Kombinasyong Kapuso at Kapamilya stars sa bagong Kapatid shows, kaabang-abang!

by PEP Troika
Aug 8, 2020
pokwang holding money, jessy mendiola side view, ria atayde hair on shoulder
Bukod kina (L-R) Pokwang, Jessy Mendiola, at Ria Atayde, kaabang-abang din kung sinong Kapamilya stars pa ang lilipat sa TV5.
PHOTO/S: Instagram / @itspokwang27, @senorita_jessy, @ria

JERRY OLEA

Magpapaandar na ang bagong original shows ng TV5 sa Agosto 15, Sabado ng gabi. 6:00-8:00 PM.

TV5 shows

Back-to-back ang Fill in the Bank nina Jose Manalo at Pokwang, at ang Bawal Na Game Show nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

“Dito, bawal gumalaw!” tili ni Wally sa teaser, na sinambot ni Jose, “Pero pwedeng galingan sa paghula.”

Continue reading below ↓

“Dito, bawal ang sablay,” kikay na hanash ni Paolo, habang nagmamaganda si Pokwang sa kanyang sansala, “Pero pwedeng maging madiskarte!”

More and more ang kasiyahan, katuwaan at pagbibigay ng limpak-limpak na papremyo.

After the August 15 launch, M-W-F na mapapanood ang Fill in the Bank, at T-Th-S ang Bawal na Game Show, 8 PM.

Sa Agosto 15 magpapasiklab ang pilot episode ng Bangon Talentadong Pinoy, with Ryan Agoncillo as host.

Maraming nag-viral na kalahok dito. Masaya at exciting!

Sinadya ba na pawang Kapamilya ang talent scouts (John Arcilla, Janice de Belen, at Joross Gamboa) sa first episode ng Bangon Talentadong Pinoy?

“Hindi naman. Pero siyempre kasi, naisip namin, sinu-sino ang mga available? At lahat ng tatlong yan, masayang ka-work, e,” sabi ni Direk Perci Intalan, TV5 Head of Programming at presidente ng The IdeaFirst Company na producer ng naturang talent show.

Continue reading below ↓

“Lahat, nakatrabaho na namin. At puro hits ang projects namin!”

Sa oras na 9 PM naman matutunghayan ang Usapang Real Life with Luchi.

Kaabang-abang ang pakikipagkuwentuhan ni Luchi Cruz-Valdez sa panauhin niyang si Karen Davila.

Ayon sa reliable source ng PEP, may proposal na para magkaroon din ng sariling show si Korina Sanchez sa TV5. Abangan.

Continue reading below ↓

Kabilang pa sa frontliners ng Kapatid Network sina Pauleen Luna at Ria Atayde ng morning show na Chika, Besh (kung saan ka-join din si Pokwang), Jessy Mendiola ng Fit for Life, at si Raffy Tulfo sa Idol in Action.

Lunes hanggang Biyernes ng 11 A.M. ang Idol in Action, kung saan ka-partner ni Idol Raffy sina Kapitana Carol, Marga Vargas, MJ Marfori, Maricel Tulfo, Roda Magnaye, at Hannibal Talete.

Continue reading below ↓

Gagawa ba ng bagong station ID ang TV5 sa panahon ng COVID-19?

“Naku, baka di muna. Una, mahirap, e. Pangalawa, parang lahat ng energy ngayon, sa paggawa ng shows at pagpaganda ng mga ito,” sey ni Direk Perci.

“Patola” si Pokwang sa isang netizen na nagsabing basura ang mga bagong show ng TV5.

“Ah, talaga? Ha-ha-ha-ha! Di na sineseryoso ang mga ganyan. Ang importante, nakakapagbigay ng work, di ba?”

Babalik ba sa TV5 ang dating prinsesa ng network na si Alex Gonzaga?

“Sana! Homecoming yun.”

Continue reading below ↓

"Babaeng Hampaslupa goes home?!" tanong namin in reference sa 2011 drama series ni Alex sa TV5.

“Ha-ha-ha! Hindi na siya papasang hampaslupa now!” sagot naman ni Direk Perci.

NOEL FERRER

Kaabang-abang ang mga ihahain na programa ng TV5 dahil alam kong maraming matutulungan ang network na displaced workers ng ABS-CBN.

Nagulat ako nang may nagtanong sa akin na totoo bang bago makapasok ang isang talent sa TV5 ay kailangang ipaalam sa Malacañang.

Sa roster ng bagong talents nila ay parang wala namang katotohanan.

Nang tanungin ko si Direk Perci tungkol dito, ang sabi niya, “Walang ganun, kapatid.”

Mabuti naman kung ganoon.

GORGY RULA

Medyo naintriga ako sa possible show ni Korina.


Continue reading below ↓

Curious ako kung sino pa sa News and Current Affairs ng ABS-CBN ang lilipat sa ibang istasyon.

Ang usap-usapan na wala pa namang kumpirmasyon, sa GMA-7 na raw si Vic de Leon Lima, at baka sa DZRH na raw ang sikat na tandem nina Anthony Taberna at Jerry Baja.

May tsika ring lilipat na rin daw si Noli Boy de Castro, pero wala pa kaming narinig kung saan.

Abangan natin kung magiging Kapatid na nga si Korina.

Wala naman siguro silang problema ni Madam Luchi.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod kina (L-R) Pokwang, Jessy Mendiola, at Ria Atayde, kaabang-abang din kung sinong Kapamilya stars pa ang lilipat sa TV5.
PHOTO/S: Instagram / @itspokwang27, @senorita_jessy, @ria
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results