Unang project ng bagong Kapuso na si Luis Hontiveros sa GMA-7, ipalalabas na

by PEP Troika
Aug 5, 2020
Tampok sina Katrina Haliliat Lui Hontiveros sa episode ng Kapuso public service program na Wish Ko Lang sa Sabado, August 8.
PHOTO/S: Twitter

JERRY OLEA

Ocho-ocho!

Maswerteng petsa raw ang Agosto 8 (8-8), Sabado, at sa araw na iyon ay back-to-back na naman ang bagong episodes ng Wish Ko Lang (4:00 P.M.) at Imbestigador (4:45 P.M.) sa GMA-7.

Bibida sa Wish Ko Lang sina Katrina Halili, Luis Hontiveros, Kim Rodriguez, at Elijah Alejo.

So, ito pala iyong programang magkasama si Katrina at ang bagong Kapuso na si Luis Hontiveros.

Nai-tweet ng GMA Artist noong Hulyo 30, Huwebes ng gabi, na magkasama sina Katrina at Luis sa isang Kapuso show, at naibalita agad natin iyon dito sa PEP Troika.

Ito ang unang project ni Luis bilang Kapuso.

Noong Hulyo 7 sa Instagram, winelcome si Luis ng GMA Artist Center bilang bagong kasama sa kanilang pamilya.

Binati rin nila si Luis noon dahil 28th birthday nito.

Dating kontesero sa mga timpalak si Luis bago sumabak sa Pinoy Big Brother 7 (2016).

Kapagkuwan ay nagkasama-sama sila nina Clint Bondad, Tanner Mata, Albie Casiño, at Tommy Esguerra sa grupong ASAP Coverboys noong 2016.

Continue reading below ↓


Samantala, tututukan ni Mike Enriquez ang mga krimeng naganap sa gitna ng pinatutupad na community quarantine sa “Quarantine Crimes” series ng Imbestigador.

Tampok sa Sabado ang kaso ni Fabel Pineda, isang 15-gulang na babaeng pinatay sa Cabugao, Ilocos Sur, noong July 2.

Kung dobleng suwerte ang hatid ng bagong episodes ng Wish Ko Lang at Imbestigador, siyempre, mas maswerte ang dating ng 8-8-8.

Continue reading below ↓


Sa Agosto 8, Sabado ng 8:00 P.M., tampok sina Ashley Ortega, Pauline Mendoza, Claire Castro, at Angela Alarcon sa Playlist Live presents Ladies Night Out.

Live ito sa Facebook page at YouTube channel ng GMAPlaylist, at Facebook page ng GMANetwork.


Continue reading below ↓

GORGY RULA

Mabuti at kahit paano ay back to work na si Luis Hontiveros, samantalang yung iba niyang kasabayan sa showbiz ay aligaga lang sa kati-TikTok at ang iba naman ay waiting sa ayuda.

May mga nasisilip na raw na ibang Kapamilya artists at staff sa tanggapan ng isang producer na magkakaroon ng shows sa TV5.

May nasilip akong isang hunk actor na bitbit ng tatay niya para ipakilala kay produ para sa ilang projects nito.

Pero so far, wala pang nasisimulan si produ dahil may iba pang blocktimers na may nasimulan nang shows sa naturang TV network.

NOEL FERRER

Yes, News and Public Affairs ang active sa pagte-taping ng fresh episodes.

Samantalang sa Entertainment/TV prod, ang nag-post lang nag-taping sila ay si Eugene Domingo for Dear Uge at Dingdong Dantes for Amazing Earth.

Yung iba ay tengga pa.

Ang tanong, kung babalik man sa pagte-taping ang mga tao, dapat bang mag-swab test na instead of the usual rapid test, na ang sabi’y in itself ay inconclusive?

Continue reading below ↓

Paano na kaya ang bagong guidelines at safety protocols?

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok sina Katrina Haliliat Lui Hontiveros sa episode ng Kapuso public service program na Wish Ko Lang sa Sabado, August 8.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results