Michael V, may dagdag na tip para hindi tablan ng COVID-19 virus

by PEP Troika
Aug 8, 2020
Plano ng COVID-19 survivor na si Michael V na mag-donate ng plasma sa mga pasyenteng nagkaroon din ng coronavirus. Kailangan lang niyang maging negative sa dalawa pang swab tests na pagdadaanan niya.
PHOTO/S: Screengrab from Bitoystory on YouTube

GORGY RULA

“Yes, nakalaya na ako.”

Text iyan sa akin ni Michael V nang kinumusta ko ang kalagayan niya ngayong Sabado, August 8.

Tapos na kasi ang 14-day self-quarantine niya at sinasabi niyang nararamdaman na niyang papagaling na siya.

“Yung isang son ko, may fever kaya pinag-isolate din namin. Third day niya, nag-quarantine. Pina-test na rin namin to be sure pero, hopefully, stomach flu lang.

“Hirap. Parang series sa Netflix na ayaw matapos,” dagdag niyang text sa PEP Troika.

Dadaan pa si Bitoy sa swab testing dahil balak niyang mag-donate ng plasma sa mga pasyenteng nagka-COVID.

“As far as my testing is concerned, I’m planning on donating plasma for other patients. Pero required ako to have two negative PCR swab tests before I can do that.

“Will clear this with my doctors and do the tests as soon as possible,” text pa niya.

Maraming napagtanto si Michael V sa pinagdaanan niyang ito.

Continue reading below ↓

Ang mensahe niya sa lahat na posibleng mahawa, huwag magpaka-stress dahil minsan, sa stress bumibigay ang ating katawan.

“Doon sa mga meron na tinamaan na, huwag kayong magpaka-stress. Dapat gumawa kayo ng paraan para mawala yun sa isip n’yo.

“Kasi, may mga kakilala ako na mga frontliners na regular na humaharap sa mga may COVID na di tinatablan talaga. Pero nung inabot sila ng stress dahil sa mga mahal nila sa buhay naapektuhan, dun sila tinamaan ng COVID.

“Kaya dapat talaga, humanap ka ng mapapaglibangan para mas madali kang gumaling.

“Maganda, positive thinking gaya ng ginawa ni Donita Nose kaya siya naka-recover,” bahagi ng pahayag ni Bitoy nang nakapanayam namin siya sa DZRH noong nakaraang linggo.

NOEL FERRER

Buti at ligtas na si Bitoy sa kanyang pinagdaanan, which also proves a point na we can contract the disease and, given our boosted immune system, puwede nating malampasan ito.

Pero malaking bagay ang pag-iingat.

Continue reading below ↓

The better lesson is listen and love your body talaga!

Kasabay ng ating pagpapasalamat sa Diyos sa paggaling ni Bitoy ay ang pagsusumamo natin na sana ay gumaling agad ang anak niyang si Migo.

JERRY OLEA

As of August 8, Saturday, 4 PM, umabot na sa 126,885 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bayang Magiliw.

Nasa 2,209 ang kumpirmadong pumanaw, samantalang 67,117 ang kabuuang bilang ng naka-recover.

Paalala ng Department of Health (DOH), “Importanteng maparamdam natin sa mga kapamilya’t kaibigan ang ating pagmamahal at suporta sa panahong ito.

“Pero bawal muna ang pagtitipon! Idaan na lang muna sa sa text, tawag, o video call ang chikahan!

“BIDA ang may diskarte! Together, we can #BIDASolusyon sa COVID-19!”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Plano ng COVID-19 survivor na si Michael V na mag-donate ng plasma sa mga pasyenteng nagkaroon din ng coronavirus. Kailangan lang niyang maging negative sa dalawa pang swab tests na pagdadaanan niya.
PHOTO/S: Screengrab from Bitoystory on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results