Jak Roberto, "kinalimutan" ang birthday ni Barbie Forteza; Barbie, napaiyak

by PEP Troika
Aug 7, 2020
Effective ang maang-maangan acting ni Jak Roberto! Sorry na raw, Barbie!
PHOTO/S: Jak Roberto Youtube

JERRY OLEA

Naka-two million views agad ang vlog ni Jak Roberto na "FORGETTING MY GIRLFRIEND’S BIRTHDAY PRANK!!!"

In-upload niya ito kahapon, Agosto 6, Huwebes, sa kanyang eponymous YouTube channel.

Noong Hulyo 31, Biyernes, nagdiwang ng ika-23 kaarawan ang kasintahan ni Jak na si Barbie Forteza.

Siyempre, kakuntsaba ni Jak sa prank ang mga kasama ni Barbie sa bahay.

Kuwento ni Jak noong Hulyo 30, Huwebes ng hatinggabi, "Ipa-prank ko siya na kunwari, nakalimutan ko yung birthday niya. Alas dose na ngayon, ayan, katu-12:01 lang, hindi ko pa siya binabati ng birthday niya.

"Hindi rin ako nagme-message sa kanya. Yun nga, hindi ko binati. Hindi ako tumatawag.

"Kahit sa social media, hindi ako nagpo-post tungkol sa birthday niya."

Ang eme-emeng eklay ni Jak ay abala siya sa pag-e-edit ng video mula 6:00 p.m. Nagsabi si Jak na pupuntahan niya si Barbie sa hapon the next day sa bahay nito.

Biyernes ng 11:35 a.m., nasa labas na si Jak ng bahay ng kasintahan.

Continue reading below ↓

"Hindi ko alam kung ano ang mood niya ngayon—naiinis ba siya or ewan ko kung anong mangyayari ngayon!" natatawang salaysay ng binata.

"So, anyway, ipa-prank natin si Madam.

"Usually naman, pag nagbi-birthday siya, alas dose pa lang ng hatinggabi, bumabati na ako saka nagpo-post na ako sa social media.

"Pero ngayon, as in walang paramdam."

Maagang nagpunta si Jak para i-set up ang hidden camera habang hindi pa bumababa si Barbie mula sa bedroom nito sa itaas. Kaswal lang ang suot ni Jak, as in nakapambahay.

Pagka-set up ng camera, lumabas na sa bahay si Jak at kunwari ay kararating lang. A few moments later... si Barbie ang nagbukas ng pinto. Napangiti ito at bumungisngis pa.

Hindi man lang nag-kiss si Jak kay Barbie. Halatang excited si Barbie, pero patay-malisya si Jak habang pinupunasan ang pawis niya.

"Maghapon akong nag-edit. Natapos ko nang na-edit ngayon. Sakit sa mata," lahad ni Jak, na pumuwesto sa salas para ma-record ng camera ang mga kaganapan sa prank.

Continue reading below ↓

Kung anu-ano ang mema ni Jak.

Pinag-usapan nila ng ina ni Barbie ang grabeng taas ng COVID-19 cases, at nagsabi si Jak na magpapa-carwash siya. Hirit ni Jak, marumi ang kanyang sasakyan. Lagi raw naiiputan ng ibon.

Halata ang pagkabalisa ni Barbie, pero deadma si Jak para lalo itong mainis.

Continue reading below ↓

Medyo nagsusungit-sungit na ang Kapuso young actress.

Inusisa ni Jak si Barbie kung ano ang ginawa nito the day before.

Tugon ni Barbie, "Nag-abang ng... message kay ate." Nanganak kasi ang ate ni Barbie.

Tsinika ni Jak ang ina ni Barbie. Tumatahimik na si Barbie, na tila nag-aalimpuyo ang irita.

Maya-maya, nagpaalam si Jak para magpa-carwash, na parang walang anumang espesyal na okasyon.

Talak ni Barbie, "Aalis ka ulit? Dumaan ka pa dito, ‘Neng?!"

Bahagya mang napataas ang boses, halatang nagpigil si Barbie ng inis niya at bahagya pang tumawa.

Pero kunwa'y deadma pa rin si Jak at saka nagpaalam. Nakabusangot si Barbie. Nag-kiss si Jak sa ulo ni Barbie bago lumabas.

Sey ni Barbie, "Pagka-carwash mo kaya, umuwi ka na?!”

"Bakit?" tanong ni Jak.

"Para ma-cover-an mo na yung sasakyan mo. Kasi, uulan na! Makulimlim na!" katwiran ni Barbie.

Continue reading below ↓

"Okay lang. Ipa-carwash ko na lang ulit," sabi lang ni Jak.

Paglabas ni Jak, halatang yamot na si Barbie.

Hinintay ni Jak na mag-CR si Barbie, saka siya pumasok sa bahay dala ang kanyang regalo at isang pumpon ng pulang rosas.

Paglabas ni Barbie sa CR, kinantahan ito ni Jak, "Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday!"

Saka iniabot ni Jak ang gift niya at bouquet para kay Barbie.

Sa sobrang halu-halong emosyong tiyak na naramdaman niya, hindi na nakapagsalita si Barbie at napaluha na lamang siya.

Siyanga pala, napapanood sina Jak at Barbie sa rerun ng Meant To Be sa GMA Telebabad.

GORGY RULA

Hindi napigilan ni Barbie na maiyak sa panibagong prank sa kanya ni Jak.

Tinanong pa ni Barbie ang Kapuso hunk kung naalala ba talaga nito ang birthday niya.

"Siyempre naman!" ang mabilis na sagot ni Jak.

Isang airpod ang birthday gift ni Jak kay Barbie. Tuwang-tuwa si Barbie dahil nasira na raw yung dati niyang gamit.

Continue reading below ↓

Sa totoo lang, nakakatanggal-bagot ang ganitong gimmick ng magkasintahan para lalong tumibay ang kanilang relasyon.

Kagaya nina Derek Ramsay at Andrea Torres, pati sa celebrity couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana, meron silang vlog na kinagigiliwan ng kani-kanilang fans.

Ewan ko lang kung makakatulong ito sakaling magsama sila sa isang project.

Nakakaaliw panoorin sa vlog, ewan kung may excitement pa rin kapag magsama sila sa isang proyekto.

NOEL FERRER

Happy Birthday, Barbie!

To be young and in love, nakikiisa tayo sa feeling na iyan. Buti na lang, aprub at with consent ang pamilya ni Barbie kay Jak.

Sa huli’t huli, ang turo sa atin ng COVID ay maghanap ng partner na makakasama at makakasundo mo.

Hindi lang at the moment, kundi sa pangmahabaan, iyong tipong magkatuwang kayo sa saya o sa panahon man ng pandemya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Effective ang maang-maangan acting ni Jak Roberto! Sorry na raw, Barbie!
PHOTO/S: Jak Roberto Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results