CJ Villavicencio: "There was no intention whatsoever on my part to plagiarize Ang Huling El Bimbo."

by PEP Troika
Aug 5, 2020
"I am sorry if I caused undue distress, seemed disrespectful or if I have hurt the theater community," saad ni CJ Villavicencio (left) sa isang bahagi ng kanyang official statement, Lunes ng gabi, August 4.
PHOTO/S: CJ Villavicencio Facebook / CJ's Eraserheads medley / Ang Huling El Bimbo cast

JERRY OLEA

Itinanghal ang Batangueño na si CJ Villavicencio bilang grand champion ng singing contest na The Pop Stage noong Agosto 2, Linggo.

Nagwagi si CJ ng PHP1M mula sa fast food chain na Popeyes at one-year management contract sa Viva Artists Agency.

Kinabog ni CJ ang contenders na sina Job Tolonghari, Dia Mate, Roxorbeat, El-John Zian, at Martin Naling.

Ang criteria for judging ng tatanghaling kampeon ay Creativity and Originality (40%), Quality of Performance (40%), at Entertainment Value (20%).

Pinapanalo ng judges na sina Lani Misalucha, Jed Madela, Ritz Beltran, at Matteo Guidicelli (na siya ring host ng paligsahan) ang performance ni CJ na Eraserheads medley.

Takaw-pansin ang areglo at choreography sa pag-awit ni CJ ng "Pare Ko" dahil maraming netizens ang nakapansin na pareho umano ito sa "Pare Ko" ng musical play na Ang Huling El Bimbo.

Ang musical, na may theater run noong 2018 at 2019, ay iprinodyus ng Resorts World Manila at Full House Theater Company.

Continue reading below ↓

Umalma ang Ang Huling El Bimbo musical director na si Myke Salomon sa isyu.

Pati ang lead vocalist ng Eraserheads na si Ely Buendia ay dismayado sa alleged plagiarism sa musical arrangement at choreography ng "Pare Ko" sa musical na Ang Huling El Bimbo.

Nag-tweet kaugnay rito si Myke, at nag-post si Ely sa Facebook noong Agosto 3, Lunes.

Agosto 4, Martes, bago maghatinggabi, ipinost ni CJ sa Facebook ang kanyang official statement kaugnay sa isyu.

Wala raw intensiyon si CJ na i-plagiarize ang obra ng team na bumubuo ng Ang Huling El Bimbo musical.

"Over the weekend, my life has changed in an instant. I did not expect my victory to trigger so much negative comments and hate online.

"I was hurt and it also aches my heart to unintentionally hurt some people as well, especially the production team of Ang Huling El Bimbo The Musical.

"My final performance during the finals of The Pop Stage is an Eraserheads medley and was meant to be a tribute to my favorite artists and musical while also incorporating my own story and experiences.

Continue reading below ↓

"It is a piece that reflects my relationship with my friends, my role as a student, and my passion for music. It was also dedicated to all the students who endlessly strive in life."

"There was no intention whatsoever on my part to plagiarize. I am sorry if I caused undue distress, seemed disrespectful or if I have hurt the theater community."

Hindi nalinaw ni CJ nang husto kung bakit may pagkakapareho sa areglo ng "Pare Ko" sa Eraserheads medley na ginawa niya at sa musical play.

Ang ipinupunto ng mga bumabatikos sa kanya, malaking bahagi ng criteria sa contest ang creativity at originality.

Hindi rin nasagot ni CJ kung bakit natagalan bago niya kinilala ang musical bilang inspirasyon sa kanyang Eraserheads medley.

Sa huli, humihingi si CJ ng pang-unawa sa kinasangkutang kontrobersiya.

"Honestly, the things that I’ve read slightly affected my mental health.

"I’d also like to take this opportunity to thank all of the people who messaged just to check up on me.

Continue reading below ↓

"Clearly, as an amateur and aspiring artist, I still have so many things to learn.

"I humbly ask for everyone’s understanding as I navigate this new world that I have recently entered.

"I am not a bad person. My intentions were far different from what people think."

Sa kabila ng isyu, suportado pa rin daw si CJ ng Viva at ng mga taong bumubuo ng sinalihang contest.

"I am grateful for the support of my new management and the people behind The Pop Stage.

"I am also deeply thankful to The Pop Stage judges, Popeyes and my supporters for this life-changing opportunity.

