Half-Lebanese na si Yasmien Kurdi, ikinalungkot ang nangyaring pagsabog sa Lebanon

by PEP Troika
Aug 7, 2020
Yasmien Kurdi: "We hope and pray that our relatives and friends in #Beirut are all safe. We pray for all the casualties, and for the Country. This is a difficult time for all of us and the only powerful tool we have now are our prayers."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Apektado ang half-Lebanese na si Yasmien Kurdi sa napakalaking pagsabog sa Beirut, Lebanon, noong Agosto 4, Martes.

Ang ama niyang si Mohammad Ezzedine Kurdi ay Lebanese.

Nong Agosto 6, Huwebes ng umaga, nag-post ng mensahe sa Instagram at Facebook ang Kapuso actress at humingi ng dasal para sa bansang Lebanon.

Aniya, “It’s shocking and sad news…Please #PrayForLebanon…nalulungkot ako kasi kamamatay lang din ng Lola ko na Lebanese…malungkot pa ‘yung family… tas eto ngayon ang nangyari…(sad emoji)

“We hope and pray that our relatives and friends in #Beirut are all safe. We pray for all the casualties, and for the country.

“This is a difficult time for all of us and the only powerful tool we have now are our prayers. #PrayForBeirut #NationalDayOfMourning.”

Naka-text ko si Yasmien nitong Biyernes ng umaga, Agosto 7.

Ayon sa aktres, wala siyang kamag-anak sa Beirut pero marami raw siyang close friends doon.

Na-check daw niya ang mga kaibigan niya roon, at mabuti na lang daw at hindi naapektuhan ang mga ito ng pagsabog.

Continue reading below ↓

“Salamat sa Diyos okay silang lahat!” bahagi ng text ni Yasmien sa akin.

Bigla tuloy na-miss ni Yasmien ang paglaki niya sa Lebanon, kung saan nakapagbakasyon siya noon pagkatapos ng StarStruck.

Two years old pa lang daw siya nang umalis sa Lebanon pagkatapos bumalik dito sa Pilipinas ang mommy niyang si Miriam Ong-Yuson.

May communication pa rin daw sila ng daddy niyang sa Kuwait na nakatira.

May ilang friends din daw siyang nasa Kuwait, pero ang iba ay bumalik ng Beirut at doon na uli nanirahan.

Nalungkot si Yasmien sa nangyari sa Beirut, kaya ipinagdasal niya ang nangyari sa naturang lungsod.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Mayroon din akong kaibigan na may Lebanese roots na ang sabi’y buti na lang, ang magulang niya ay nasa Bahrain na.

Sa nangyaring iyon sa Lebanon, nag-resign ang isang mataas na opisyal na nagsabing bagsak ang kanilang ekonomiya dahil sa widespread corruption.

Naku, parang pamilyar ang istorya, di ba? Sana, panagutin ang mga taong nangungurakot sa kaban ng bayan lalo na ngayong may pandemya.

Sorry, pero ayaw kong isipin na tanggap lang natin ang nangyayari sa PhilHealth ngayon.

Para rin lang ba tayong nasabugan, at okey lang?

JERRY OLEA

Agosto 3, Lunes, ipinost ni Yasmien sa Instagram at Facebook ang litrato nila ng minamahal niyang Grandma Teyta Layla.

“I Love You! Rest In Peace!” post ni Yasmien.

Continue reading below ↓

Nakikiramay tayo kay Yasmien, at nakikiisa tayo sa kanya sa panalangin para sa Lebanon.

At tuloy pa rin ang dalangin natin para sa ating bansa, habang humihibik sa liriko ng awiting "Di N’yo Ba Naririnig":

Di n’yo ba naririnig?/ Tinig ng bayan na galit/ Himig ito ng Pilipinong di muli palulupig

Dudurugin ang dilim/ Ang araw ay mag-aalab/ At mga pusong nagtimpi ay magliliyab

Ikaw ba ay dadaing na lang/ Kimi’t magmumukmok/ Habang nagpapakasasa ang mga trapong bulok?

Gisingin ang puso/ Galitin hanggang pumutok

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi: "We hope and pray that our relatives and friends in #Beirut are all safe. We pray for all the casualties, and for the Country. This is a difficult time for all of us and the only powerful tool we have now are our prayers."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results