Congresswoman Vilma Santos, nag-alay ng sayaw para sa frontliners

by PEP Troika
Aug 7, 2020
Idinaan ni Batangas Representative Vilma Santos-Recto sa sayaw ang pagbibigay-pugay niya sa frontliners ngayong panahon ng pandemya.
PHOTO/S: Facebook

NOEL FERRER

Kung ang grupo ng Aktor ay may pagpupugay na liham pag-ibig na gawa ni Juan Miguel Severo, nag-alay naman ng sayaw para sa frontliners si Batangas Representative at Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Nitong Huwebes ng gabi, August 6, ni-repost ni Ate Vi sa Facebook ang video ng kanyang pagsasayaw para sa kanyang pagsaludo sa frontliners. Unang ipinost ang video noong April 21.

Agad nag-react ang anak ng producer niya noon sa Vilma! show na si Alco Guerrero, na nagsabing she should do this more often.

Ang sabi ko naman... This is only the beginning! Bravo, Ate Vi!!!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ang cute pa rin talagang sumayaw ni Cong. Vi.

Hindi namin napigilang maluha sa inihandang video ng grupong Aktor (League of Filipino Actors) para sa ating medical frontliners.

Ito naman ngayon at napangiti tayo sa cute na TikTok dance ng Lipa City representative.

Sana, kahit paano ay mapangiti ang ating mga health workers sa pasasayaw ni Cong. Vi.

Sa totoo lang, kung nabalik sana ang boses ni Nora Aunor, pasok na pasok din sana kung meron siyang magandang awitin para sa ating frontliners at sa pinagdadaanan natin ngayon.

Pero hindi naman nagpabaya si Ate Guy, tuluy-tuloy pa rin ang pamamahagi niya ng tulong, lalo na sa mga kaibigan nating movie press na wala nang diyaryong napagsusulatan.

JERRY OLEA

Ang mensahe ni Ate Vi sa kanyang Facebook post na dance video: “TO ALL OUR FRONTLINERS..... SALUTE!!! (heart emoji)”

Pwede kayang mag-dance showdown sina Ate Vi at Ate Guy alang-alang sa medical frontliners?

Continue reading below ↓

Super-mabuhay for all seasons!!!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Idinaan ni Batangas Representative Vilma Santos-Recto sa sayaw ang pagbibigay-pugay niya sa frontliners ngayong panahon ng pandemya.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results