Senator Bong Revilla, positive sa COVID-19

by PEP Troika
Aug 9, 2020
Sa kanyang Facebook post ngayong araw, Linggo, August 9, inihayag ni Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. na siya na positibo sa COVID-19.
PHOTO/S: Senator Bong Revilla Facebook

JERRY OLEA

“Nakakalungkot po na balita—I am COVID-19 positive.”

Pag-amin iyan ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kanyang Facebook page nitong Agosto 9, Linggo, 6:30 PM.

Pagpapatuloy ng 53-anyos na actor-politician, “Pero huwag po kayo mag-alala, I am okay. Sila Lani at ang mga bata ay okay rin at sa awa ng Diyos, ay negative naman lahat.

“Kami ay nagpatest at nag-isolate agad matapos may mag-positive sa aming household at isa sa aking mga tauhan.”

Ang Lani na tinutukoy ni Bong ay ang butihing maybahay niyang si Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Dagdag ni Sen. Bong, “I was last in the Senate on Monday before all of this, and was last out on Tuesday nung 40th day ni Daddy.

“Sa payo po ng aking doktor ay itutuloy ko ngayon ang aking quarantine, but will be under observation.

“Kasama ang inyong mga dasal, at sa grasya ng Panginoon, makakaraos at malalampasan din natin ito.

Continue reading below ↓

“Ngayon pa lang, salamat po sa inyong mga panalangin. Thank you for your prayers.”

GORGY RULA

Nakausap ko si Sen. Bong pagkatapos niyang i-post sa kanyang FB account ang malungkot na balita.

Gusto niyang iparating sa lahat na nag-alala na okey siya at naka-isolate siya, malayo sa kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

Hindi niya masasabing asymptomatic siya dahil may symptoms siyang naramdaman.

Noong una raw, parang nangangati ang mata niya na parang may sore eyes siya, at masakit daw ang balat niya.

May sense of smell at taste naman daw siya, pero hindi mo raw talaga maintindihan kung ano pang manifestations na lumalabas kapag nadapuan ka na ng nakakatakot na virus na ito.

Kaya dapat talagang lagi mong pakiramdaman ang sarili at lalong palakasin ang ating immune system.

Kaya raw siya nagpa-swab test uli dahil sa isa sa mga tauhan niya ay nag-positive.

Kaya siguro bukod sa sobrang pag-iingat, dapat sigurong paghandaan na rin natin kung ano ang dapat gawin kapag mahawa ka na nitong COVID-19.

Huwag na tayong matakot. Huwag nang ma-stress lalo.

Kapit pa rin sa taimtim na pagdarasal na matapos na ito at malagpasan na natin itong pandemyang hinaharap natin.

NOEL FERRER

Marami tayong kilala na nalabanan ang Covid sa pamamagitan ng pag-boost ng kanilang immune system.

Continue reading below ↓

Medyo rumatsada rin kasi si Senator Bong sa pagharap at pag-estima ng mga tao ngayong may pandemya—kaya siguro nakuha niya ang virus.

Pero kakayanin iyan ni Senator Bong!

Ang mahirap lang talaga sa sakit na ito ay ang yung isolation mo sa mga mahal mo sa buhay.

Siyanga pala, as of August 9, Sunday, 4:00 PM, umabot na sa 129,913 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa.

Ang kabuuang bilang ng pumanaw na nai-report ay 2,270, samantalang ang total reported recoveries ay 67,673.


Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanyang Facebook post ngayong araw, Linggo, August 9, inihayag ni Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. na siya na positibo sa COVID-19.
PHOTO/S: Senator Bong Revilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results