start na ng mahabang Christmas season.

Continue reading below ↓

That way, baka makahabol pa si Kris?

JERRY OLEA

Hulyo 25 ang unang napabalitang launch ng bagong talk show ni Kris sa TV5 na Love Life With Kris. Naudlot iyon. Na-defer.

At may nakapagsabi na malamang, sa Agosto 22 matuloy.

Hanggang nabalitaan nating nag-shoot na si Kris sa TV5 studio ng teaser para sa programa, at mag-uumpisa iyon sa Agosto 15.

Pero heto, sumailalim sa MECQ ang Metro Manila at mga kalapit-lalawigan mula Agosto 4 hanggang 18.

Apektado ang mga TV show na nagte-taping, lalo na ang mga nagla-live.

Ghost Month na mula Agosto 19 hanggang Setyembre 16.

Pamahiin na malas mag-umpisa ng negosyo o anumang malaking venture sa mga araw na iyon.

Sana, mag-conspire ang universe para sa the best date ng pagbabalik-TV ni Kris.

GORGY RULA

Tanggap yata ni Kris na hindi talaga maganda ang buwan ng Agosto para sa mga nagsisimulang show o kung ano man ang gusto mong i-venture na negosyo.

Continue reading below ↓

Kung naniniwala pa rin siya ngayon sa feng shui, tiyak na ayaw niyang magsimula sa buwang ito.

Pero sana, maayos pa rin ito para matuloy na ang kanyang show. Sana, makumbinsi nila ang kung sino mang producer na kakausapin nila.

Okay na rin kung sa September na ang grand launch para medyo naramdaman mo na ang pagpasok ng Pasko, at sana ay medyo nakakahinga na tayo sa patuloy na pagtaas ng COVID cases.

Ang pag-flatten ng curve ng COVID-19 ang inaabangan ng lahat bago ang pasabog na pagbabalik ng entertainment shows ng TV5.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos magkaroon ng intensive publicity para sa bagong talk show ni Kris Aquino, mukhang hindi matutuloy sa August 15 ang pilot telecast ng Love Life With Kris sa TV5. Ang dahilan? May hindi raw pagkakaunaawan sa pagitan ni Kris at ng kanyang producers.
PHOTO/S: Kris Aquino Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results