Kris, Benjamin, EA, Ate Gay abala sa negosyo habang tigil-trabaho sa showbiz

by PEP Troika
Aug 7, 2020
Ngayong may pandemya at wala pang bagong proyekto, negosyo muna ang pinagkakaabalahan nina (mula kaliwa) Kris Bernal, Benjamin Alves, Edgar Allan Guzman, at Ate Gay.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Tigil-trabaho ang karamihan sa mga artista mula nang mag-umpisa ang community quarantine sa Kamaynilaan noong Marso 15.

Kung anu-ano ang mga diskarte nila upang patuloy na may pinagkakaabalahan.

GARDO VERSOZA

Si Gardo Versoza, waging-wagi ang mga TikTok. Kabog ang mga mas batang TikTokers na panay-panay ang pa-topless at pa-Felix Bacat.

Nitong Agosto 4, Martes, ipinost ni Gardo sa Facebook ang pagsasayaw ng El Bimbo ka-partner ang asawa, kung saan pareho silang naka-high heels.

Ani Gardo, Grade 2 siya noong 1977 na kasayaw niya ang kanyang ina.

Ngayon ay 51-anyos na siya, effortless pa rin ang "dancin d tiktok el bimbo with my lovely wife ,, thank you LORD for priceless moments like these..."

Narito ang isang sampol pa na sayaw ni Gardo:

Continue reading below ↓

AIKO MELENDEZ

Ang daming iniendorso ni Aiko Melendez na online sellers ng pagkain.

Pero ayan siya, seksi-seksihan at panay-panay ang pa-swimsuit. Mukhang pumayat siya sa kalalangoy. Kahit gabi, nagsu-swimming ang aktres.

"Forget the negativity even for just awhile," post ni Aiko sa Instagram at Facebook nitong Hulyo 6, Huwebes.

Anytime ay ready si Aiko na sumabak muli sa pag-arte sa top-rating afternoon drama na Prima Donnas.

Continue reading below ↓

KRIS BERNAL

Isinara ni Kris Bernal ang Korean restaurant niyang House of Gogi, at ginawang online grocery mart ang puwesto.

Ayaw kasi niyang pakawalan ang mga empleyado. Nais niya tulungan ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya.

Post ni Kris nitong Agosto 5, Miyerkules sa Instagram, "Finding ways to adapt and improving my business have been my strategies to keep my employees.

"Being resilient is the key to surviving which is why I turned House of Gogi into GOGI MART!

"Please take the time to check our new menu! Baka may magustuhan po kayo."

Continue reading below ↓

BENJAMIN ALVES

Nitong Agosto 6, Huwebes, inilunsad ni Benjamin Alves ang bagong negosyo, ang House of Roses, na isang flower shop.

"Say it with roses," saad sa caption ni Benjamin sa Instagram post niyang bouquet of Ecuadorian roses nitong Agosto 5, Miyerkules.

Masipag si Benjamin sa pag-promote ng kanyang business.

Continue reading below ↓

EA GUZMAN

Nang mag-umpisa ang ECQ, mas naging focused naman si Edgar Allan Guzman sa gawaing bahay. Nilinis niya ang kanyang kuwarto, at tinulungan ang ina sa paglalaba at pagluluto.

Ginawa niyang negosyo ang hilig sa pagluluto via "Adobong Tuyo ni Mommy Sarrie." Ito ang kanyang unang business venture. Successful ang dry run nito noong Agosto 3, Lunes.

Promote ni EA sa Instagram, "The ‘Not So Ordinary’ Adobo! May ile-level up pa ba? Oo mismo! Introducing Mommy Sarrie’s (my mom) ADOBONG TUYO! Best with Patis! Kakaibang lasa na hindi mo mahahanap sa iba, and through the years, subok na subok na! Try it and you will surely love it!"

Continue reading below ↓

NOEL FERRER:

Karamihan sa talents ko ay nagpapalakas ng kanilang online presence.

JOROSS GAMBOA, AKIHIRO BLANCO, THE ALCARAZ, & VICTOR NERI

Sina Joross Gamboa and Akihiro Blanco are both into gaming. Joross also vlogs.

Marco and Lara Alcaraz are also actively posting vlog entries on their YouTube Channels.

Habang naghihintay ng kanyang gagawing pelikula, si Victor Neri ay kasama ng DSWD sa paghahatid ng ayuda sa ating mga kababayan.

STILL ACTIVE IN THE THEATER SCENE

Sina Jomari Angeles (na may You Tube channel din), Adrienne Vergara, at Quiel Quiwa, busy sa theater and short film festivals.

Ang singers na sina Arman Ferrer and Myke Salomon have online gigs.

Si Joanna Ampil ay abala sa Cats, the Musical sa Korea.

Habang si Joaquin Valdes ay gumagawa ng Fanny & Stella lock-in production sa U.K.

Continue reading below ↓

ARTISTS WITH TV SHOWS

Si Iza Calzado ay may bagong teleserye na Ang Sa Iyo Ay Akin sa ABS-CBN.


Si Ryan Agoncillo ay may Eat Bulaga sa GMA-7 at Bangon Talentadong Pinoy sa TV5.

Habang sina Atom Araullo, Kuya Kim Atienza, at Rico Hizon ay abala sa kani-kanilang News and Public Affairs shows.

Continue reading below ↓

Life goes on, and we just have to be productive kahit nahaharap tayo sa pandemya.

It seems like we will probably be living with this virus for a long time kaya we have to navigate our existence through it.

Yes, we really have to take care of ourselves and other people too.

GORGY RULA

Ang mga artista namang may binuksang negosyo ay naiba na ang lifestyle.

ATE GAY

Kagaya ng komedyanteng si Ate Gay—9:00 p.m. ay tulog na siya para maaga siyang gumising at makapili ng sariwang karne at iba pang ingredients para sa kanyang siomai at iba pang streetfood na itinitinda niya.

Continue reading below ↓

YASMIEN KURDI & GLADYS REYES

Ang young mom na si Yasmien Kurdi ay sinasabayan ng tulog ang anak niya para pagkagising ay ina-assist niya ang online schooling nito.

Hindi mo naman ma-contact si Gladys Reyes tuwing hapon dahil naka-focus ito sa kanyang online acting workshop. May sisimulan na rin siyang acting workshop for kids.

Continue reading below ↓

MATTHIAS RHOADS

Aliw ang exercise ng hunk actors na pinu-post sa TikTok. Meron pa silang daily 30 push-ups challenge, gaya ng ginagawa ng hunk actor-model na si Matthias Rhoads.

E, sino naman itong pulitiko na nakatuwaang mag-exercise at stretching na naka-boxer shorts lang? Biglang sumilip tuloy ang bolang kristal!

Patay-malisya na lang niyang tinapos ang Facebook live niya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong may pandemya at wala pang bagong proyekto, negosyo muna ang pinagkakaabalahan nina (mula kaliwa) Kris Bernal, Benjamin Alves, Edgar Allan Guzman, at Ate Gay.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results