"In this time of uncertainty, may we all have the heart to spread love among humanity."

Agosto 5, Miyerkules ng 9:27 a.m., nagtanong ang PEP Troika sa isang Viva insider kung maaaring mainterbyu si CJ.

Sabi ng Viva insider, itatanong niya sa Viva Artists Agency.

Bandang 1:15 p.m., sinabi ng Viva insider na naglabas na ng statement si CJ. Sinabi kong nabasa ko na nga iyon. Nagpasalamat ang Viva insider. Hindi na ako nangulit.

Continue reading below ↓

Kapagkuwan ay umapela si Ely Buendia na hindi raw dapat palampasin ng produksyon ng Ang Huling El Bimbo (AHEB) ang isyu.

Sabi ni Ely sa kanyang Facebook account at fanpage:

"I am appealing to the people, companies and corporations involved in the AHEB plagiarism issue.

"You alone have the power to make this right. You have the power to teach a young man and all the young people out there about to join the world, our children, a most valuable lesson that can have no other effect except make them good and become better.

"You have the power to stand up for and give back to the art which has been a source of life for all of us."

Naniniwala raw si Ely na para rin ito sa kapakanan ng ibang aspiring artists na maging tapat sa susuunging karera ng mga ito.

"You have the power to set an example and for once do the right thing, and become a beacon of hope in these dark times ruled by greed, hate and lies.

Continue reading below ↓

"Yes there are even more pressing matters out there, but in the end this will not just be about a song, a contract, a million pesos, or credit.

"Your actions will set a precedent and have repercussions in the years to come. On which side of history do you want to be on? Search your hearts for the truth and it will set you free."

NOEL FERRER

Hinihintay pa rin ang organizer na Popeyes na maglabas ng statement ukol sa alegasyong ibinabato kay CJ Villavicencio.

I heard that Viva (a sponsor) will issue a statement tomorrow.

I trust that both Popeyes and Viva will work towards acknowledging that

1.) There was a lapse in verifying the originality of the entry presented (unless they really just relied on the participant’s declaration).

Ang nasagap kong balita mula sa malalapit na kaibigan ng produksyon ay mismong sa Plan B ay nakita na itong puntong ito. Hindi lang natin alam kung bakit hindi nila maamin ito sa publiko.

Continue reading below ↓

2.) There is a question on the integrity of the participant (and eventual winner) of the competition given his dishonesty and belated recognition of the supposed inspiration of his work. So, ano ang aksyon dito?

3.) That given the many views presented and public call-outs on this issue, the organizers should take the proper measures to correct the alleged wrongdoing committed by all parties concerned.

Hindi ito malulutas ng basta pananahimik lamang. Dapat ay may agarang aksyon.

Let us strive to push for integrity, transparency, and excellence in every endeavor.

GORGY RULA

Matalas ang Facebook post ng writer, music composer, musical director at aktor na si Vince de Jesus nitong Martes, August 5.

Walang binanggit na pangalan si De Jesus, pero mahihinuhang si CJ ang tinutukoy nito.

Aniya, "One would think if you’re an artist you’d have so much time to hone your craft and better yourself during this pandemic. Kasi nga, marami tayong time.

Continue reading below ↓

"But some people want it the easy way. There’s this guy (backed up by his own production team), while being a contestant of a musical reality game show about originality, stole musical arrangements from a famous jukebox musical and claimed it as his own.

"Yes, nagnakaw ng areglo. Merong konting tweaks here and there pero same speed, same tempo, same BPM, similar riffs, same bass lines, similar drum patterns, same key, same musical intention.

"What were they thinking? Ang lakas ng loob nila. They thought they’d get away with it? Na walang makakahalata? Hello?

"Saang kangkungan kaya sila pupulutin after this?"

Pagkatapos lumabas ang official statement ni CJ Vicencio, may patutsada rin si Myke Salomon, na waring nagsasabing hindi excuse ang pagiging baguhan ng isang artist.

Tweet niya, "Hello! I'm new here.. Oh just in case, here's my business card (victim card)."

HOT STORIES

(sa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I am sorry if I caused undue distress, seemed disrespectful or if I have hurt the theater community," saad ni CJ Villavicencio (left) sa isang bahagi ng kanyang official statement, Lunes ng gabi, August 4.
PHOTO/S: CJ Villavicencio Facebook / CJ's Eraserheads medley / Ang Huling El Bimbo cast
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results